Chapter 5 Sumbrero at Salamin

172 5 0
                                    

Chapter 5

"Yes dad," nakangiting ibanaba ni Maxxine ang tawag.

Long distance call mula sa kanyang ama. Dalawang taon na ang nakalipas nang siya ay umuwi galing Canada. Upang makadaupang palad lang sana ang kanyang mga kapatid sa ama, 'yon ang plano pero nakahanap siya ng buhay roon at nagtagal pang nanirahan. Isang masayang yugto sa kanyang buhay ang mabuo ang kanyang pagkatao na.

"Maxxine! tumawag daddy mo magbakasyon nga raw sila kasama ang iyong mga kapatid." Masayang bungad ng ina sa kanya nang sinagot niya ang phone. Ibinalitang tumawag sa kanya si William Davis ang ama ni Maxxine.

"Nakausap ko rin siya, nay." Masayang sagot ni Maxxine sa ina. Ang ama niyang si William Davis ang nag-angat sa kanilang mag-ina mula sa baba. Dahilan na sila ay kabilang na sa mga taong nasa alta sosyodad. Sa tulong ni madam Riza nakapagtapos si Maxxi ng kolehiyo. Naging CPA at nagkaroon ng sariling firm. Sa kanyang ang MXS and Co. Accounting Firm na kilala sa kanilang buong lalawigan. Nag-abroad at hinanap ang ama sa Canada. Naging mapalad naman siya sa paghahanap sa kanyang ama. Mabilis niyang natagpuan ang kinaroroonan nito. Isang kilalang negosyante din si William kaya may maganda itong estado sa kanilang bansa.

Seryosong nakatingin ng diretso si Maxxine sa kalsada. And kalsadang dati naman ay lubak lubak ay naayos din. Ito lang ang tanging napansin niyang nagbago sa kanilang lugar. Napansin niyang na flat ang kanyang gulong. Walang siyang nagawa kundi bumaba.

"Huh! nakakainis naman dito pa talaga sa daan na walang kabahayan. Inis na inis siyang nagkamot sa ulo. Takip-silim na, tiyak na aabutin siya ng gabi. Wala pa ibang mahingan ng tulong. Kaya tiyak niyang aabutin talaga siya ng siyam siyam. Siya na ang gagawa kesa maghintay na may dumating na isang himala.

"Beep! Beep! Beep! napalingon si Maxxine sa likod mula sa liwanag ng humintong sasakyan.

"Ay may himala nga," tanging niyangb nasabi.

Napatakip pa siya sa mata dahil sa sobra liwanag na tumapat la sa kanyang mata. Itinutuloy niya ang kanyang ginagawa. Nang mapansin niya ang isang matangkad at makisig na lalaking naglalakad papunta sa kanya.

"Maari ba kitang tulungan dyan para mapabilis," sabi nito sa kanya.

"Huh kailaangan mo pa bang itanong yan. Kung maginoo ka tumulong ka ng hindi mo na tinatanong pa," masungit niyang sagot.

"Sadya talaga akong bumaba para tulungan ka. Baka kasi magtagal ka pa riyan. Delikado sa gawing ito walang kabahayan para sa isang tulad mo na magandang dilag.

"Tumulong ka kung gusto mo 'wag mo na akong bolahin kasi wala ka sa tamang timing.

Akma na itong uupo kaya kaagad lumihis si Maxxine at tumayo na rin. Tinitigan niya ang lalaking nakasalamin pa kahit madilim na. Naka sumbrero pa ito na tila ba ayaw ipakita ang mukha.

"Bago ka ba rito," tanong sa kanya.

"Dating taga rito nagbalik lang. Pero wala na akong kakilala gaanong nakilala sa mga taga rito." sagot naman ni Maxxine.

Kinakausap nga siya pero, hindi man lang siya nilingon ng lalaki. Hanggang sa matapos ito. Nakayuko lang ito at isa isang ibinalik sa tool box ang hawak.

"O ayan tapos na , okay na," saad nitong unti unti na ring lumayo.

Nililigpit pa lang ni Maxxine ang mga gamit, nakalayo na ang lalaki.

"Ayaw mo man lang magpabayad," pahabol na niyang.

"Salamat lang okay na," sagot ng lalaki bago tuluyang pumasok sa sasakyan.

"Salamat sa tulong." Ngunit hindi na narinig ng lalaki ang kanyang pasasalamat.

Nakahinto pa rin ang sasakyan ng lalaki. Tila ba hinintay din maunang umabante ang kanyang sasakyan. Dahan dahang nakalayo na siya ng napansing niyang nasa likod niya pa rin ito at walang balak mauna. Kung kaya pinatulin na ni Maxxine ng bahagya ang pagmamaneho.

"Sino kaya siya? Kaklase ko kaya noon? Bakit naman halos ayaw ipakita ang mukha? Hinuhulaan nga sana niya pero wala siyang ideya talaga.

"O Mang Tonio, bakit kayo ang nagbukas ng gate. Nasaan na ba si Randy," nag-aalalang tanong ni Maxxine. Tinutukoy niya si Randy ang apo ni Mang Tonio na dati pang care taker ng kastilyo.

"Katulong ni Letty sa kusina." sagot sa kanya.

Inabante na ni Maxxine ang sasakayan papasok. Ipinarada ng maayos at bumaba na. Napansin niyang nakatitig pa rin sa kanya si Mang Tonio.

"O bakit ho may sasabihin po ba kayo sa akin?" nagtatakang niyang tanong.

"Nagkita na ba kayo, iha?

"Sino ho bang tinutukoy niyo?" kunot noong tanong uli ni Maxxine.

"Yong sasakyang nakabuntot sa iyo. Napansin mo ba?

"Ah iyon ba tinulungan nga po akong magpalit ng gulong dahil nawalan ng hangin yong nasa likuran. Pero hindi ko masyado namukhaan. Naka salamin at naka sumbrero pa. Ewan, kung anong trip noon wala namang araw." Tamang wala hh bb ideya sa gustong sabihin ni Mang Tonio.

"Si Fernan iyon. Paminsan minsan pa iyang pumupunta rito dahil may lote pa silang kapirasong pa sila sa duluhan. At ang balita ay ibebenta na na rin," kuwento ni Mang Tonio.

Napalunok ng laway si Maxxine sa narinig. Hindi niya maipaliwanag ang laman ng kanyang puso't isipan. Naninigas ang kanyang panga tanda ng panggigil. Handa na nga kaya siyang makaharap si Fernan.

"Ganun ba, Mang Tonio. Hindi eh paano ko naman siya makilala sa ginawa niyang porma. Sa kadilimaan ay nakasalamin pa." Kunyaring hindi apektado ang pakitang tao asal ni Maxxine. Ayaw niyang mahalata ni Mang Tonio ang kahit ano mang reaksiyon. Gusto niya ang parang wala lang.

"Wala ka bang nawawala maari mong hanapin kay Fernan?" Isa pang tanong ni Mang Tonio na nabigla si Maxxine.

"Ha eh, Mang Tonio may ibig sabihin po ba kayo." Palaisipang hindi niya kaagad masagot.

"Ah sige iha, wag mo nang sagutin ang huli kong tanong. Balewala yon," dugtong pa ng matanda.

Pumasok ka na sa loob at nakahanda na ang pagkain sa mesa. Kanina ka pang hinintay ni Letty. Hindi na mapakali si Maxxine. Sa kanyang pakiramdam may makukuha siyang impormasyon kay Mang Tonio. Hahanap siya ng magandang buwelo para makausap ng masinsinan ang matanda. Sana nga may maisagot ito sa kanya.

"Anak halika ka na sabay na tayong lahat sa hapunan. Tinutukoy ni Aling Letty ang lahat ng mga kasambahay. Pati na rin ang mag lolo na si Randy at Mang Tonio.




Love Beyond Infinity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon