NAKATINGIN ako sa pregnancy test na hawak ko, napatingin ako kay Thirdy na nakatingin sa may balcony ng bahay niya.
"We should call Derek's wife or Keira."
Huminga ako ng malalim bago tumango. Paano kung buntis talaga ako? Pakakasalan niya kaya ako?
Tumayo siya at nilabas yung phone niya, ilan segundo lang ay may sumagot sa tawag niya.
"Hello, derek pwede mo ba pakiusapan asawa mo na pumunta dito? I think Maria Vennise is pregnant." Ngumiti pa ito. "Yes, I'll wait."
Lumipas ang 20 minutes ay may dumating na babae. Lumapit ito sa amin at hinalikan kami sa pisngi.
"Siya na ba ang tinutukoy mo?"
Tumango si Thirdy. "Can you run some test? I think she's pregnant."
"Sure."
Kinuhanan niya ako ng dugo at may binigay siya sa akin na pregnancy test. "Take this, just follow the instruction."
Tumayo na siya. "Babalik ako mamaya, ipaparush ko ito." Sabi nito.
Umalis na ito kaya tumingin ako kay Thirdy. "Hintayin kita dito." Sabi niya.
Tumango ako at pumunta ng banyo saka tinignan yung instruction.
Nang magawa ko na ay lumabas na ako at umupo ulit sa sofa. Ilan minuto ay nagtwo-lines yung pregnancy test.
"B–buntis ako."
Ngumiti siya at niyakap ako, yumakap ako pabalik. "Oh God! Thank you!" Sabi nito.
Nakangiti pa ito habang nakatanaw sa labas, tahimik na nilapitan ko siya at yumakap mula sa likod.
Tumingin siya sa akin. "Maria Vennise."
"Thirdy." Huminga ako ng malalim.
Maglalakas na ako ng loob. "Ngayon ba na buntis ako, posible ba na pakakasalan mo ako?"
Ngumiti siya lalo. "Aayain kita magpakasal pag alam ko na handa ka na at masabi mo sa akin na mahal mo ako."
"Mahal naman kita e." Bulong ko.
Napatulala pa ito bigla. Hinaplos ko yung pisngi niya at kinurot ng mahina. "R–really?"
Tumango ako. "Yes, ayoko lang maamin sa sarili ko dahil natatakot ako."
"Huwag ka matakot, ito na tayo e." Sabi niya.
Tumango ulit ako. "Oo hindi na ako matatakot, hindi ko na iisipin yung sasabihin ng iba sa atin."
Kumalas ito sa pagkakayakap at may kinuha sa pocket niya.
Nagulat ako dahil isang De Beers Platinum DB Classic Full Eternity Diamond na singsing ang hawak niya.
"Mahal to." Gulat na sabi ko.
Hinalikan niya ako sa labi at pagkatapos ay tinignan niya ako. "Hindi naman." Sabi niya.
"Anong hindi, nasa $16,060 dollar yan."
Tumawa siya pero sumeryoso din. "Please accept me, Maria Vennise. Marry me."
Ngumiti ako. "Of course I will marry you, Thirdy."
Isinuot niya yung singsing sa daliri ko at napatingin ako sa kamay ko. "Ang ganda."
"Maganda din naman yung nagsusuot e." Puri nito.
Namula ako bigla. "Thirdy!"
Tumawa lang siya, hinila ko siya sa balikat at hinalikan sa labi, naramdaman ko na tumutugon na siya.
Ilan segundo pa ang nagtagal bago ako humiwalay, hinawakan niya yung kamay ko kung saan nakasuot yung singsing.
"Patay ako sa kaibigan ko nito. Hindi ako sa kaniya bumili ng engagement ring, nakita ko kasi 'to sa online."
Natawa ako ng mahina. "It's okay. Ang mahalaga ay ikakasal tayo." Sabi ko.
***
Ito po yung diamond ring.
BINABASA MO ANG
The Owner ✔
General FictionEmpire Club 2: Thirdy Oliv Andrade "Coming back in this house was the wrong decision, step sister." - Thirdy Oliv Andrade Started: November 10, 2019 Ended: January 09, 2020 Source of Photo: Pinterest