Chapter 2
May payong na nakasunod sa kanya habang naglalakad. Mataas na ang sikat ng araw. Masamang mainitan ang kanyang mala porselanang balat. Maingat pang inaangat ng katulong ang laylayan ng kanyang mamahaling maxi dress na suot para hindu sasayad sa buhangin.
"Ako na ang bahala.
Kababa lang nila sa yate na idinaong sa daungan ng isla. Taas noo siyang naglalakad sa gilid ng dalampasigan. Ang dalampasigan na saksi noon sa kanyang luha at saya. Dahan dahan niyang inikot ang paningin habang bahagyang itinaas ang kanyang sun hat. Tinatanaw niya 'yong hanggang abot ng kanyang paningin, ang paligid ng La Isla Trinidad. Lahat ng abot ng kanyang tanaw ay malinaw na kanya na. Pagmamay-ari niya na ang lupa kung saan gumapang siya na parang ipis noon na tinatapakan lang.
Siya na ang bagong si Maxxine Xandra Santiago. Ang bagong may-ari ng Kastilyo del Carmen Palma na naging La Kastilyo Santiago. Naroon siya upang manirahan sa dating malaking palasyo kung saan noon siya ay anak ng utusan. Siya na ang bagong may-ari pagkatapos niya itong mabili sa bangko.
Nakatingin sa kanya ang mga tao mula sa dalampasigan hanggang sa daanan papuntang kastilyo. Nakasakay siya sa karuwahe kasama ang kanyang mga kasambahay. May ilang dekada na ang nakaraan. At ayon sa kanyang napansin walang ipanagbago ang lugar. Lalong kumunti ang komunidad. Isang linggo pa lang siyang nakabalik sa La Isla Trinidad kaya naisipan niyang sumakay sa yate at nilibot ang mga karatig isla. Ang mga kabataang kasing edad niya noon ay halos wala na sa lugar. Nag-asawa na at hindi na roon namalagi. Merong iilan pero mas madalas hindi na siya kilala ng mga taga roon. Mas masaya pa nga noon kaysa sa kasalukuyan. Pero nag desisyon siyang tumira sa Isla dahil naroon ang mga mahalagang alala na kanyang dapat balikan. Ang mahalagang alaala bunga ng kanyang una at huling pag-ibig.
Sariwa pa sa kanyang isip ang unang beses niyang iniwasan at binalewala si Fernan. Hindi na kaya ni Maxxi ang panlalait ni Senyora Amelia noon sa kanilang mag- ina. Kaya kahit masakit sa kanyang kalooban pinagtabuyan niya si Fernan palayo.
"Maxinne!" Tinatawag siya noon ni Fernan na nakasakay sa kabayo. "Hah! Hah!Kasunod ng boses na iyon ang tunog ng pagbagsak ng sapatos na tiktak sa lupa. Si Fernan ang nag-iisang heredero ng mga Palma.
"Senyorito Fernan, baka may makakita sa inyo na nakipag-usap na naman sa akin." nag-alalang wika ni Maxxi.
"Ano naman ang masama eh di sabihin mong may itinanong lang ako.
Hindi pwedeng iiwasan mo ako Maxxi mahal na mahal kita. Paano na tayo? Maxxi please," nagsusumamo nitong sabi.Paano na nga ba ang pag-iibigan nilang dalawa. Kinagabihan lang noon may nangyari na sa kanilang dalawa sa dampa hindi kalayuan sa dalampasigan kung saan sila nahuli ni Senyora Amelia. Noong gabi kasi na iyon isama sana siya ni Fernan sa siyudad. Malayo sa lahat ng taong ayaw sa kanya at lalo na kay Senyora Amelia. At noong gabi ding iyon labis na hinamak ni Amelia ang pagkatao ni Aling Letty. Isinubsob ni Senyora Amelia ang mukha ni Aling Letty sa buhanginan. Kinaladkad naman noon ni Fernan Sr. pauwi ang anak niyang si Fernan. Isinunod sa pangalan ng ama ang pangalan ni Fernan kaya siya ay isang junior na anak.
"Konsentidor ka na klaseng ina Letty. Oo nga naman, bakit nga naman hindi mo konsentihin ang anak mo. Para nga naman kayong nakabingwit ng malaking isda. Mag- inang oportunista. Ikaw Letty nasaan na ang lalaking bumuntis sa'yo. Nasaan na 'iyong canadian mo? Di ba iniwan ka rin. Mabuti na lang matalino ang tao na yon iniwan ka na kagad alam niya kasi na huhuthutan mo lang siya.
"Ikaw ba Amelia, saan ka rin ba pinulot ni Senyor Fernan? Di ba amoy malansa ka rin noon dahil sa paglalako ng isdang tulingan at tambakol na itinatawid mo ba sa kabilang ibayo." Tumapang si Aling pagkatapos naisubsob sa buhangin ang mukha.
Humaba na ang palitan ng salita ng dalawa. Noon natikman ni Letty sa isang gold digger din na si Amelia ang emosyonal at physical na pamanakit. Mula ng pangyayaring iyon. Iniwasan na ni Maxxi ang makipag-usap sa binata.
"Bakit na naman ba Fernan. Ayoko ko kasi ng gulo. Tahimik na ang buhay namin simula noong hindi na namasukan sa inyo si inay. Mula din noong ikaw ay napalipat sa siyudad at doon na nag-aral. Mas magaan ang buhay ko malayo sa mga mapag matang mga tao sa paligid. Hindi ko alam kung paano ko kalimutan ang lahat pero kakayanin ko Fernan." May luha nangingilid na sa kanyang magkabilaang pisngi. Sa kanilang murang edad ramdam na nila ang totoong pagmamahalan. Wala ring pakialam si Fernan sa mga panlalait ng tao kay Maxxi. Basta mahal niya ito.
"Kakamustahin lang naman sana kita eh." mahinahong sabi ni Fernan.
"O, pwes mabuti naman. Ayan na narinig mo na ang sagot ko. Hindi na kita kamustahin baka humaba pa ang usapan. May makakakita pa sa atin. Magkaroon na naman ng eskandalo.
Nagkamot sa ulo si Fernan na sumakay uli sa kanyang kabayo. Lumayo na ito sa kanya. Unti unti ng nabura ang pagkakaibigan. Magkababata sila kahit pa sa agwat ng estado nila sa buhay, naging mabait si Fernan sa kanya. Lumaki sa Kastilyo Palma si Fernan sa kanyang lolo at lola. Namamasukan noon si Aling Letty ang kanyang ina sa Kastilyo. Mabait sina Don Alfredo at Donya Isabel. Nag-iisang apo lang si Fernan. Sa poder ng lola at lola si Fernan dahil sa kasunduan na sa kanya rin ipamana ang lahat ng kayamanan ng Don at Donya. Hindi gusto ni Don Alfredo at Donya Isabel si Amelia para sa kanilang anak. Maipilit lang ang ama ni Fernan kaya napangasawa si Amelia. Ngunit hindi sila sa Kastilyo pinatira. Tanging si Fernan lang ang pinakyat sa Kastilyo para doon tumira kasama nila. Dati ng magaspang talaga ang ugali ni Amelia. Namatay na ang Don at Donya. Napunta na mag-asawang Amelia at Fernando ang Kastilyo at ang buong sitio ng La Isla Trinidad.
Ginugunita niya pa rin ang mga nakalipas habang binaybay ng karwahe ang daan papuntang La Kastilyo Santiago. Napalingon siya sa may kumpulan ng mga babaeng naglalaba sa may poso. Namumukhaan niya ang ilan sa mga ito. Kumulo ang kanyang dugo nang biglang may naalala.
"At sino naman ang bibili sa nilalako mong puto at kutsinta na yan? Sa palagay mo ba may bibili at kakain niyan. Sa mukha mo pa lang mandidiri na sila." Walang prenong panlalait ni Brenda sa kanya. Ang anak ng katiwalang taga gawa ng payroll para sa mga manggawa ng Don at Donya.
"Tama nga naman sila wala ng bibili sa paninda ng tulad kong nakakadiri tingnan." bulong niya sa sarili.
Naupo siya sa isang tabi at hinayaang tumulo ang luha.Hindi namalayan ni Maxxine na tumulo pa rin ang mga luha kahit na ang lahat ay sa alaala na lang.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Infinity (COMPLETED)
RomanceAyan kasi nagmamaganda kung hindi naman siya nalahian, eh di kamukha din siya ng nanay niyang bilugan ang mata." "Siya yong dating maganda na kasalukuyang nagnaknak na sa kagandahan." "Kadiri yong nasa kanyang mukha no!" "Ay naku basta mukha ko maki...