CHAPTER 4

20.1K 476 1
                                    

NAKATINGIN lang ako sa nilabasan niya na pintuan.

"Hindi man ako nakapagpasalamat."

Napabugtong hininga na lang ako at tumingin sa bintana.

Lumipas ang ilang araw ay tumahimik ang araw ko. Hindi pa ako lumalabas ng condo dahil hindi ko din alam kung saan ba ako magpupunta.

Tumunog na lang bigla yung phone ko, pagtingin ko ay si Mama ang tumatawag.

"Mama." Biglang pagtawag ko nang masagot ko yung tawag.

"Vennise, come back home."

Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. "No need, Mama."

"Vennise, alam mo ang dahilan kung bakit ka umuwi di ba? To take care your Lolo Harry."

Huminga ako ng malalim. "I know mama, pero okay naman na kung dito ako sa condo."

"No, Vennise. Mapapanatag ako kung uuwi ka dito sa bahay. Pack your things. We will wait for you. Your dad miss you so much."

"Okay, Mama. Tell daddy that I miss him also." Pinatay ko na yung tawag.

Tinatamad na tumayo ako at nilagay yung mga damit ko sa maleta saka sinara.

Naligo na din ako at nagbihis bago kinuha yung luggage ko saka hand bag.

**
NAKATINGIN lang ako sa harapan ng bahay namin.

Natatakot ako sa puwedeng mangyari sa oras na makita ako ni Thirdy.

Huminga muna ako ng malalim bago binuksan yung gate, pupuntahan ko na lang mamaya si Lolo Harry.

Pumasok na ako at binuksan yung pintuan. Wala pa din nagbago, siguro kung may nagbago 'yon ay ang kulay ng bahay. Ang sabi ni Daddy mas okay kung every year magpapalit ng kulay.

"Mama!" Tawag ko.

Ilan sandali lang ay nakita ko na bumaba si Mama, nakangiti siya. Kasunod si Daddy.

Mabilis ko silang nilapitan saka niyakap ng mahigpit.

"I miss you both." Masayang saad ko.

"We miss you also, Baby." Sabi ni Daddy.

Humiwalay ako sa kanila, pasimple na hinanap mo si Thirdy pero hindi ko siya makita.

"Wala ang kuya mo, may pinuntahan."

Tumango ako, para akong nakahinga nung sinabi ni Mama 'yon.

Hindi ko pa din maiwasan na hindi matakot sa oras na makita niya ako dito. Should I stay in Lolo's house?

Right! Right!

"I should sleep later in Lolo's house, Mama. Para mabisita ko sila."

"Sure." Nakangiting sabi nito.

Naglalambing naman na lumapit ako kay Daddy at niyakap siya.

"I miss you daddy."

"I miss you too baby, how's your Mommy?"

"She's fine, Dad. Ipapadala daw niya yung invitation for the company daddy. Pumunta daw kayo ni Mama."

"Sure." Sabi nito.

Kahit hiwalay na si Mommy at Daddy ay nanatili silang magkaibigan, okay lang 'yon kay Mama.

The Owner ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon