PAGGISING ko ay napansin ko na tshirt ni Thirdy ang suot ko.
Ganito ang nangyayari paggigising ako matapos niya ako pagurin.
1 month na mula nung umalis ako sa bahay ni Dad, iyon din ang araw na inaangkin ako ni Thirdy. Hinahayaan niya lang ako matulog 3 am pag hindi ko na kaya.
Napatingin ako sa loob ng shirt, wala na naman ako panloob.
Napangiti na lang ako at napailing. Inayos ko yung pinagtulugan, may napansin ako na bouquet of flowers sa side table.
Kinuha ko yon at kinuha yung letter, 31 letter na to at 31 bouquet of flower na ang natanggap ko sa kaniya.
'I'm still waiting for you, Maria Vennise remember that. I love you'
Napangiti ako lalo at itinago yung letter sa may drawer ko. Everyday ganito na ang nagyayari.
Pagkababa ko ay nakita ko siya na nagluluto, tahimik ko siya nilapitan at yumakap sa kaniya.
"Kamusta tulog mo?"
"Okay naman pero ramdam ko pa din yung pagod."
Natawa siya bigla. "You love it?"
Hindi kaagad ako nakasagot dahilan para matawa siya ulit.
"Thirdy naman e."
"You're so cute, binibiro lang kita." Sabi niya.
"Bakit parang ang baho mo?" Tanong ko at lumayo ako.
Kumunot ang noo niya. "Kakaligo ko lang, Maria Vennise." Sabi nito.
Umiling ako. "Maligo ka ulit ang baho mo."
"Oh fuck! Last week ganyan din, pinalitan ko na yung body wash."
"Mabaho ka nga." Giit ko.
"Kakaligo ko lang, don't give me that stare."
Umirap ako. "Huwag ka lumapit sa akin hangga't hindi ka naliligo."
"Fuck! Don't be like this, Maria Vennise."
Umiling lang ako bago ko siya tinalikuran.
"Maria Vennise!" Tawag nito pero hindi ako humarap.
Pumunta ako sa living area at nanood ng tv, lumipas ang 20 minutes ay lumapit ito at wala siyang pang-itaas na damit.
Inamoy ko siya at tumango tango ako. "Good good."
"Okay na?" Inis na tanong niya.
Ngumiti ako. "Oo mabango ka na."
Umirap lang siya pero yumakap din. "Buntis ka ba?"
Para akong natigilan sa tanong niya, humarap ako sa kaniya pero siya seryoso kung makatingin.
"I don't know." Mahinang sagot ko.
"We should call Derek's wife or Keira."
Huminga ako ng malalim bago tumango. Paano kung buntis talaga ako? Pakakasalan niya kaya ako?
BINABASA MO ANG
The Owner ✔
General FictionEmpire Club 2: Thirdy Oliv Andrade "Coming back in this house was the wrong decision, step sister." - Thirdy Oliv Andrade Started: November 10, 2019 Ended: January 09, 2020 Source of Photo: Pinterest