Chapter 54

157 15 0
                                    

Mitch's POV

"Hoy bro gising"

"MITCH NATALIE BAUTISTA GISING!!!!!!"

"Hmmm"

Nagising ako dahil sa nakakabinging sigaw ni kuya. Ano bang trip nito tsk inaantok pa ako kainis....

"Ano ba yan inaantok pa ako ehh"

Nakapikit pa rin ako habang yakap yakap ang unan ko

"Ayst 7:30 na at may pasok ka pa malelate ka na naman niyan"

"Di ako papasok ngayon" Walang gana kong sabi

"Ehhh paano yung sundo mo"

Sundo? Wait may kotse naman ako--- ayst oo nga pala di pinapagamit ng bwesit kong magulang pero sino ang sun---- Shit huwag mo sabihing. . . .

"Nandyan si Jake sinusundo ka"

Napabangon ako ng wala sa oras

"Bwesit ka talaga kuya bakit di mo sinabi agad"

"Di ka nagtanong eh"

"FUCKK YOU!!!" Sinigawan ko siya bago ako tuluyan ng naligo

After 15 minutes natapos na akong maligo. Dali dali akong nagsuot ng uniform, nagliptint at lumabas na dala ang bag at nagsusuklay ng buhok.

Pagkababa ko naabutan ko si Jake na nakaupo sa couch. Nagkatitigan kami at saka siya ngumiti.

"Good morning darling"

"Good morning din asan si Kuya?"

"Pupunta na daw siya sa work niya"

Good thing kundi puno na ako ngayon ng pantitrip.

"Bakit mo pa ako sinundo di sana ako papasok ngayon ehh hayst"

"Di naman ako makakapayag nun nohh ako papasok ng wala ang darling ko? No way di ako papayag namiss kaya kita"

TANGINA ANG AGA AGA PINAPAKILIG AKO!!!!

Huwag pahalata huwag....

"Namiss ehh kani kanina lang magkasama tayo tsk"

"Ang sabihin mo lang kinilig ka" Mas lumalapit ang mukha niya sa akin

*gulp* lord ilayo niyo ako sa tukso

Gamit ang kamay ko nilayo ko ang mukha niya at ayun successful naman.

"Huwag ka ngang ganyan malelate na tayo ehh"

Naglakad na ako habang sinusuklay pa rin ang buhok ko and I heard him chuckled tsk.

Pagkalabas ko nakita ko ang mga bodyguards kono matalim ang tingin sa akin. Aba bwesit to ahhh. Akmang lalapitan ko na sana ang isa sa kanila ng pigilan ako ni Jake.

"Huwag high blood darling nakakasira ng kagandahan yan"

Namula naman ako doon

"Hayst tara na nga" Naglakad na ako papunta sa kotse

"Sorry talaga manong ganun lang talaga yun madaling mainis"

Aba isa pa tong isang to nagsosorry pa parang ewan at naku kapag nalate kami siya ang sisisihin ko....

"Intindihin niyo na lang yung dar---"

"HOYY BAKLA MALELATE NA TAYO!!!" Sinigawan ko siya at agad namang napatakbo papalapit sa akin.

Padabog kong sinara ang kotse at sumunod naman siya papasok.

Time check: 8:14.... Shit late na kami terror pa naman ang prof. Ko ngayon at ang masaklap 4 hours pa KAINIS!!!!

My High School Chatmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon