CHAPTER 26

16.3K 356 6
                                    

NAPATAYO  ako dahil may nagdodoor-bell, hinaplos ko yung tyan ko.

5 months na kasi ang tyan ko at 5 months na din kaming kasal ni Thirdy.

Hindi na niya inimbita ang parents namin, naiintindihan ko dahil baka magkagulo pa kung pupunta sila.

Pagbukas ko ng pintuan ay bigla akong natigilan.

"D–dad, Mama." Gulat na tawag ko.

Tumingin sila sa tyan ko at tumingin ulit sa akin. Wala si Thirdy, pumasok siya sa trabaho.

"Pwede ba kami pumasok?" Tanong ni Mama.

Huminga ako ng malalim bago niluwagan yung pagkakabukas ng pintuan.

Pumasok sila, tahimik na sinundan ko sila paupo sa sofa.

"May gusto ba kayo?"

"Wala naman, maupo ka vennise."

Umupo ako kaharap nila. "Bakit po kayo napadalaw?" Hindi ko naman minamasama na dumalaw sila, pero hindi ngayon.

"Sorry anak, patawarin mo kami ng daddy mo."

"Ma, okay lang sa akin pero please sa asawa ko sa kanyan kayo humingi ng tawad."

Tumango si Mama. "Oo hihingi kami ng tawad sa kaniya."

Bumukas bigla yung pintuan at pumasok si Thirdy na nakaoffice attire.

Lumapit ito sa kinaroroonan namin at hinila niya ako papatayo, yumakap ako sa kaniya.

"How's my wife?" Tanong nito na mukhang walang pakialam kahit nandito ang parents namin.

Ngumiti ako. "I'm fine hubby."

Tumingin siya sa parents namin at biglang sumeryoso. "What are you doing here?"

"To visit you." Sabi ni Dad na ngayon lang nagsalita.

Natawa bigla si Thirdy pero ramdam ko yung galit. "I remember you disown us."

"Look I know we made mistake, please forgive us."

Tumingin ako kay Thirdy, "Hubby, patawarin mo na sila. Nagulat lang siguro sila sa nangyari."

Tumingin siya sa akin pero ibinalik din yung tingin sa parents namin. "Okay, I forgive you."

Ngumiti sila. "Thank you, Thirdy."

Humiwalay ako ng pagkakayakap kay Thirdy at umupo.

"Ilan months na tyan mo, Vennise?" Tanong ni Daddy.

"5 months, Dad."

"Malapit ka na pala manganak, ilan months na lang din ang hihintayin."

Ngumiti ako at hinaplos ang tyan ko. Tumingin ako kay Thirdy na nakatingin pala sa akin, ngumiti ako sa kaniya.

"I love you, wife."

Hinalikan ko siya sa labi kahit nasa harapan namin ang parents namin. "I love you too, hubby."

The Owner ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon