Chapter 14

294 24 0
                                    

KINABUKASAN

Krystal's POV

Maaga akong nagising kaya bumangon na ako at naligo na....

Pagkatapos sinuot ko ang uniform ko at humarap sa salamin bigla akong napaisip.

Pangit ba ako? Bakit ako pinagpalit ni Kent? Nakabuntis siya? Tsk what a lame excuse😑oras na malaman ko na hindi pala siya nakabuntis humanda talaga yung babaeng ipinalit niya. Alam kong hindi yun ang dahilan eh ang lakas talaga ng kutob ko...

Pero ang katutuhanan na Hiwalay na kami ang hindi ko matanggap dahil hanggang ngayon hindi pa ako naka move on sa kanya. Araw-araw ko siyang nakikita eh magkaklase kami eh at araw-araw rin akong nasasaktan dahil araw-araw din siyang may kausap sa phone niya at bawat pagkausap niya dito palagi siyang nakangiti na para bang nag eenjoy.... Palagi ko siyang nakikitang ganon at dahil dinig na dinig ko dahil magkatabi kami umiiyak na lang ako ng patago.

Pero nong sinabihan niya yung kausap niya na 'babe' don na ako hindi makatiis bigla na lang akong tumayo at pumunta sa CR at don na tuluyang humagolgol...Sobrang sakit para sa akin dahil hindi siya nag explain ng maayos.Sana hindi niya na lang pinaabot 2 years para hindi na ako nasasaktan ng ganito
Pero anong magagawa ko hindi na niya ako Mahal eh.

Sa kakaisip ko hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Pinapakalma ko muna ang sarili ko.

"Hooh!! Calm down self makakamove on ka rin" Sabi ko sa sarili ko

Enhale...
Exhale...
Enhale...
Exhale...

Pagkatapos kung pakalmahin ang sarili ko bumaba na ako para kumain na.

"Good morning Bunso"sabi sa akin ni Ate Alexa

" Good morning Bunso "sabi din ng isa kong ate si Ate Alex

Actually magkambal silang dalawa parihang maganda, at parihang may trabaho na kaso magkaiba sila ng ugali.

Si Ate Alexa Francine Salvador ay Maganda, Matalino at Masipag sa trabaho niya bilang tagapamahala ng business namin sa Palawan.

Hinahangaan siya ng lahat dahil sa angking talino at Ganda yun nga lang ang strikta niya at ang sungit sungit.. Palagi siyang galit sa amin ng hindi namin alam ang dahilan... Siya ang palaging epal kapag nag-eenjoy kami. Hindi nga namin alam kung bakit siya nagkakaganyan kaya minsan nilalabanan ko na yan dahil sumusobra na siya... Tsk NBSB kasi.In short Hindi kami niyan magkasundo.

Si Ate Alex Kathlyn Salvador ang aking kasundo. Siya na nga yata ang bff ko sa bahay. Maganda din siya, sobrang bait, friendly, at Masayahin yun nga lang hindi siya kasing talino kay Ate Alexa kaya palagi silang kinukompara. Isa siyang sikat na model sa buong Asia. Siya din ang palagi kong kakulitan at kakampi kapag inaaway ako ni Ate Alexa. May boyfriend na siya isa din itong sikat na model kaya bagay na bagay sila. Ang pangalan ng bf niya ay Prince Jasper Stanford.

(Anyways back to reality tayo)

"Good morning din sa inyo mga ate kong magaganda" Ako

"Suus umagang umaga nambobola ka na naman " Ate Alex

"Ayyy Mali na bang magsabi ng totoo? " Ako

"Ayyy Hindi naman nakakasawa din kasing marinig ang salitang maganda eh hahahaha" Ate Alex

"Hahahaha" Tawa ko

"Magsitigil kayo ang aga aga ang ingay ingay niyo.. Nasa harap kayo ng hapag kainan kaya respeto naman" Ate Alexa na seryosong seryoso

"Tsk" Ako

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy kami sa pag-uusap ni ate Alex.

"Bunso kumusta na pala ang pag-aaral mo? " Ate Alex

My High School Chatmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon