KINABUKASAN tulad ng sinabi ni Thirdy binili niya ako ng phone.
Pagkagising ko kasi nasa side table na yung phone na binili niya, ang alam ko pinakamahal to.
Patago na tinawagan ko kanina si Clexton, nagaaya siya na kumain sa labas pumayag naman ako para makabawi sa nangyari kahapon.
Nagbihis na ako ng isang fitted dress at black heels. Pasimple na tumingin ako sa paligid, baka nandito si Thirdy pero wala siya.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng bahay.
"Hey babe."
Lumapit ako kay Clexton at niyakap siya. "Tara na baka maabutan tayo ng kuya ko." Sabi ko.
Sumakay na ako at hinintay na makasakay siya. Napagdesisyonan namin na kumain sa Dinè Resto.
Pagkapasok namin ay nagorder na kami kaagad, habang kumakain ay hindi ko maiwasan hindi mapatingin sa paligid.
"Are you okay, Babe?"
Napatingin ako kay Clexton. "Yes babe."
Hinawakan niya yung kamay ko at pinisil, ngumiti ako sa kaniya.
"Takot na takot ka ba sa kuya mo?"
Natigilan ako bigla sa tanong niya, huminga ako ng malalim. "Oo, noon pa man ay takot na ako sa kaniya."
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Nung mga bata kasi kami sinabi ko sa kaniya nung una namin kita na magiging mommy ko na si Mama Maria Veronica tapos tinulak niya ako sa sahig non, tapos muntikan niya ako sinuntok kung hindi dumating sina Mama."
Napailing ito. "Wala palang pinipilint saktan ang kuya mo."
"Hindi naman sa ganon... Kasalanan ko din siguro dahil nabigla siya noon sa sinabi ko." Malungkot na sabi ko.
"Magiging okay din ang pakikitungo ng kuya mo sayo."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Sana lang, gusto ko talaga mapalapit kay K–kuya kaso siya mismo ayaw sa akin e."
May nagsalita sa likod ko dahilan para mapatingin ako. Si Thirdy kasama mga kaibigan niya. "Hindi ba't nagusap na tayo?"
Mabilis na inalis ko yung pagkakahawak ni Clexton, napatayo ako. "T–thirdy..."
Tumingin ito sa mga kaibigan niya. "Alam niyo na gagawin niyo."
Nagulat ako nung nilapitan nila si Clexton at pwersahan na pinatayo.
"Huwag please." Nakikiusap na sabi ko sa kanila.
Hindi niya ako tinapunan ng tingin. "Sinabihan na kita na huwag ka magpapahuli na kasama ang kapatid ko."
Lumapit ako kay Thiry. "Please huwag mo siyang saktan."
Tinignan niya ako ng masama. "Dapat sumunod ka sa sinabi ko." Giit nito.
Naiiyak na tumingin ako kay Clexton. "I'm okay, babe don't worry." Sabi nito.
Umiling ako sa sinabi niya at tumingin ulit kay Thirdy na nakatingin sa akin. "Uwi." Giit ulit nito.
"Nakikiusap ako Thirdy, huwag mo siyang saktan."
Ngumisi siya. "Ganon mo ba siya kamahal para makiusap?"
Tumango ako, nakita ko kaagad itong sumeryoso. "Umuwi ka na, lagot ka sa pagkarating ko doon."
BINABASA MO ANG
The Owner ✔
General FictionEmpire Club 2: Thirdy Oliv Andrade "Coming back in this house was the wrong decision, step sister." - Thirdy Oliv Andrade Started: November 10, 2019 Ended: January 09, 2020 Source of Photo: Pinterest