After 30 minutes.
Pagkagising ko mula sa aking mahimbing na tulog, timing naman na nag pa-parking si Lance sa parking lot at tulog pa yung dalawa kaya ginising namin.
"Oyy Lance ikaw ang gumising kay Krystal at ako naman ang gigising kay Fara ok?" sabi ko kay Lance.
"Okay sige," sagot niya.
"Bess gising na, nandito na tayo," gising ko kay Fara.
Nagising naman siya agad kaya di ako nahirapan.
"Krystal!! Hooyyy gising na nandito na tayo sa QC," gising ni Lance kay Krystal.
At nagising naman din siya agad.
Lumabas na kami ng kotse at pumunta na sa exhibit ba tawag don. Ah basta yun na yun.
Pagpasok namin ay binungad agad kami ng napakagandang mga tanawin.
"Wow ang ganda," sabi ko.
"Oo nga amazing," sabi naman ni Lance.
"Wow as I expected ganito nga yun" sabi ni Fara.
"Tsk... Tara na nga," sabi ko.
Kasi baka akalain ng iba mga ignorante kami. Kaya pumasok na kami.
Una naming sinubukan yung para siyang telescope na makakakita ka ng mga planets sa outer space.
Marami pa kaming sinubukan at nag-enjoy naman kaming lahat.
Marami ding mga estudyante dito galing sa ibang schol kaya marami kami dito ang saya nga ehh.
"Guys picture naman tayo para may remembrance," sabi ko.
"Game." sabay nilang sagot sakin.
Picture dito.
Picture doon.
Nong nagsawa na kami nagpahinga na muna kami sa bench.
"Hay nakakapagod talaga grabe," sabi ni Krystal.
"Oo nga marami akong natutunan," sabi ni Fara.
"Ako din," sabi ko
"Guys samahan niyo naman ako may mga games doom na mga robot. Gusto kong i try laruin. Pleaseeeeee" pagmamakaawa ni Lance sabay pout pa. Hayss sino ba naman ang makakatanggi sa pagmumukha niya.
"Pass na muna ako dyan Lance tatawagan ko pa si baby labs ko eh," sabi ni Krystal.
"Pass din ako Lance kasi meron ako ngayon eh wala ako sa mood maglakad," sabi ni Fara.
"Ano ba yan, ahhh ikaw nalang Mics samahan mo ako," sabay pout ni Lance.
"Hayyy sige na nga Arts hahahaha," ang cute kasi eh.
Arts tawag ko kay Lance okay? Hindi yan subject. Hahahahahaha
Pagdating namin doon sa robot robot na game agad namang naglaro si Lance at ang kalaban niya ay taga ibang school pero in fairness gwapo siya.
At as I expected nanalo si Lance.
"Wow galing mo Lance ah," sabi ko.
"Tsk tsk you know I always win when it comes to this kind of games," wow yabang naman.
"Yabang ah," sabi ko at sabay kaming tumawa.
At yun nanonood na lang kami ng susunod na maglalaban at take note halos ako lang babae. Kainis naman oh.
I was shocked sa susunod na maglalaban kasiii
Duggg••dduuggg••dduuuugggg••
Puso ko yan. Bumibilis ang tibok ng puso ko na parang lalabas na ito sa sobrang bilis.
"Adjanskajzhysv," sabi ni Lance.
Wala akong maintindihan sa mga sinabi ni Lance dahil fucos lang ang atensyon ko sa lalaking lumalaban. Parang tinamaan yata ako ng pana ni kupido. Nag so-slowmo ang paligid ko at tanging yung lalaking naka red ang bag lang ang nakikita ko.
First time itong nangyari sa akin. First time kong naging ganito at first time ding bumilis ang tibok ng puso ko. Am I falling to that guy? Pero ngayon lang kami nagkita. Pano yun? Love at first sight? I think so.
Nagising ako sa pagde daydream ko ng batukan ako ni Lance.
"Anong tinutulala mo diyan anyare sayo?" tanong ni Lance.
"Ahh...e--hhh wa-wala la-ng," nauutal kong sabi na nakatingin pa din sa lalaking naka red ang bag.
At tinignan din ito ni Lance.
"Ahhh kaya pala. Crush mo?" tanong niya.
"Huh.... eh-h," sabi ko na nauutal pa din.
"Sabi ko crush mo ba yang tinitignan mong lalaki na red ang bag?"
"Ahhh... ewan ko," at feeling ko namumula na ako ngayon wahh.
"Asus aminin na kasi. Halata ka masyado eh."
Halata ba ako? Ehhhhhhh di ahh.
"Si-sige na nga oo na crush ko yun," sabi ko.
"Yun naman pala eh, ayyiiehh dalaga na siya," pang-aasar niya sakin kaya mas lalong namula ang aking mga pisngi.
"Hala namumula na siya. Ayyiieehh nagbablush," sabi niya.
"Eh tigilan mo nga ako," sabi ko na nagagalit na pero acting lang.
"Sige na nga, lapitan mo na kasi at magpakilala ka," sabi ni Lance.
"Nakakahiya kaya," sabi ko.
"Aiisshh natalo ang crush mo oh."
Ayyy natalo siya sa robot game. Okay lang yan gwapo ka naman eh haha.
"Tskkkkk," yan na lang ang nasabi ko.
Hala mas gumagwapo siya kapag naka smile. Nakaka in love tuloy.
Nag smile pa rin siya kahit na talo siya wow. Tumatanggap ng pagkatalo? That's one true man.
Pagkatos nong natalo siya umalis na siya at sinundan namin ni Lance na parang stalker kami yuck.
"Sundan natin siya Lance please," pagmamakaawa ko.
"Okay fine," sabi nalang niya.
Napaka supportive niya hahaha.
Tawagin na lang natin yung lalaki na Mr. Cute Guy.
Pinuntahan ni Mr. Cute Guy ang mga kasama niya. OMG dalawang babae? Siguro bakla siya or isa sa mga babae diyan ay girlfriend niya. Huwag naman sana Lord.
Sa pagkasunod namin kay Mr. Cute Guy ay nakasalubong namin si Fara at Krystal.
"Ayyy gwapong kabayo," sabi ko.
Nagulat kasi ako sa kanila.
"Anong nangyare sayo Bess?" tanong ni Fara.
"Huh...nakakagulat naman kasi kayo eh," sabi ko.
"Ay ganon ba. Sorry hinahanap kasi namin kayo noh. Wala na kasi kayo don sa parang robot robot eh," sabi naman ni Krystal.
"Ahh ito kasing si Mics sinusundan yung Mr. Cute guy na yun. Kaya no choice ako kundi sumunod na lang," sabi ni Lance.
"You mean naging stalker kayo?" sabay na tanong ni Fara at Krystal.
"Hehehehe... parang ganon na nga," sabi ko.
"First time to ah," sabi ni Fara.
"Crush niya kasi," sabi naman ni Lance.
"Yun naman pala e---ANO? FIRST TIME MITCH AKALA KO TOMBOY KANA DAHIL WALA KA PANG NAGUGUSTUHAN NA LALAKI GOSH!!!!" sigaw ni Krystal.
"Hinaan mo nga ang boses mo. Nakakahiya ka," sabi ko kasi ang lakas kaya nong pagsigaw niya.
"Sorry nadala lang," sabi ni Krystal.
"Oo nga first time naman kasi eh," sabi naman ni Fara.
"Okay tama na ang sat sat kailangan pa nating malaman ang pangalan non para tumigil na tong si Mitch," sabi ni Lance.
"Okay operation alamin ang name ni Mr. Cute Guy? Challenge accepted," sabi ni Fara.
"Gf ba niya yung isa sa mga babae don?" tanong ni Krystal.
"Ewan," sabi naman ni Fara.
"Feeling ko hindi eh," sabi ko.
"Wow kampante ah," sabi ni Lance.
"Think positive lang Lance," sabi ko.
Paalis na sila. Papunta sila sa hand sand ba yun. Ay ewan.
"Oh aalis na sila oh," sabi ni Fara.
"Okay ganito ang gagawin natin. Ikaw Lance ang titingin sa pangalan niya sa kanyang ID, okay?" sabi ko.
"Do I have a choice? Para sayo gagawin ko to," sabi ni Lance.
Aww nakaka touch naman haha.
Nagsimula na si Lance sa misyon niyang tignan ang ID. Nagpalapit lapit siya kay Mr. Cute Guy. Pero hindi niya makita kasi daw tinakpan ng ibang picture.
Malas nga naman.
"Hindi talaga makita ang name niya eh," sabi ni Lance.
"Oh ano ng gagawin natin? " tanong ni Krystal.
"Alam ko na Lance, tanungin mo siya ng pangalan niya tapos ipasulat mo dito sa papel," sabi ni Fara.
"Good idea mabuti na lang at may naisip ka," sabi ko.
"Mukhang mahirap yan ah," sabi ni Lance.
"Kaya mo yan," sabi ko.
"I'll try then," sabi ni Lance.
Kaya sinundan namin sila. At sa tuwing titingin sila saamin nagpapanggap kaming nag-uusap. Oh diba galing namin hahaha.
At sa wakas ito na ang tamang pagkakataon dahil umupo na si Mr. Cute Guy at wala na yung mga kasama niya.
"Lance puntahan mo na dali," sabi ko
"Okay fine."
Pinuntahan na nga ni Lance si Mr. Cute Guy at siyempre nagtago kami. At yes sinulat na niya ang pangalan niya sa papel. At nag smile pa nga siya eh.
Gusto ko nang sumigaw dahil ang CUTE!!!
Sa wakas nakabalik na si Lance dala ang papel na nakasulat don ang pangalan niya na JAKE MICHAEL BUENAVISTA ang ganda ng pangalan niya.
"Salamat talaga Lance ah," sabay hug ko sa kanya.
"At pati na rin sa inyong dalawa dahil ang supportive niyo," sabay hug ko din kina Fara at Krystal.
Sobrang saya ko nong nalaman ko ang pangalan niya.
Pagkatapos non napag-isipan naming kumain muna sa Jollibee dahil nagutom daw sila kakasunod sa akin.
"Libre mo naman kami Mics eh pinagod mo kami eh," sabi ni Lance.
"Oo nga pinagod mo kami," sabi naman ni Krystal.
"O sige na nga wala naman na akong choice eh."
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami sa mga bahay namin
Pagdating ko sa bahay ay pumunta agad ako sa kwarto ko at nag-open ng Facebook app ko.
Scroll dito.
Scroll doon.
Naisipan kong e search ang pangalan ni Mr. Cute Guy and wow ang ganda ng dp niya.
Pagkatapos chineck ko ang status niya at I am so surprise kasi single pa siya. So ibig sabihin may pag-asa pa ako charrr naman.
Sa sobrang saya ko tumalon talon ako sa kama ko at sumayaw sayaw na parang baliw.
Pagkatapos ay natulog na ako ng may ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
My High School Chatmate (COMPLETED)
Teen FictionIsang babae at isang lalake na magkachatmate noong high school na ipinaggtagpo ang isa't isa nong sila ay naging college.