CHAPTER TWENTY SIX - CHARCOAL

12.2K 473 64
                                    

"The worst enemy to creativity is self-doubt." - Sylvia Plath

----------

Kay's POV

            "Kaydence! Kaydence! Stop running!"

            Hindi ko pinapakinggan ang pagtawag sa akin ni Xavi. Patuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi totoo ang sinasabi niya. Walang masamang nangyari sa asawa ko. Labong-labo na ang mga mata ko at halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Kailangan ako ni Jeremy.

            Nagmamadali akong makapasok sa ICU. Malayo pa lang ay naririnig ko na malalakas na iyakan. Kilala ko ang boses na iyon. Sa ilang taon naming pagsasama ni Jeremy, kabisadong-kabisado ko na ang tinig na iyon. Iyak iyon ng biyenan ko. At hindi pang-best actress na iyak. Totoong umiiyak ang biyenan ko.

            Nanginginig ang mga tuhod ko ng makarating ako sa kuwarto ni Jeremy. Naroon nga ang biyenan ko at ang hipag ko. Parehong umiiyak sa tabi ng kama ng asawa. Ang maingay na aparatong naririnig kong tumutunog sa tuwing humihinga si Jeremy ay tahimik na tahimik. Nakapatay na ang mga monitors na nag-mo-monitor ng heartbeat niya. Wala na rin ang tubong nakakabit sa bibig niya. Walang kahit na anong aparato na nakakabit sa katawan niya.

            "Jer," nanginginig ang boses ko habang lumalapit kay Jeremy. Nakahiga lang siya sa kama. Parang payapang natutulog. Kaibahan lang, wala akong nakikitang pag-angat ng dibdib niya. 'Yung nakikita ko siya noon na parang hirap na huminga. Ngayon, wala siyang kakilos-kilos.

            "Jer, umalis lang ako saglit kasi may inayos lang ako. Jer, nandito ako." Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ko ang braso niya. Mainit pa. Nilapitan ako ng doctor at hinawakan sa balikat.

            "We did everything we could, Mrs. Montecillo. I am so sorry for your loss." Mahinang sabi ng doctor.

            "Anong loss? Hindi. Hindi patay ang asawa ko," tiningnan ko si Xavi na humihingal na nakasunod sa akin. "Hindi. Hindi totoo." Muli kong tiningnan si Jeremy. "Jer, gumising ka na. Jeremy." Pilit kong niyuyugyog ang katawan niya.

            Lalong naglakasan ang pag-iyak ng biyenan ko at hipag ko. Naramdaman kong inalalayan ako ni Xavi.

            "Huwag mo akong hawakan!" Bulyaw ko sa kanya at hinaplos ko ang mukha ni Jeremy. Tinapik-tapik ko pa ang mukha niya. "Jer, please. Gumising ka naman. Huwag naman ganito." Hagulgol ako at sumubsob sa dibdib niya. Wala akong marinig na pintig doon.

            Pilit kong kinuha ang kamay niya at inilagay iyon sa mukha ko. Napuno ng luha iyon.

            "Jeremy, ano ba? Please. Huwag naman ganito. Huwag mo naman akong iwan ng ganito. Gagawa ako ng paraan. Sabi ko sa iyo, kahit anong sakripisyo gagawin ko. Huwag naman ganito," pilit kong pinapagalaw ang mga daliri ni Jeremy. Pero unti-unti ng nawawala ang init noon.

            Tumingin ako sa doctor. "Doc, pakitingnan naman po ang asawa ko. 'Y-yung kamay niya malamig na. B-bakit hindi siya humihinga?" Nagpapalahaw na ako doon.

            "Kaydence, calm down. It will be bad for your baby," mahinang sabi ni Xavi sa akin pero itinulak ko siya palayo.

            "Mrs. Montecillo, I am so sorry. We did everything we could. But his heart was already damaged because of too much smoke inhalation. We were expecting this already." Mahinahong paliwanag ng doctor sa akin.

            Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng doctor. Iisa lang ang isinisigaw ng isip ko. Wala na si Jeremy. Iniwan na ako ng asawa ko.

Withered Hues (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon