Chapter 43

167 19 0
                                    

Bakit ba pabigla bigla tong baklang toh hayst kainis di ako makapagsalita.
Matagal na katahimikan ang bumalot sa paligid na halos naiilang na ako sa pagtitig niya sa akin dahil sa tanong niyang hindi kapanipaniwala.

Seryoso bato? O nantitrip? Hayst

"Ahhhh" Sabay pa kami niyan hayst mas lalo tuloy akong nailang

"Ano yun?" Tanong niya na parang nahihiya?

"Seryoso kaba o sasapakin na kita ngayon"

"Mitch I'm serious at alam kong di kapa handa. Alam kong mahirap sayong tanggapin itong sinasabi ko ngayon pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon"

"Pero Jake-----" Hindi niya ako pinatapos

"You don't have to answer that question now pag-isipan mo muna Mitch" At pagkatapos niyang sabihin yun umalis na siya habang ako nakatulala pa rin, di maabsorb ng isip ko yung mga sinabi niya.

***

Ughh!!! Kainis di ako makafucos sa pag-aaral shit!!! May special test pa naman bukas kaasar. Ang tanging nasa isip ko lang kasi ay yung mga sinasabi nong baklang yun kanina.

"KAINIS!!!" Halos makamot ko na ang buhok ko sa inis

Ayaw magfucos ng utak ko sa binabasa ko ngayon kaasar kailangan kong maipasa tong test nato bukas hayst fucos ka Mitch magfucos ka. Nagpatuloy ulit ako sa pagbabasa ng notes ko

*basa mode*

Ng biglang........

"Gusto kong ipadama, iparamdam at ibigay sayo ang pagmamahal ko Mitch........ Can I court you?"

"TANGENA!!!!" Napasigaw na talaga ako sabay bato ng notes sa sahig

Kainis to mukhang di talaga ako makakapasa bukas kaasar!!! Humanda ka talagang bakla ka bukas!!!!

Inihiga ko na lang ang sarili ko sa kama ko. Hmm naisip ko bigla kung ano bang isasagot ko kay Jake? Oo o hindi? Tataguan ko na lang siya? Huh? Ano bang nangyayari sa akin bakit ko pa yun pag-iisipan ehh kung pwede namang bustedin siya..... Hmm oo tama yun edi ayos na, may isasagot na ako pero paano ko sasabihin?

"UGHH KAINIS ANG HIRAP MAG-ISIP!!!" Lalo na kung wala sa sarili tsk bwesit ayoko na talaga. Dahil sa kainisan inis kong tinapon ang unan ko sa mukha ko tsk parang baliw lang noh.

*Bbbzztt*

Tinignan ko kung sino ang tumatawag

"Kainis estorbo din tong Xander nato tsk" Sasagotin ko ba o hindi? Kung sasagutin ko masisira na ng tuluyan ang pag-aaral ko pero kung hindi ko sasagutin siguradong kukulitin ako non hayst parehong bad idea tsk..... Kung ang iniisip niyo ay yung panliligaw ni Jake naku hindi yun nohh.

Hayst sasagutin ko na lang to para makapag-aral na ako ng seryoso na wala nang estorbo tsk.

"Ano yun?"

"Pinapapunta ka dito ni mommy"

"Woah andyan na sila?!!!" Masigla kong tanong

"Oo kaya ka nga pinapapunta diba ano kaba Mitchy wala ka na ba-----"

*toot* *tot* *tot*

Binabaan ko na siya dahil sa sobrang excited ko nagbihis na ako dahil nakapantulog na kasi ako ngayon kaya kailangan pang magbihis ng maayos syempre dumating na ang pinakamamahal at the best kong tita kaya dapat maayos tignan pandagdag coolness ko hahaha. Dahil madali lang naman akong magbihis agad akong dumeritso pababa at nagdrive na papunta kina tita.

My High School Chatmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon