Chapter 14
Mula sa kanyang kinaroroonan pinagkasya ni Maxxine ang kanyang paningin sa maliit sa espasyong bukas ng bintana. Pwede naman sanang buksan ngunit minabuti niya itong hayaan ang sariling nakasilip ng ganoon. Naroon sa hardin ang mag- ama. Narinig niya ang mga boses nitong malakas na nagtatawanan. Napakasaya nilang tingnan. Gusto niyang lumabas upang sumali pero pinigil niya na ang sarili baka kasi umupo pa sa isang tabi si Xandra. Konting tiis na lang masasanay na rin sa kanya ang anak. Naiwang mag-isa sa hardin si Fernan. Lalong binusog ni Maxxine ang kanyang mga mata. Tinatanaw niya mula sa malayo ang lalaking kanyang minahal mula noon at hanggang sa kasalukuyan ng kanyang buhay. Nagsimula na niyang tanungin ang sarili.
"Bakit nga ba natakot na ang puso kong mahalin ka pa ng lubusan uli?"
" Maxxine anak," boses ng kanyang ina. Nasa pintuan ito ng kanyang kuwarto.
"Nay, sandali lalabas na po. Inayos niya ang sarili dahil kagagaling lang din naman niyang banyo. Naligo siya at nakatapis pa lang ng tuwalya. Inuna niya pang silipin sa bintana ang mag-amang naglalaro sa hardin.
"Ayon si Xandra nagmaktol nasa kanyang kuwarto. Pumasok uli pagkatapos kong bawalin na maligo. Nakita ko kasing pawis na pawis eh," sumbong na sabi ni Aling Letty.
"Sige inay puntahan ko na lang," sagot ni Maxxine.
"Susunod naman kaya 'yan sa iyo. Nasaan na ba si Fernan?" tanong ni Aling Letty.
Pinuntahan ito kaagad ni Maxxine at kinausap. Mabuti hindi ito nag locked ng pinto.
"Xandra, you need to take a little rest before going to the bathroom. Taking a bath while you are still sweating is not good. You might get sick."
Kumuha si Maxxine polbo at nilagyan ang likod ng anak. Tumango lang ito at hingi na umangal pa. Binilinan niya itong magpalipas muna ng ilang minuto pa bago mag shower. Sanay ng maligo ni Xandra mag-isa. At hindi na siya gaanong intindihin pagdating sa kalinisan sa sarili. Iyang 'yong naiturong maganda ni Senyora Amelia sa kanyang anak, ang hindi laging naka depende. Kumikilos na mag-isa sa sarili pagka kaya niyang gawin. Palibhasa laking ibang bansa nakakuha ng konti sa western culture ang pagiging independente.
Binalikang silipin ni Maxxine si Fernan sa bintana ngunit wala na ito. Isinara niya na lang ang bintana.
"Dumidilim na rin sa paligid. Gabi na na pala," ani niya sa sarili.
Inayos na muna ni Maxxine ang ilang kalat sa kanyang kuwarto bago balikan si Xandra. Narinig niyang may kotseng lumalabas ng gate. Hinabol niya ito ng silip sa bintana. Kotse ni Fernan ang umalis.
"Saan naman kaya ang punta niya," tanong niya sa sarili.
Naramdaman ni Maxxine ang kakaiba. Sarap sana sa pakiramdam kung nagpapaalam ito sa kanya kung saan pupunta.
"Ay naku Maxxine, bakit nga ba naman magpaalam sa iyo. Eh di ba wala pa naman kayong pormal na usapan na kayo na uli." Natauhan din siya habang tinatanong ang sarili.
"Anak Xandra."
Dahan- dahang itinulak ni Maxxine ng pintuan. Gusto niya kasing kung ano ang ginagawa ng anak mag-isa sa kuwarto. Oras na naman ng tulog wala pa si Fernan. Nakatapos na silang kumain ng hapunan. Mabutu na lang napilit nila si Xandra na kumain kahit konti. Gusto pa kasi sana nitong hintayin ang kanyang daddy.
" Xandra." Inulit pa ni Maxxine na tawagin bago tuluyang lapitan ito na nakahigang patagilid sa kama. Nakayakap lang ito sa unan.
"Can I sleep here again?" nag-aalangan niyang tanong sa anak.
Tumango itong nakangiti sa kanya. Halatang may lungkot sa likod ng mga ngiti ni Xandra. Nahuhulaan na ni Maxxine ang dahilan. Wala pa kasi si Fernan hindi pa umuuwi. Tinabihan na niya ito. Ramdam niya ang ligaya ng isang ina na katabi ang anak. Hinahimas niya ang noo nito para makatulog. Pati buhok dahan- dahan niyang hinahawi sa magkabilaang gilid. Ilang minuto lang nakatulog na si Xandra. Napansin niyang tumunog ang kanyang phone ngunit dalawang ring lang nawala din. Mabuti na lang nakasilent kaya hindi nakaistorbo.
"O si Fernan ang tumawag. Bakit kaya? nagtataka niyang tanong sa sarili.
Tinawagan kaagad uli ito ni Maxxine dahil nagtataka siya bakit sa ganoong oras hindi pa nakauwi.
"Nagtataka ka nga ba o nag-aalala ka na para sa kanya," nakangiting tanong nya uli sa sarili. Sapo ni Maxxine ang kanyang dibdib. Pilit dinadama ang naramdaman. Isang tanong na lang ni Fernang kung mahal pa siya nito sasagot na siya ng Oo.
Nag ring uli ang kanyang phone. Si Fernan uli ang tumawag. Hindi na ito pinagtagal ni Maxxine sinagot niya kaagad.
" Hello si Xandra?" Ito na kaagad ibinungad na tanong.
"Nakatulog na," mabilis niyang sagot kay Fernan.
Tatanungin pa sana niya kung bakit hindi pa umuwi. Pero nahiya siyang magtanong. Mabuti na lang kusa ding nagpaliwanag ito sa kanya kung bakit siya ginabi.
"Napainom kasi ako sa kaibigan. Ginabi pa lalo dahil nasiraan ako. Kaya dito na siguro ako matulog. Malapit na sana ako makarating ng biglang namatayan ng makina ang kotse. Magpalipas na ako ng magdamag.
"Saan ka ba pupuntahan kita," biglaan niyang pagkakasabi kay Fernan.
"Ang sarap namang pakinggan, pakiramadam ko tuloy nag- alala ka sa akin." sagot kay Maxxine.
"Nasaan ka nga?"
Tumayo na si Maxxine sa kama. Dahan- dahan niyang tinungo ang pinto upang hindi magising ang anak. Nakalimutan na niyang nakapantulig na nga pala siya. Gusto na kasi niyang puntahan si Fernan kung nasaan man ito. Ang pagkasabi ni Fernan na nasa malapit na lang siya ang kanyang tinandaan. Babaybayin lang niya ang daan. Wala namang ibang daanan papunta sa kastilyo. Kaya alam niyang madali niya itong matunton.
Hindi nga siya nagkamali. Nasa malapit na lang ito sa kastilyo. Hinintuan niya kaagad ang kotse ni Fernan na nasa gilid ng kalsada. Bumaba na kaagad si Maxxine nang nakitang nakaawang ang pinto ng kotse nito. Tulog na nakasandal ito habang hindi pa nakasarado ang pinto.
"Fernan," kasabay ang mahinang tapik ni Maxxine sa balikat nito.
" Oy talagang sinundo mo ako. Gabi na eh sanay natulog ka na rin.
Pupungas pungas pa ang mga mata ni Fernan dahil naalimpungatan.Iniwan niya na nga ang kanyang kotse. Sumakay na sa kotse ni Maxxine si Fernan.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Infinity (COMPLETED)
RomansaAyan kasi nagmamaganda kung hindi naman siya nalahian, eh di kamukha din siya ng nanay niyang bilugan ang mata." "Siya yong dating maganda na kasalukuyang nagnaknak na sa kagandahan." "Kadiri yong nasa kanyang mukha no!" "Ay naku basta mukha ko maki...