Chapter 51

148 17 5
                                    

Krystal's POV

"You think? Seryoso di ka pa sure sa lagay mong yan?" Sabi ko sabay turo sa namumula niyang mukha

"O-o?"

"Confused pa tong kaibigan natin guys intindihin na lang" Sabi ni Kia

Biglang lumapit si Fara kay Mitch at niyugyog ito

"Hey stop it what are you doing" Nakasalubong ang kilay na sabi ni Mitch

"Para magising ka sa katutuhanan"

"Na ano?" Takang tanong ni Mitch

Hayst itong babaeng toh ang hina pagdating sa love. Ako naman ang lumapit sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang pisngi na siyang ikinagalit nito pero di ko iyon inintindi.

"Bess Mitch halatang halata ka na namin na mahal mo na si Jake matapos niyong maglandian sa harap namin sa pinaggagawa niyong yan di ka pa rin sure sa feelings mo?"

Dahil sa sinabi ko tinabig niya ang kamay ko sa pisngi niya. Ouch ahhh

"Hindi ako malandi" Seryoso niyang sabi

"Ok fine pero kitang kita sa dalawa naming mata na mahal mo na nga siya"

"Oo nga yun din ang nakita ko" Pag aagree ni Kia

Napa sigh na lang si Mitch

"Matagal na ba?"

"Hmm parang ganun na nga sadyang ang manhid mo lang talaga" Sabi ko

Harsh na kung harsh gusto ko lang maamin sa sarili ni Mitch na mahal na nga niya si Jake.

"Kaya pala" Biglang sabi ni Mitch na parang naintindihan naman ni Kia kung ano ang tinutukoy nito

"Wait may hindi ba kami alam dito?" Biglang tanong ni Fara

Parang nahalata niya rin

"Wala wala sige matulog na tayo" Sabi ni Kia na nakangisi sa amin

"Good idea" Humiga na rin si Mitch

Gosh ang saklap nila huhuhu

KINABUKASAN

Mitch's POV

Maaga akong gumising at maaga na ring naligo, dapat lang na mabango ako noh heheheh.....

Kagabi kasi ayun natauhan na ako na mahal ko na nga talaga si Jake kaya ngayong umaga todo prepare ako para magustuhan niya--- wait erase he like me already na pala hahha ahh basta gusto kong maganda sa harap niya.....

Pagkatapos kong maligo nagbihis agad ako at inamoy ang sarili. Hmmm amoy strawberry ako ngayon hhahaha super girly pero okay naman siya. Napangiti na lang ako bigla nang napatingin ako sa human size na salamin. Woah ang ganda ko pala hahahha.

"Hoy ang aga mo naman atang naligo?" Sabi ng bagong gising na si Krystal

"At hmmm amoy strawberry? Di ba ayaw mo nun?" Nagtotoothbrush na sabi ni Fara

"Nagpaganda yan malamang ang slow niyo" Sabi ni Kia na nakatingin lang sa phone niya na malamang naglalaro na naman ng ML

"Hindi ahh sadyang ang ganda lang ng gising ko" Nakangiti kong sabi

"Dahil kay Jake?" Nakangising sabi ni Krystal

Pero di ko siya sinagot nagpatuloy lang ako sa pagsuklay. Ayst bakit ako agad ang napapansin nila bagong ligo din naman si Kia ahh tsk famous ba ako masyado?

"Tungkol pala kagabi anong sekreto niyong dalawa ha?" Tanong ni Krystal

Hmm meron ba?

"Wala naman" Sabi ni Kia

My High School Chatmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon