"Art is much less important than life, but what a poor life without it." - Robert Motherwell
-------------
Kay's POV
Wala akong maintindihan sa mga ini-explain ng doctor sa akin tungkol sa kalagayan ni Jeremy. Basta ang alam ko lang kaya siya ganito dahil daw matinding usok na nalanghap niya. Hindi ko makausap si Jeremy. Ayaw niyang gumising. Kahit anong gawin ko hindi siya magising.
Ilang araw ng nandito sa ICU si Jeremy. Hindi na ako nakakapasok dahil ayokong iwan ang asawa ko. Gusto ko kapag nagising siya, ako agad ang makikita niya. At paggising niya, sasabihin ko ang magandang balita. Sigurado ako mabilis na makaka-recover si Jeremy kapag nalaman niyang magiging tatay na siya.
Naiiyak ako habang tinitingnan ko ang katawan ni Jeremy. Ang daming paso. Ang daming sugat. Sabi ng mga imbestigador, sa hagdan daw nila natagpuan si Jeremy na walang malay. Nag-pass out na dahil sa kapal ng usok. Sa third floor daw nagsimula ang sunog kaya buong third floor ang natupok. Suwerte nga daw at natagpuan agad ng mga bumbero kasi kung hindi, malamang kasama na si Jeremy sa natupok ng sunog na iyon.
Iniimbestigahan pa nila kung anong nangyari at ano ang pinagsimulan ng sunog. Wala na akong pakialam doon. Ang utak ko ay naka-focus kung paano magigising ang asawa ko. Hindi ko talaga kakayanin kung may mangyayaring masama sa kanya.
Napalingon ako dahil may maingay akong naririnig na papasok sa loob ng ICU. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko dahil nakilala kong ang biyenan ko iyon kasama si Jerika. Nagsisisigaw ng makapasok at kulang na lang ay buhatin sa kama ang latag na katawan ni Jeremy.
"Anak ko! Anong nangyari sa iyo?" Ang lakas ng palahaw ng biyenan ko. Tumabi na nga lang ako kasi muntik pa akong hawiin para lang makalapit sa asawa ko. Kasunod nito si Jerika na umiiyak.
"Jeremy! Gumising ka diyan? Anong ginawa nila sa iyo?" Humagulgol sa iyak ang nanay niya. Hindi naman ako kumikibo. Ilang araw na ang nakalipas dito sa ospital pero ngayon lang dumalaw ang nanay ni Jeremy.
"'Nay, huwag ho kayong masyadong maingay. May mga pasyente din ho sa kabilang kuwarto." Saway ko sa biyenan.
"Wala akong pakialam! Anak ko ito!" Humarap sa akin ang biyenan ko na nagagalit. "Ikaw ang may kasalanan nito. Kung hindi mo pinabayaang magtrabaho ang anak ko, hindi mangyayari ito sa kanya."
"Ano ho? Bakit kasalanan ko?"
"Ikaw naman talaga ang may kasalanan ng lahat! Mula pa sa umpisa, kung hindi ka nagpabuntis kay Jeremy, hindi mamalasin ang buhay niya. Ikaw ang malas sa buhay niya. Ikaw ang malas sa buhay namin!" Nanlilisik ang mata ng biyenan ko sa akin.
"Teka. Bakit kasalanan ko? Hindi ba dahil sa inyo kaya nagkakandakuba sa trabaho si Jeremy? Dahil wala kayong hinto sa paghingi ng kung ano-anong suporta sa kanya. Lahat na lang hiningi 'nyo sa kanya. Hindi ako ang may kasalanan nito. Kayo! Kayong dalawa ng anak mo!" Hindi na ako nakatiis na hindi sumagot sa biyenan ko.
Nakita kong parang nagulat ang nanay ni Jeremy sa sagot ko. First time kasi itong sumagot talaga ako sa kanya.
"Ang kapal talaga ng mukha mo. Ang sabihin mo, makasarili ka talaga. Gusto mong solohin ang kinikita ni Jeremy at pabayaan na kami ng kapatid niya. Hindi ko talaga alam kung anong nakita ng anak ko sa iyo. Napaka-walang kuwenta mo naman."
"Kung may walang kuwenta dito, kayo 'yon. Kayo ng anak mo." Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. "Halos patayin ni Jeremy ang sarili niya sa pagtatrabaho maibigay lang ang lahat ng gusto 'nyo. Kahit may kapansanan na, pinilit pa ring magtrabaho para lang matustusan kayo pero wala kayong kakuntentuhan. Kayo ang walang awa." Napahagulgol na ako ng iyak.
BINABASA MO ANG
Withered Hues (COMPLETE)
RomansaXavier Philip Costelo was looking for the perfect model for his next exhibit. Someone who could turn all his canvas full of hues. Someone who could bring back his drive to paint something special again. Until he found Kaydence Montecillo. The mar...