"The jealous are troublesome to others, but torment to themselves." - William Penn
---------------------
Kay's POV
Hindi totoo ang sinasabi ni Xavi.
Hindi totoo ang nakasulat sa kapirasong papel na ito. Nagsisinungaling lang si Jeremy. Hindi magagawa ni Jeremy na saktan ako.
Para akong nanghihinang napaupo sa semento at inalalayan ako ni Xavi. Kahit gusto ko siyang itulak ay wala akong lakas na gawin iyon. Literal na para akong nanghihina sa nalaman ko.
Bakit ganoon? Bakit nagawa iyon ni Jeremy? Bakit kahit wala na siya kailangan pa rin niya akong saktan ng ganito? Nasaktan ako, nasaktan ang ibang tao dahil sa pagmamahal ko sa kanya tapos ngayon malalaman ko ang napakalaking kasalanan na ginawa niya sa akin.
Hindi kumpleto si Jeremy pero perperkto ang tingin ko sa kanya kaya hindi ko matanggap ito. Pakiramdam ko binaboy niya at kahit kaninong lalaki ipapagamit niya ako.
"Kay, pareho tayong walang alam dito. Si Jeremy ang nagdesisyon na gawin ito." Mahinang sabi ni Xavi sa akin.
Lalo akong napaiyak ng maisip ang gabing iyon. Kaya pala ang sweet-sweet niya. Kaya pala pagkatapos ng mangyari iyon bigla siyang nagbago. Bigla siyang nanlamig sa akin. Pilit kong iniisip kung ano ang naging kasalanan ko pero ang totoo, si Jeremy pala ang gumawa ng napakalaking kasalanan sa akin.
Kahit kailan hindi ko naisip na tumingin sa ibang lalaki. Pinabayaan ko ang sarili ko para maintindi ko lang si Jeremy. Lahat tiniis ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Kahit hindi kami magkaroon ng anak tinanggap ko basta kami lang ang magkasama. Tapos, ganito ang malalaman kong isinukli niya sa pagmamahal na ibinigay ko?
"Bakit?" Iyon lang ang tanong ko. Wala na si Jeremy para sagutin ang mga katungan ko ngayon. Wala na si Jeremy para ipaliwanag kung bakit niya ito nagawa sa akin.
"He wanted you to have a child. A child that he cannot give."
Lalo akong napaiyak ng sabihin iyon ni Xavi.
"Pumayag siya ng ganoon? Natanggap niyang ibang lalaki ang gumawa noon sa akin?" Pilit ko pa rin iniisip kung bakit nagawa iyon ni Jeremy.
"I think he was desperate. That's the only thing that he cannot give to you."
Tumingin ako kay Xavi. "Pero bakit ikaw?"
Nakita ko ang paglatay ng lungkot sa mukha ni Xavi at umiling siya.
"I-I don't know. Wala na naman si Jeremy para masagot pa niya iyan."
"Mommy?"
Pareho kaming napatingin sa may pinto ni Xavi at nagtatakang nakatayo doon si Joshua. Nagtatakang nakatingin sa amin pareho at lalo akong napaiyak ng makita ang mukha niya. Kaya pala. Kaya pala lahat na lang kay Joshua at parehong-pareho kay Xavi.
Agad na lumapit sa akin si Joshua at para bang hinaharangan niya si Xavi na makalapit sa akin.
"You hurt my mom?" Kita ko ang kaseryosohan sa mukha ni Joshua. Parang tipong handa akong ipagtanggol kahit kanino dahil nasaktan ako.
"Of course not. I can never hurt your mom." Titig na titig si Xavi sa mukha ng bata.
"Why are you here? Why is mom crying? Who made her cry?" Humarap pa sa akin si Joshua at pinahid ang mga luha ko. Lalo lang akong napahagulgol ng iyak.
BINABASA MO ANG
Withered Hues (COMPLETE)
Storie d'amoreXavier Philip Costelo was looking for the perfect model for his next exhibit. Someone who could turn all his canvas full of hues. Someone who could bring back his drive to paint something special again. Until he found Kaydence Montecillo. The mar...