TULAD ng hiningi ko kay Thirdy na 2 days, pinagisipan ko talaga. Kahit ayoko na hiwalayan si Clexton wala akong magagawa.
Binuksan ko yung pintuan, nakita ko si Clexton na nakaratay sa hospital bed. May benda yung kaliwang paa at kamay. May pasa pa ito sa may mata.
Naawa ako sa kaniya. Pumasok ako sa kwarto at tahimik na nilapitan siya.
"Babe." Mahinang tawag nito.
Umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan yung kamay niya na hindi nakabenda. "Sorry sa ginawa nila sayo."
"Okay lang." Sabi nito.
"Sana patawarin mo ako sa gagawin ko." Sabi ko.
"Anong gagawin mo?" Nagtataka na tanong niya.
"Nakikipaghiwalay na ako."
Mukhang naguluhan pa ito. "B–bakit? Ayoko."
Malungkot na tinignan ko siya. "Hindi ko din gusto pero iyon naman ang gusto ni Kuya."
Sumeryoso siya. "Huwag, ayoko."
"Wala akong magagawa, kagustuhan iyon ni Kuya pag hindi siya nasunod sa gusto niya. Sasabihin niya kina Daddy yung nangyari nung time na nahuli niya tayo."
Pinisil niya yung kamay ko. "Please huwag mo akong iwan."
"Hindi naman kita iiwan, we can be friends."
"I don't want that. I want you as my partner." Giit nito.
Tumayo ako at hinalikan siya sa labi, tumugon kaagad ito pero humiwalay na ako. "Get well soon okay? We are friends for now."
"Please babe." Pakiusap nito.
"Patago kita bibisitahin okay? Magpagaling ka." Sabi ko.
"Babe please."
Hindi ko muna siya pinakinggan at lumabas ng room niya. Napaiyak na lang ako bigla dahil sa ginawa ko.
Ilan minuto din ako umiyak bago ko inayos yung sarili ko. Pinunasan ko yung luha ko habang naglalakad palabas ng Mondragon Medical Hospital.
Nakita ko bigla si Thirdy na nakasandal sa kotse niya, nilapitan niya ako.
"Did you cry?" Nagaalala na tanong nito.
Umiwas ako ng tingin. "I'll already broke up with him."
"Good, get in." Sabi nito at pinagbuksan ako.
Sumakay naman ako at tumingin lang sa labas ng bintana. Hindi ito nagsalita hanggang umandar yung sasakyan.
"Talk." Tipid nitong utos.
Napatingin ako sa kaniya. "Wala naman ako gusto sabihin." Sabi ko.
Hindi na ito umimik hanggang makarating kami sa bahay. Nagulat ako ng binuhat niya ako nung buksan niya yung pintuan ng kotse.
"Thirdy..."
"Let me." Sabi nito at sinarado yung pintuan bago siya pumasok sa bahay habang buhat ako.
Pasimple na tinignan ko siya. Seryoso lang siya nakatingin sa dinadaanan niya, hindi talaga siya marunong ngumiti.
"What?" Biglang tanong nito.
Nakita ko na tumingin siya sa akin. "N–nothing." Sabi ko at umiwas ng tingin.
Nakarating kami sa kwarto ko at ihiniga niya ako sa kama. "Rest." Tipid nito bago ako iniwan.
Nagtataka na tumingin ako sa kaniya habang papalayo siya.
BINABASA MO ANG
The Owner ✔
Tiểu Thuyết ChungEmpire Club 2: Thirdy Oliv Andrade "Coming back in this house was the wrong decision, step sister." - Thirdy Oliv Andrade Started: November 10, 2019 Ended: January 09, 2020 Source of Photo: Pinterest