Jake's POV
1 week had passed at pwede na din sa wakas akong makalabas sa ospital. Ang saya diba
"Hoohhh sa wakas!!!" Sigaw ko
"Hoy tumayo kana dyan at bitbitin mo tong mga gamit mo" Utos ni Ate
Bakit pa siya pumunta dito kung di din naman siya tutulong tsk
"Ito na nga ohh"
Pero di lang siya lumingon sa akin at nauna nang maglakad
Tsk
Binitbit ko na ang mga gamit ko papunta sa kotse niya.
Syempre wala akong kotse kasi dinala nina Xander sa bahay ko kaya no choice ako kundi sumakay kay Ate.
"Dali pasok kana. Hayst may pupuntahan pa ako ngayon ehh" Hahaha so ganun. Inutusan lang siguro to ni mama
Pumasok naman na ako. Nagmamadali siya ehhh at excited na din akong makita ulit mga tropa ko
Nagstart na siyang magmaneho at as I expected pinaharorot niya ang kotse niya ng pagka bilis bilis.
Hahaahah ganito kasi si Ate kapag may lakad pa, nagmamadali masyado. Hula ko magshoshoping to kasama yung bestfriend niya. Hahaha ganyan naman siya palagi kapag Sunday ehh
After 20 minutes nakarating na din kami sa bahay
"Dali lumabas kana"
Sus kung makapag-utos
Lumabas naman ako at saktong pagkalabas ko pinaandar niya na ulit ang kotse niya paalis. Tsk nagmamadali nga talaga
Wow I miss our house
Mitch's POV
1 week had passed at sa 1 week na yun bored ako hayst. Oo may basketball naman kasi kada hapon ang practice pero may kulang ehh. Ewan ko ba sa loob ng 1 week na yun parang may kulang, lahat ng ginagawa ko may kulang talaga hayst
Sa 1 week din na yun di ko na nakikita ang kaaway ko. Oo nga pala nasa ospital at ayaw na niya akong makita. Fine ayaw ko na din siyang makita.
Back to reality na nga.....
Kasalukuyan akong nasa kwarto ko heto nakahiga pa rin at wala akong planong bumangon hayst kakatamad ehhh.
*planggg*
"Teka ano yun"
May narinig akong parang may nahulog sa mini kitchen ko.....
Isa lang ang nasa isip ko....Hmmm may nakapasok na magnanakaw
Kaya agad akong napabangon sa pagkakahiga ko at kinuha ang kutsilyo sa ilalim ng kama ko. Actually nakasanayan ko na to na maglagay ng kutsilyo sa kama ko para always ready lang kapag may pahamak.
*planggg* *plokkkk*
May nahulog ulit
Hmm ang clumsy naman ata ng magnanakaw nato
Lumabas ako sa kwarto ko at naglalakad ng mahina
Nakatalikod ang magnanakaw kaya di niya ako na nakikita
Papalapit na ako ngayon sa magnanakaw
Susunggaban ko na sana ng kutsilyo nang bigla itong lumingon sa akin
At sa biglang pagkagulat ko napalo ko siya sa ulo niya
"Aray naman"
Teka parang kilala ko tong boses na to ah
"Xander?"
"Ohh?? Sino bang inaasahan mo? Magnanakaw? Tsk may dala kapa talagang kutsilyo ahhh"
BINABASA MO ANG
My High School Chatmate (COMPLETED)
Teen FictionIsang babae at isang lalake na magkachatmate noong high school na ipinaggtagpo ang isa't isa nong sila ay naging college.