NAPAMULAT na lang ako ng maramdaman ko na may nakatingin sa akin.
Si Thirdy siya ang nakatingin sa akin at ang nakakagulat dahil katabi ko siyang nakahiga at hindi man siya nakangiti. Nakayakap siya sa akin.
"Hm?" Tanong ko, nahihiya ako magsalita.
"Nothing."
Ngumuso ako. "Mabait ka na ba sa akin?"
Tumango siya kahit nakatingin pa din sa akin. "Oo, pero huwag mo sagarin."
Tumango ako at yumakap sa kaniya. "Thank you."
"You're welcome." Naramdaman ko na may dumampi sa noo ko.
Napatingala kaagad ako sa kaniya, nakatingin ulit siya.
Hihiwalay na sana ako ng yakap pero humigpit yung kapit niya.
"Thirdy..."
"Hug me more. Matagal ko hinintay 'to." Sabi nito.
"A–ano?" Naguguluhan na tanong ko.
Umiwas siya ng tingin. "Nothing."
"Thirdy?"
"Hm?"
"B–akit noon hindi ka mabait sa akin? Alam mo ba t-takot ako sayo, bakit ayaw mo sa akin noon pa man? ." Tanong ko.
Gusto ko malaman kung bakit ayaw niya sa akin.
"Ayoko pagusapan 'yan. Tama na yung mabait ako sayo ngayon." Sabi nito.
"Err."
"Huwag na madaming tanong, yakapin mo na lang ako ng mahigpit." Sabi nito.
Naguguluhan man ay sumunod ako, niyakap ko siya ng mahigpit.
"Mamasyal tayo bukas." Sabi niya.
Tinignan ko siya. "Saan tayo pupunta?"
"Mall?" Patanong na sagot niya dahilan para matawa ako.
"Bakit? Di ba pasyalan din yon?"
Natatawa na tumango ako. "Oo."
Sana ganito na lang kami palagi, yung komportable kami. Yung hindi na ako masyadong takot sa kaniya.
"Pasyal tayo bukas." Sabi nito ulit.
"Oo."
"Maria Vennise?"
"Bakit?" Nagtataka na tanong ko.
"Babalik ka ba ulit sa London?"
Natahimik ako bigla dahil sa tanong niya, pero sumagot ako kaagad. "Oo, 2 months lang ako dito."
"Dapat pala hindi na ako nagtanong." Sabi nito at humiwalay sa yakap ko, bumangon ito.
Nagtataka na tinignan ko siya. "Why?" Tanong ko.
"Nothing." Sagot nito bago ako iniwan.
Naguguluhan na tinignan ko siya papalayo, 1 month na lang ang natitira bago ulit ako babalik ng London.

BINABASA MO ANG
The Owner ✔
General FictionEmpire Club 2: Thirdy Oliv Andrade "Coming back in this house was the wrong decision, step sister." - Thirdy Oliv Andrade Started: November 10, 2019 Ended: January 09, 2020 Source of Photo: Pinterest