Chapter 10 Xandra

138 3 0
                                    

Chapter 10

Nasa mabuting  kalagayan na si Maxxine. Ipinasok na ito sa kuwarto galing emergency. Hindi umalis sa kanyang  tabi  si Fernan.Nakailang oras na din ito sa kanyang mahimbing na tulog.

Nakasubsob na natutulog si Fernan sa gilid ng higaan ni Maxxine nang inabutan ni Aling Letty. Naalimpungatan ito sa tunog ng pintong halatang nagbukas at may mga yabag na pumasok.

"Kayo po pala. Magandang gabi po sa inyo," bati ni Fernan.

"Magandang gabi rin sa iyo." Binati rin siya ni Aling Letty. Pwede ka ng magpahinga. Ako na ang bahala sa anak ko," saad nito sa kanya.

"Pwede po bang dumito muna ako hanggang sa kanyang pagising," pakiusap na sabi ni Fernan.

Pumayag si Aling Letty,  dahil naisip  niyang  huwag na siyang magtagal sa tabi ni Maxxine. Nandoon na rin lang si Fernan. Tiyak niyang alagaan nito ang kanyang anak. Gusto niyang bigyan ng pagkakataong magkausap ang dalawa. Pagkatapos niyang nakausap ang doktor nagpaalam na ito kay Fernan na uuwi. Walang naging pinsala sa anak ang kanyang sugat,  daplis lang naman ito ayon sa sabi ng doktor.  Pwede na nga  raw itong iuwi kinabukasan.

Unti-unting idinilat ni Maxxine ang kanyang mga mata. Nagtataka siya sa kulay ng paligid.

"Nasa ospital na pala ako," bulong niya sa sarili.

Nakita niya si Fernan sa gilid ng kanyang higaan. Hawak pala ng binata ang kanyang kanang kamay. Tanggalin  niya sana ito sa mula sa pagkakahawak ni Fernan. Pero may saya sa puso niya ang init na dala ng mga palad nito hinayaan niya na lang. Gusto niya pang maramdaman ang saya dulot nito sa kanya. Ngunit bigla na naman niyang naalala ang tungkol sa anak niya. Gumilid na kanyang pisngi ang mga luha galing sa kanyang mga mata.

"Kanina ka pa bang gising?"

Nararamdaman ni Fernan ang nasa puso ng dalaga. Lalo pa ng gumilid ito patalikod sa kanya ibig ilihim sa kanya ang kanyang pag-iyak. Ayaw nitong makita niya ang pag-agos ng mga luha.

"Labag sa kalooban ko ang ginawa ng aking ina," nag-uumpisang paliwanag ni Fernan. Malaki na si Xandra noong nalaman ko na nasa pangangalaga siya ni  mommy sa ibang bansa. Aaminin kong naroon ako noong nanganak ka.  Nabayaran ni mommy ang doktor na nagpaanak sa iyo. Ang usapan palabasin ang  kwento na patay na ang anak natin. Pilit kong tinutulan iyon kaya sa pagkakaalam ko hindi niya naisagawa ang kanyang plano. Isang traysikel driver ang nagdala sa iyo sa ospital noong ikaw ay manganganak na. Isang ngiti at maitim na plano pala ang nabuo sa isip ni mommy habang kami ay nakasunod sa traysikel na iyon. Dahil gusto ko din noon na makita ang bata kaya pumayag akong sundan ka sa ospital. Kaya pala nagmadaling umalis uli ng bansa si mommy dahil pala kay Xandra. Noong mga panahong sinubukan kong hanapin kayo ng anak natin nalaman ko kay Aling Letty nasa ibang bansa ka na. Sa pagkakaunawa ko kasama mo ang anak natin. Patawarin mo ako kung hindi ako naging matapang. Hindi ko naipaglaban ang karapatan mo bilang ina."

Mahabang salaysay ang ginawa ni Fernan. Humingi siya ng tawad ng taos sa puso ngunit hindi sapat ang lahat.

"Ibalik mo sa akin ang anak ko, Fernan." matigas na tonong sabi ni Maxxine.

"Ibabalik ko si Xandra sa iyo dahil ikaw ang kanyang ina. Pero pwede bang makikiusap muna ng kaunting panahon para manatili siya sa amin." Muli pang humingi ng panahon si Fernan.

"Anooo!? Panahon pa ba! Sa loob ng maraming taon, ngayon hihingi ka pa ng panahon? Fernan naririnig mo ba ang sarili mo. Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo.  Pwede bang ako naman ang unawain mo." Tuluyan ng napahagulgol sa iyak si Maxxine.

"Maxxi.." tanging huling nasabi ni Fernan.

Pumasok ang nurse. May dala itong papel para na inilapag sa higaan ni Maxxine.

"Ma'am Santiago, go home discharge slip niyo po. Pwede na po kayong umuwi," nakangiting sabi ng nurse.

Tapos na ang billing naasikaso na lahat ni Fernan kaya ayos na ang Go home discharge ni Maxxine.

"Kailangan ko bang ulitin ang nasabi ko Fernan. Ibalik mo sa akin ang anak ko," galit na sambit ni Maxxine.

Nagmamanehong wala sa isip si Fernan. Siya 'yong nasa gitna ng batong nag-uumpugan. Kailangan niyang magdesisyon ng tama ng parehas walang masasaktan. Masakit hindi mapagbigyan ang isang inang nawalay sa anak ng maraming taon. Ngunit paano nga ba niya kuhanin si Xandra sa kanyang inang may taning na rin ang buhay.

"Iuuwi ko siya sa iyo, pangako yan," huling sinabi ni Fernan bago isinara ang pinto. Naihatid niya na sa kastilyo si Maxxine. Pangakong hindi niya rin alam kung paano niya gagawin.

"Aasahan ko ang pangako mong iyan," sagot ni Maxxine. Tumalikod na itong pumasok sa loob.

"Sige po tutuloy na ako Aling Letty," nagpaalam pa siya sa ina ni Maxxine. Ito kasi ang sumalubong sa kanila sa tarangkahan.

Ngunit maraming araw na ang lumipas. Naghintay sa wala si Maxxine. Walang Fernan na dumating.

"Fernan huwag lang kitang makita kung saan dahil ako na 'yong pinakamasamang taong  makilala mo." pangakong banta ni Maxxine.

"Maxxine baka may dahilan 'yong tao kung bakit hindi niya pa nagagawa ang pinangako sa iyo," paalalang sabi ni Aling Letty. 

"Ano naman klaseng dahilan iyon, inay?" Sa palagay mo mas mahigit pa kaysa mga pakiusap ko. Matagal akong nagtiis inay. Napatunayan ko na buhay nga ang anak ko pero hanggang sa mga oras na 'to hindi ko pa rin siya nakikita. Sampung taon ang lumipas naglibing tayo at pinupuntahan natin ang puntod ng hindi ko pala anak. Sampung taon na siya sa araw na ito. Sampung taon tayong naloko.

"Beep! beep! beep! bosena ng sasakyang nasa labas. Mabilis itong pinagbuksan ni Mang Tonio. Dumating si Fernan na kasama ang batang babae. Halatang pinakiusapan pa ni Fernan upang bumaba mula sa sasakyan.

"Xandra sanay pag-aralan mong masanay dito. Dito ka dapat sa iyong ina," paliwanag ni Fernan sa anak.

"Noooo! dad. Please bring me back to mommy Amelia." sagot nito sa kanya.

Ang buong akala ni Xandra ay pinabayaan siya ng kanyang ina. Sumama ito sa ibang lalaki ang kanyang ina. Na ipinagpalit ang kanyang ama. At may ibang pamilya na ito kapalit sa kanila. Masyadong nagwagi si Senyora Amelia sa pagkalason sa isipan ni Xandra.





















Love Beyond Infinity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon