CHAPTER 23

15.8K 343 6
                                    

NAPATINGIN ako sa labas ng bahay ni Thirdy.

"Let's go." Anyaya nito.

Kukunin ko na sana yung maleta ko pero hindi niya kinuha.

"Let me." Sabi nito at hinawakan ako sa bewang papasok sa loob ng bahay niya.

Pagkapasok ay napatingin ako sa buong paligid pero natigilan ako ng makita ko yung painting na nakasabit sa tabi ng hagdan.

Napatingin ako kay Thirdy na nakatingin sa akin, nakangiti siya.

"A–ako?"

Ngumiti siya lalo. "Oo, meron pa sa may dingding paakyat sa kwarto. Since your childhood picture."

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko pero naguguluhan ako. "P–pero bakit?"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko saka ako tinignan lalo. "Since you're here in my house I will tell you the truth. Unang pagkita ko kasi sayo sa restaurant kasama si Mama nakuha mo na yung attention ko, age of 5 or 6 yon oo akala ko crush lang talaga e pero hindi ibang iba ang nararamdaman ko. I'm sorry for hurting you back then, Maria Vennise. Alam ko mali yon, pero sana hayaan mo ako bumawi sayo. Mapadama na Mahal kita, sorry kung pinatagal ko pa bago umamin. Natotorpe kasi ako."

Napakurap ako. "H–huh? M–mahal mo ako?"

"Oo." Sagot nito.

Napayuko ako. "H–hindi ko alam kung ano sasabihin ko."

"It's okay, I'm willing to wait." Sabi nito at niyakap ako, yumakap ako pabalik.

"Thank you." Sabi ko.

Humiwalay ito at tinitigan ako, pumantay siya sa akin at hinalikan ako bigla sa labi. Tumugon naman ako sa halik niya.

Ilan segundo lang ay humiwalay na siya sa halik at ngumiti. "Matutulog ka kasama ako, pwede? Magkatabi tayo."

Ngumiti ako. "Oo naman, wala na din naman tayo sa bahay ni Dad." Sabi ko at biglang nalungkot.

"Don't be sad. Lilipas din to at matatanggap nila tayo, I hope." Bugtong hininga na sabi niya.

The Owner ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon