"Do small things with great love."
--------------------------
Kay's POV
Asiwang-asiwa na talaga ako.
Kung puwede lang talagang tumanggi sa pagsama dito kay Tom ay ginawa ko na. Ayoko ang damit na ipinasuot niya sa akin. Haltered top dress. Labas pa ang likod ko. Ang iksi pa. Pakiramdam ko hubad na hubad ako sa harap ng maraming tao. Ipinilit din niyang magpaayos ako sa salon sa ibaba ng office namin. Pakiramdam ko idini-display lang niya ako sa meeting na ito. Mabuti na nga lang at kasama din namin si Charisse at ilang contributors din kaya medyo nakakahinga ako.
Hindi ako kumikibo habang kaharap namin ang ibang mga artist na isasamang i-feature sa magazine. Naipagpasalamat ko na lang na wala doon si Xavi. Kahit nagtataka ako na siya lang ang kulang doon ay breather na rin para sa akin. Hindi ko talaga kayang makaharap siya uli.
"Bakit wala si Xavi Costelo?" Tanong ng DJ na isa sa mga ipi-feature namin.
"Sabi ni Sophie, nasa isang meeting lang daw. Pero susubukan humabol. But I doubt. Sobrang hectic ng schedule noon kaya malabong makarating," sagot ni Tom.
Buti na lang. Mabuti ngang huwag na siyang humabol. At sana, kung dumating man siya ay nakauwi na ako.
"Are you okay?" Narinig kong bulong ni Tom sa akin.
Hindi ako kumibo at uminom lang sa hawak kong juice.
"You need to be presentable in-front of these artists. Sinabi ko sa kanila na ikaw ang pinaka-magaling na contributor sa magazine kaya isinama kita. Ayaw mo ba?" Siguro ay naramdaman ni Tom na talagang napipilitan lang ako dito.
"Wala naman akong choice na tumanggi." Hindi ko na napigil ang bibig kong sabihin iyon.
Hindi naman nainis si Tom sa sagot ko. Natawa pa nga.
"I really like you. So straight forward. Are you seeing someone right now?"
Napa-rolyo ang mata ko sa tanong niya at humarap na sa kanya.
"Sir, I am just here because I wanted to work. Wala po akong panahon sa ibang bagay. Trabaho lang ang gusto ko."
Kumibit ito ng balikat at uminom sa hawak na beer.
"Well, puwede mo namang pagsabayin ang work at ibang bagay. I heard that you've been a widow for so long. You don't miss having a companion?"
"May companion na ako. Ang anak ko."
Tumaas ang kilay niya at natawa sa sagot ko.
"Anak mo iyon. Ibang companion ang sinasabi ko."
Napailing na lang ako at napahinga ng malalim. Hindi talaga ako sanay sa mga palipad-hangin ng mga lalaki. Si Jeremy lang ang lalaking naging parte ng buhay ko at si Xavi. Ayoko ng dagdagan pa.
"I am persistent, Kay. I am telling you I don't want to lose. Ayaw mo sa akin ngayon but days will come, and I am sure to you that I will win you." Buong-buo ang kumpiyansa nito sa sarili.
"Teka, bakit? May competition ba? Sir, please. Puwedeng civil na lang tayo at mag-focus sa trabaho natin? Ayoko rin na maging issue tayo sa office."
"Bakit magiging issue? Vocal naman ako sa kanila na gusto kita and I am single. Wala akong sabit."
Nagulat ako ng biglang tumayo si Tom sa grupo namin at kinuha ang atensyon ng lahat.
BINABASA MO ANG
Withered Hues (COMPLETE)
RomansaXavier Philip Costelo was looking for the perfect model for his next exhibit. Someone who could turn all his canvas full of hues. Someone who could bring back his drive to paint something special again. Until he found Kaydence Montecillo. The mar...