Chapter 63

223 11 0
                                    

"Ms. Bautista"

Napamulat ako ng wala sa oras dahil bigla akong tinawag ng prof.

"Yes Miss?" Walang gana Kong sabi. Bagong gising nohh malamang walang gana talaga. At kapag pinagalitan ako nito kasalanan yun nina Krystal tsk buong gabing nag-iingay kaya ayun wala masyadong tulog.

"Go to the dean's office"

Great.... Just great isang bagong gising na pinapalakad tsk nakakawalang gana.

Agad na lang akong tumayo at walang gana ulit na naglakad. Ayst ang sakit pa ng mata ko parang gusto pa niyang magpahinga.

Kinukusot ko ang mga mata ko habang naglalakad. Bwesit naman oh nakakatamad maglakad kapag bagong gising tsk wala pa naman ako sa sarili kapag ganito.

"Aray"

Natalisod ako at nadapa. Ayst kung bakit ba kailangan ko pang maglakad.

Mukha namang walang nakakita kaya tumayo na ako at pinagpag ang uniform ko. Nakaramdam ako ng presensya sa likod ko kaya lumingon ako dito. Laking gulat ko nang si.....

"Jake?" Nasabi ko na lang

Di pa pala siya nakaalis? Parang nabuhayan ang puso ko dahil nakita ko siya.

"Are you okay?" Sincere niyang tanong

"Yeah I'm fine di naman masakit ehh tsk"

Bumaba ang tingin niya sa bandang tuhod ko.

"May sugat ka"

Napatingin naman ako sa tuhod ko. Ehh? Meron nga pero wala naman akong naramdaman na sakit. Malamang maliit lang na sugat tsk ano ako bakla.

"Psh sugat lang to di naman masakit eh at sa tingin mo ba sa kunting sugat nato iiyak ako tsk" 

"Di ka pa rin nagbabago" nagulat ako sa pagngiti niya

I miss his smile at gwapo pa rin siya---- oh crap

"Dalhin na kita sa clinic"

"Ok nga lang ako tsk ang OA mo"

Pero bago pa ako makalakad para pumunta na sa school bigla niya na akong binuhat pang bagong kasal. Shit ang daming tao nakakahiya!!!!

"Shit ibaba mo ako" sinusuntok suntok ko siya sa dibdib niya

"Hey stop it"

Pero di ako nakinig pinagpapalo ko na siya nang walang tigil.

"Hey stop it Mitch kung ayaw mong tumigil....... Hahalikan kita"

Bigla akong napahinto sa pagpalo sa kanya. Damn this gay....

Hinatid nga niya ako sa Clinic at ginamot ng nurse ang sugat ko.

"Pwede ka nang makaalis" sabi ng nurse

Tsk nagmamadali bato or may galit ba sa akin tong nurse nato.

"Hoy salamat"

Tumango lang siya

"Saan ka nga pala pupunta?" Tanong niya sa akin

"Sa dean's office"

"Same pwede sabay na tayo?" Tanong niya

Tumango na lang din ako

Bakit parang close na close pa rin kami. Hmm sabagay may pinagsamahan naman kami kahit papaano. Pero what's with him nong una ayaw akong makita at iniiwasan ako pero ngayong bigla bigla na lang sumusulpot at parang fc. Ayst Ewan ko na lang kung makaka move on pa ako nito.

My High School Chatmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon