CHAPTER 21

15.6K 351 6
                                    

THIRDY

NAPATINGIN ako nang bumukas yung pintuan, pumasok si Mama dahilan para maupo ako ng maayos sa kama.

Seryoso niya ako tinignan. "What are you doing here, Ma?"

Hindi siya umupo, nakatayo lang siya. "Kailan pa may nangyayari sa inyo?"

Gulat na tinignan ko siya. "H-how did you know?"

"When?" Tanong nito, hindi niya sinagot yung tanong ko.

"I don't know." Mahinang sagot ko.

"She's your sister, Thirdy. Respeto naman, paano nangyayari ito?"

Dumilim bigla paningin ko dahil sa sinabi niya. "Hindi ko siya kapatid." Giit ko.

"Alam ng iba magkapatid kayo, ano na lang ang sasabihin nila? Hindi mo ba naisip iyon anak?"

"Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, Ma. Mahal ko si Maria Vennise." Sabi ko.

"Ito ba ang dahilan kaya ayaw mo ipalit ng Thompson ang last name mo?"

"Oo, Mama at ito na lang ang tanging alaala ko kay Papa." Sabi ko.

Natahimik ito. Tumayo naman ako at kumuha ng damit sa kabinet ko.

"Where are you going? We're not yet done talking."

Hindi ako humarap kay Mama. "I'll go back in my house." Sabi ko.

Ngayon lang ako babalik matapos makabalik ni Maria Vennise dito.

Pagkalabas ko ay nakita ko siya sa balcony, nilapitan ko siya at yumakap sandali.

Humarap siya sa akin, namumula mga mata niya. "Thirdy..."

"I should go back in my house." Paalam ko.

"M–may bahay ka?" Gulat na tanong niya.

Ngumiti ako. "Oo, pinagawa ko nung college pa. Nakuha ko kasi ang lahat ng mana ko sa lola ko, also from my dad."

Ngumiti din siya pero hindi abot sa mata. "I'm so proud of you."

I'm so proud of you bigla bumilis pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Umiwas ako ng tingin dahil don.

"Sige na umuwi na ka muna, baka mahuli pa tayo ulit ni Mama." Sabi niya.

Hinalikan ko muna siya labi bago umalis.

Bago ako sumakay sa kotse ko tumingin muna ako sa balcony, nakangiti siya at kumaway.

Nagwave back ulit ako bago sumakay na may ngiti sa labi.

The Owner ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon