CHAPTER 18

15.6K 321 2
                                    

NAKATINGIN ako sa labas ng makita ko na dumaan si Clexton.

Tumigil siya at napatingin dito sa balcony ng bahay, kumaway siya.

Ngumiti ako at kumaway din pabalik. Nakikita ko yung lungkot sa mga mata niya,

Nawala bigla ngiti ko ng maramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likod, napatingin ako kay Clexton na bigla na lang umalis.

"Seeing each other again." Malamig na sabi nito.

"I see." Dagdag nito.

"Thirdy..."

Humarap ako sa kaniya, walang nababakas na emosyon.

"You know me, I'm mad right now." Giit nito at tinalikuran ako.

Huminga ako ng malalim at sinundan siya sa kwarto niya. "Thirdy please try to understand."

Tinignan niya ako. "Go! Be with that bastard!" Galit na sabi niya.

"Thirdy don't get mad please."

"Out!" Galit na sigaw niya dahilan para makaramdam ako ng takot.

"S–sorry." Paumanhin ko bago umalis sa kwarto niya.

Pumasok ako sa kwarto ko at nilock yung pinto.

Humiga ako sa kama at pumikit, galit ulit siya.

Narinig ko na lang na may kumakatok, napamulat ako. "Vennise, bumaba ka na. Kakain na tayo." Sigaw na sabi ni Mama sa labas.

"Mauna na po kayo, wala po akong gana." Sabi ko.

"Bumaba ka na lang pag nagutom ka." Sabi nito.

Pumikit ulit ako hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Naramdaman ko na lang na may humahaplos sa buhok ko pababa sa leeg, napamulat ako.

Madilim na sa labas. Napaupo ako at tinignan yung katabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahinang tanong ko.

"Kumain ka na, hindi ka pa daw bumababa." Sabi ni Thirdy at inabot yung tray.

Tinignan ko siya, wala pa din emosyon yung mukha niya. Galit pa din siya.

Nagumpisa na ako kumain kahit nararamdaman ko yung titig niya.

Pagkatapos ko kumain ay kinuha niya yung tray at bigla na lang umalis.

Huminga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

The Owner ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon