Chapter 52

145 15 0
                                    

Mitch's POV

Kitang kita ang pagkagulat sa mukha ni Jake at bigla itong napatalikod.

"Magbihis ka nga" Saad nito

"Bakit naman ehh maliligo naman ako ahh at tsaka duh normal lang na magsuot ng ganito sa dagat" Natatawang sabi ko

"Di yan gawain ng isang babae magbihis ka baka kung sino pa ang makakita sayo, parang di ka na tuloy ang Mitch na kilala ko"

Tsk bakit ako lang ang pinagsabihan niya ng ganun samantalang si Sally halos makita na yung kaluluwa UNFAIR!!!!

"Then fine magbibihis ako happy?" I said then walked out

Nakakainis tong baklang to may pasabi sabi pang ikaw lang titignan kong nakaganyan psh BWESIT SIYA!!!

Dahil sa galit padabog kong sinuot ang blouse ko at di ko namalayang naglalakad na pala ako sa dagat.

"Where are you going" Rinig kong tanong ni Fara

Pero di ko pinansin naglakad lang ako ng naglakad hanggang di ko namalayang nasa harap na pala ako ng malaking bato. Inakyat ko ito at umupo sa itaas ng bato. Nakatingin lang ako sa kawalan....

"HOY MITCH BUMABA KA NA DYAN ANG INIT INIT OH"

Pero di ako nakinig wala akong pakialam kong mangitim man ako or magka sunburn.

Dahil wala akong planong pansinin sila nakatunganga lang ako dito sa itaas... Hmm nagpapalamig ng ulo? Baka nga

Ilang hours na rin akong nandito sa itaas ng bato kaya napag-isipan kong tignan na lang ang mga ginagawa nila.

Hmm si Fara at Xander kumakain together, si Lance at Kia nagtatawanan habang naliligo, Si Krystal at Adrian wala dito? Shocks asan kaya yung dalawa baka may ginawa ng himala ewww kadiri. Hinanap ng paningin ko si Jake at Sally pero pinagsisihan kong tumingin pa ako sa kanila. Nagyakapan ito nakakainis!!!!

Naikuyom ko na lang ang kamao ko. Parang bulkan na sasabog ako ngayon. Wala sa sariling napatalon ako bigla.

Bumalik ako sa katinuan ng namalayan kung nasa dagat na ako at pilit na inaahon ang sarili ngunit bigo ako nawawalan na ako ng lakas....

"SHIT!!!"

"T-tulong" Nasabi ko na lang

And everything went black

***

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nasa van ako? What!!! Anong nangyari

"Gising ka na pala" Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Jake

"Anong nangyari?"

"Muntik ka na namang malunod" Saad nito

Inalala ko ang nangyari. Ayst oo nga pala bigla akong nawala sa sarili at basta basta na lang tumalon at oo nga pala galit ako dito sa baklang to.

"Bakit ka nandito?" Mataray kong tanong

"Binabantayan ka obvious naman ahh"

"Sa sinabi mo kanina may gana ka pang bantayan ako? Wow ahh ang kapal ng mukha mo di pa tayo bati" Bulong ko sa sarili ko

"Narinig ko yun and I'm sorry nasobrahan ako kanina"

Pero nakatingin pa rin ako sa labas hindi ako kumbinsido

"Look I'm sorry it's just that ugh-- ayokong magsuot ka ng ganuon dahil baka maraming lalaki ang titingin sayo damn mahirap mang aminin pero you look hot"

Namula naman ako doon

Napangiti ako ng sobrang laki

"Parang gusto mo naman atang sinasabihang hot ka darling?"

My High School Chatmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon