"LOLA uwi muna po ako sa bahay."
"Ayaw mo muna ba kumain?" Tanong niya.
Umiling ako. "Huwag na po."
Lumabas na ako kahit nakapantulog pa ako, sa bahay na ako maliligo.
Nagtaka ako dahil ang daming kotse na nakaparada.
Pagkabukas ko ng pintuan ay ang daming lalake, nakatingin sila sa akin. Isa na si Thirdy, napakaseryoso ng tingin nito.
"H–hi." Nahihiya na saad ko bago mabilis na umakyat sa itaas.
Pumunta ako sa kwarto ko at kumuha ng damit sa laguggage bago ako pumasok ng banyo.
Naligo na ako, lumipas ang 30 minutes bago ako nagbihis.
Umupo ako sa kama habang pinapatuyo yung buhok ko, nabigla na lang ako ng biglang bumukas yung pintuan.
Napatanga ako dahil seryosong nakatingin sa akin si Thirdy, lumapit ito. Para akong pinagpapawisan.
Nanginginig ako sa takot dahil sa sobrang lapit niya.
"K–kuya."
Mas lalong dumilim ang tingin nito sa akin. "Stop calling me your Kuya, because I'm not your brother. Damn it!"
Napapikit na lang ako ng suntukin niya yung pader sa mismong malapit pa sa akin.
"I'm warning you, Maria Vennise. If I hear you call me Kuya. Get ready." Giit na saad nito.
Bago nilayo ang sarili nito sa akin, pero hindi pa ako nakakahinga ng maluwag ng magsalita ulit ito.
"Coming back in this house was the wrong decision, step sister." Sabi nito bago ako iniwan.
Para naman akong nanigas dahil sa sinabi niya.
Hindi dapat ako magpaapekto sa mga sinasabi niya, dahil pag nalaman niya na kinakatakutan ko siya lalo niya ako gagambalain.
Napagpasyahan ko na bumaba na, nandoon pa din ang mga kaibigan ni Thirdy.
Napatingin sila sa akin, nahihiya na ngumiti ako.
Nakita ko na lumapit si Thirdy, pasimple na humakbang ako paatras.
Hinawakan niya ako sa braso. "Don't smile." Bulong pero giit na sabi niya.
Napasimangot ako. "B–bakit?"
"I don't like it."
"Hindi naman ako ngumingiti sayo, sa kanila ako ngumingiti."
Humigpit lalo ang hawak niya sa braso ko. "So? I don't like it, don't smile."
Inalis ko yung kamay niya. "Nasasaktan ako."
Yumakap ito. "Masasaktan ka talaga sa oras na ngumiti ka sa kanila."
Nalungkot ako dahil sa sinabi niya. "O–okay." Tumalikod na ako.
Bakit ba ganito ka sakin?

BINABASA MO ANG
The Owner ✔
Genel KurguEmpire Club 2: Thirdy Oliv Andrade "Coming back in this house was the wrong decision, step sister." - Thirdy Oliv Andrade Started: November 10, 2019 Ended: January 09, 2020 Source of Photo: Pinterest