Ang sarap sarap sa feeling nang ganito. Komportableng komportable ako sa piling niya.
We stayed like that ng bigla siyang nagsalita
"Parang kahapon lang magkaaway tayo" Napatawa siya ng kunti
"Oo nga ehh todo pang-aasar ka pa nga sa akin tsk"
"Pikon ka kasi hahaha"
"Nagsalita ang hindi pikon tsk"
"Oo na tayo nang dalawa ang pikon darling pero mas pikon ka nga lang HAHAHA"
Aba
Akmang sasapakin ko na sana siya pero agad siyang nakalayo sa akin tsk.
"Wala ka bang magandang topic dyan na hindi makakainit ng ulo ko" Nagsalubong na ang kilay ko
Lumapit siya ulit sa akin at umupo sa tabi ko.
"Alam mo darling noon may nakilala akong babae pikon rin tulad mo"
Tsk malamang isa to sa ex niya
Pero nakinig pa rin ako. . . . .
"Well actually di ko naman talaga siya nameet in person pero I'm starting to like her kahit sa chat lang"
Biglang tumibok ng sobrang lakas ang puso ko. Is it because baka ako yung babaeng yun?
"Tapos?"
Napangiti siya bigla
"Wow darling interesado ka ahh di ka man lang ba magseselos?"
"Why would I..... Ayst sige na ituloy mo na" Pangungulit ko sa kanya
He chuckled
"It all start when I was high school, may exhibit nun na kailangan naming puntahan well may palaging sumusunod sa amin pero binabalewala lang namin kasi nga baka nagfefeeling lang kami. Lakad lang kami ng lakad para makakita ng pagkakainteresahan alam mo na exhibit hehehhe"
"Ohh tapos!!!!"
"Sunod ng sunod pa rin ang apat. Napatingin ako bigla sa kanila dahil curious ako sa mga mukha nila, isa sa kanila ang nakapukaw ng atensyon ko, yung babaeng tumatawa nang malakas......." Para siyang nag-iimagine habang nagkukwento
Wait tumawa ako noon dahil tumulo ang laway ni Lance hahah oo tama.
"Naghinala na ako na sinusundan nila kami hanggang sa biglang lumapit yung lalaking kasama nila nanghihingi ng pangalan, sabi niya isa daw sa kaibigan niya may gusto sa akin kaya napangiti na lang ako. Dahil sinabi niyang isa sa kaibigan niya ay sinulat ko na sa papel ang pangalan ko hoping na ang babaeng tumatawa ang may gusto sa akin"
Hala may gusto na pala to sa akin dati pa!!! WTF at ngayon ko lang nalaman!!
"Ayun nga naging magchatmate kami. Alam kong siya yung babaeng malakas tumawa dahil sinendan niya ako ng picture actually magkapariha kayo ng mata"
Kasi nga ako yun pshh
"Tumagal ang pagchachat namin, marami na akong alam tungkol sa kanya at kasabay nun ang unti-unting paglalim ng nararamdaman ko sa kanya Pero....." Bigla siyang naging malungkot
"Pero bigla na lang siyang nawala, binlock niya ako at wala na kaming koneksyon. Hinanap ko siya pero di ko talaga mahanap"
*sigh*
"May plano ka pa bang hanapin siya ngayon?"
Naging seryoso ang tingin niya sa akin
"Oo hahanapin ko siya at hindi ako magsasawang hanapin siya pero nang dumating ka unti-unting nawala siya sa puso ko"
BINABASA MO ANG
My High School Chatmate (COMPLETED)
Teen FictionIsang babae at isang lalake na magkachatmate noong high school na ipinaggtagpo ang isa't isa nong sila ay naging college.