Jake's POV
Parang di makapaniwala ang mukha niya habang sinabi ko iyon at pansin kong namumula siya.
"Your blushing again inlove kana sa akin nohh"
"Kapal mo talaga tsk umalis kana nga dito binabadtrip mo ako ehhh"
"Ito naman di mabiro"
"Joke mo di nakakatawa"
'Kasi nakakakilig yun' gusto ko sanang sabihin ang mga salitang yan pero baka masapak na naman ako mahirap na....
Dahil nga kumalma na siya hinayaan na niya akong magpahinga sa mga binti niya. Sa totoo lang sinadya ko talaga to para masolo ko siya.
Napuno ng katahimikan ang buong kwarto kaya naisipan kong gibain ang katahimikan sa aming dalawa.
"Alam mo Mitch ang-----" Di ko natapos ang sasabihin ko dahil nakatulog na pala siya at mukhang di siya komportable dahil nakaupo siya habang natutulog.
Dahil gentleman naman ako kahit papano, binuhat ko siya yung pang kasal at pinahiga sa kama.
"Ang ganda mo pa rin kahit tulog" Sabi ko habang pinagmamasdan ang mukha niya
"Hala anong ginawa mo kay Mitch"
"Ano may nangyari ba Jake?"
Nandyan na pala sina Fara
"Wala ano ba kayo, nakatulog siya dahil sa pagod"
"Pagod? Dahil may ginawa kayong nakakapagod?!" Biglang dumating na rin si Kia
"Ang dirty minded mo syempre napagod sa byahe" Sabi ni Krystal sabay palo kay Kia
Hmm mukhang close na silang dalawa kahit bago pa lang silang nagkakilala.
"Ahh ganun ba akala ko kung ano nang nagyari hehehe"
Puro green minded tong mga tohh...
Mitch's POV
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hmm paano ako napunta sa kama ehh sa upuan ako natulog?? Tinignan ang oras sa phone ko.
"Gabi na pala" Saad ko
Nakaramdam na din ako ng pagkagutom kaya bumaba na ako habang suot ang malaki kong t-shirt at shorts, dahil nga sobrang laki ng t-shirt di na nakikita ang shorts pero bahala na wala na akong paki sa suot ko ang mahalaga makakain ako at sana may pizza na rin.
Pagkababa ko naabutan ko silang kumakain at nag-uusap. Tsk di man lang ako ginising.
Xander's POV
Kumakain kami ngayon pero di ako nakatuon sa pagkain dahil kay Fara lang ang mga mata ko nakatingin. Nakakainlove lang tignan siya habang ngumingiti shit bakit ginaganito mo ako Fara.
"Hoyy tol tama na yan baka matunaw si Fara" Bulong sa akin ni Adrian pero di ko lang pinansin
"Sige ka baka biglang tumingin sayo si Fara tapos makita niya yang tumutulo mong laway hahaha"
Bigla akong napapahid sa bibig ko pero wala naman ahh
"Sira"
Sasapakin ko na sana siya pero biglang dumating si Mitchy. Kinukusot ang mata halatang bagong gising.
"Jake andyan na si Mitch patabihin mo sayo" Bulong ko kay Jake
Napatingin naman sila kay Mitch
"Halika na Mitch kumain kana dito" Sabi ng lola ni Lance
Papalapit sa direksyon namin si Mitch at tumabi kay Jake. Well pinlano ko din to syempre. No choice talaga siya kundi kay Jake tumabi dahil wala nang ibang upuan hahaha.
BINABASA MO ANG
My High School Chatmate (COMPLETED)
Teen FictionIsang babae at isang lalake na magkachatmate noong high school na ipinaggtagpo ang isa't isa nong sila ay naging college.