CHAPTER FOURTEEN - CRIMSON

13.1K 425 58
                                        

"Morality like art , means drawing a line some place." - Oscar Wilde

------------------

Kay's POV

"Iba yata ang itsura mo ngayon?"

Hindi ko pinansin ang sinabing iyon ni Mahra at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Maganda ang araw ko dahil hindi ako binuwisit ng biyenan ko. Maganda ang naging anniversary celebration namin ni Jeremy kaya ayokong dahil lang sa bitterness ng ibang tao, ay masira iyon.

"Mukhang magaganda ang bagsak sa ukayan kaya maayos ang damit na suot mo ngayon. Mukhang na-plantsa pa at mukha ka ding naligo," tumawa pa ito ng nakakainis at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Totoo naman kasi ang sinasabi niya. Magmula ng maayusan ako sa salon noong anniversary namin ni Jer, sabi ng asawa ko dapat daw lagi na akong mag-ayos ng ganoon. Hindi ko naman daw kailangan na gumastos ng mahal para lang maging maayos. Maging presentable lang daw ako ay okay na. At dahil sinabi iyon ni Jer, gusto kong maging maganda ako sa paningin niya. Totoong sa ukay ako namimili ng damit dahil bukod sa praktikal na, malapit pa sa amin. Dapat lang talaga ay marunong maghanap ng maaayos. Katulad ngayon, ang suot ko ay isang black pencil cut skirt na hanggang tuhod at mustard sleeveless blouse. Maganda talaga ang damit na ito kahit mura ko lang nabili.

Napahinga lang ako ng malalim at padabog ang paraan na ginawa ko para ayusin ang mga papel sa harap ko. Nagulat ako ng biglang hawakan ni Mahra ang kaliwang braso ko.

"At paano ka nagkaroon nito?"

Napatingin na ako sa kanya. Ngayon ay kunot na kunot na ang noo niya at tinitingnan ang suot kong bracelet na regalo ni Jeremy.

"Ano ba ang pakielam mo?" Inis kong binawi ang braso ko at inayos ang bracelet na suot ko.

"Ang mahal niyan. Bracelet pa lang mahal na tapos ang dami-dami pang charms na nakalagay? Mas marami pa sa charms ko?" Nasa itsura talaga ni Mahra na hindi siya makapaniwala sa nakita niyang suot ko. Parang na-disappoint talaga siya na mas maganda at mas mahal ang bracelet ko sa kanya.

Napailing na lang ako at hindi ko na lang siya pinansin.

"Saan mo kinuha iyan? Ninakaw mo siguro, 'no? Hindi mo naman afford makabili niyan. So, feeling mo na nakapagsuot ka ng ganyan, makakasabay ka na rin sa amin?" Mataray pang sabi ni Mahra.

Napapailing na iniwan ko na lang si Mahra. Ang aga-aga, ang nega niya. Pero naramdaman kong hinawakan na naman niya ako sa braso.

"And your shoes. That's Louboutin. Paano ka nagkaroon niyan?" Talagang nanlalaki ang mata ni Mahra. Tingin ko nga ay mukhang hihimatayin pa. Ito ang sapatos na ibinigay din sa akin ni Jeremy noong anniversary namin.

"Mahal ako ng asawa ko, Mahra kaya niya ibinibigay ang mga ito sa akin. Siguro, maghanap ka ng boyfriend or matinong asawa na makaka-appreciate sa iyo para magbago-bago naman ang ugali mo. Mawala ang pagiging bitter at inggitera mo." Tinalikuran ko na siya at dire-diretso na akong pumasok sa office ni Sir Guido. Hindi ko na pinakinggan kahit ang dami-dami pang sinasabi doon ni Mahra.

Naabutan ko ang boss ko na nakaupo sa harap ng mesa niya at tutok na tutok ang atensyon sa ginagawa. Tahimik kong inilapag sa harap niya ang ilang mga folders na kailangan niyang tingnan.

Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo niya. Parang naninibago sa itsura ko.

"You look good today, Kay. You look refreshed. Sana araw-araw kang ganyan," nakangiti pa ito sa akin.

Withered Hues (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon