"It is true art and through art only we can realize our perfection; true art and art only we can shield ourselves from the sordid perils of actual existence." - Oscar Wilde
Xavi's POV
Tumingin ako sa relo. Pasado alas-nuebe na. Hindi ko napansin na inabot na ako ng ganitong oras dito sa opisina. Natawa ako sa sarili ko at napasandal sa kinauupuan ko. First time itong nangyari. Dati, ayokong-ayoko na tutuntong dito, pero ngayon hindi ko namalayan ang oras dahil sa dami ng mga binabasa at inaaral kong papeles.
Inimis ko ang mga papel at hinilot-hilot ko ang batok ko. Naipagpasalamat kong hindi pa kami nagkikita ni dad after namin mag-away three days ago. Nalaman ko sa sekretarya niya na nagpunta pala ng US at next month pa babalik. Mabuti naman at least sa tagal na iyon, maayos akong makakapagtrabaho dito at puwede rin akong hindi magpapasok dahil wala namang sisita sa akin.
Alam kong ako na lang ang tao dito. Bihira ang mga nag-o-overtime sa mga empleyado ni dad. Medyo makunat kasi itong daddy ko. Ayaw magbayad ng extra pay for overtime. Gusto niya kapag five o'clock, uwian na ang mga empleyado. Pero nagtataka ako kasi may liwanag akong nakikita sa sa bandang Accounting department. Ang ilaw ay nanggagaling sa nakabukas na laptop. May tao pa ba? Patay na ang lahat ng ilaw.
Pumasok ako at binuksan ko ang mga ilaw. Napaangat ng ulo si Jer at gulat na napatingin sa akin.
"Jer? Hindi ka pa umuuwi?" Naisip ko si Kay na baka naghihintay sa kanya sa baba. Alam kong sinusundo siya ni Kay dito.
"S-sir. Nandito pa kayo?" Parang kinakabahan siyang nakatingin sa akin pero nanatiling nasa harap ng laptop niya.
"Gabi na. Puwede pang gawin bukas iyan," sabi ko at lumapit sa kanya.
Seryoso siyang tumingin sa akin.
"Hindi ko kasi magawa ito ng maraming tao dito. Tingin ko may mga taong tinitingnan kung ano ang tinatrabaho ko," sagot niya sa akin.
Kumunot ang noo ko at tiningnan ko ang ginagawa niya. Mga balance sheets, mga audit reports.
"Jer, you can continue that tomorrow. Umuwi ka na. Baka hinihintay ka na ng asawa mo." Ayoko din naman na naghihintay si Kay sa kanya. At sa kalagayan niya, mahihirapan pa siyang umuwi.
"Okay lang, Sir. Nagpaalam naman ako sa misis ko na gagabihin ako. Gusto ko lang itong matapos." Napailing si Jeremy. "Naipakita ko na ang nawawalang five hundred thousand 'di ba? Ito pa 'yung iba. Sir, 2.2 million na ang nakikita kong nawawala. Hindi ba ito nachi-check ng audit?"
"What?" Kinuha ko ang papel na hawak niya. Ipinagko-compare ko sa papel na ipinasa sa board ng Audit. Hindi bai to nakita ni daddy? Ang laki ng nawawala sa company.
"Since 2015 ito, Sir. Itong mga reports na nakuha ko dalawang beses kong chineck. Ang laki talaga ng nawawala." Tingin ko ay nag-aalala na rin si Jeremy.
"Basta you keep this between us para hindi mabulaga ang kung sino man na gumagawa nito. Did you eat dinner?"
Ngumiti ng parang nahihiya si Jeremy. "Sa bahay na lang, Sir. Matatapos ko na rin naman 'to."
"Hindi ka pa nagdi-dinner? Baka naman mapagalitan ako ng misis mo dahil pinapabayaan mo ang sarili mo. Sabihin overworked ka dito sa kumpanya." Naiiling na sabi ko at tinawagan ko ang nakaposte sa reception. Nagpaorder ako ng pagkain para sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Withered Hues (COMPLETE)
RomanceXavier Philip Costelo was looking for the perfect model for his next exhibit. Someone who could turn all his canvas full of hues. Someone who could bring back his drive to paint something special again. Until he found Kaydence Montecillo. The mar...
