Chapter 22 Pangako

127 4 0
                                    

Chapter 22

"Good morning Fernan!"

"Good morning Xandra!"

Masayang bati ni Maxxine sa kanyang mag-ama. Nilibot niya pa kasi ang loob ng kastilyo sa paghahanap sa dalawa. Sa hardin niya ito nakita na nagkukwentuhan matapos kumain ng agahan. Itinanong niya kay Randy kung saan ang kanyang mag-ama.

"Good morning too mom!"

"Good morning Maxxi!"

Umagang-umaga kitang kita na ni Maxxine ang lungkot sa mga mata ni Fernan.

"Ano na ba ang iyong pasya?"

Nais na kagad ni Fernan pag-usapan ang pagsama niyang Canada sa kanyang ama.

"Pwede bang pag-isipan mo muna 'yong pag-alis na yan," mariing payo ni Fernan.

Ang totoo kasi hindi niya lang diretsahang masabi kay Maxxine na ayaw niya. Para sa kanya hindi mabuting malayo sila isa't isa. Paano na lang ang mga pagkakataong mabuo uli sila bilang isang pamilya. Para lang isa itong paraan na mapalapit siya kay Harris ang lalaking nag-aabang ng atensyon.

"Hindi naman siguro si Harris ang dahilan ni dad kundi ang kanyang mga negosyo na nais niyang matutunan kong pamahalaan." pinagpipilitang katwiran ito ni Maxxine.

"The chance of losing you is all I'm worrying." malungkot na sabi ni Fernan.

"So, hindi ka ba pumapayag? Ganun ba ang gusto mo lang sabihin?"

Hindi na umimik si Fernan, sino nga ba siya para tumutol. Para sa kanya masakit na umalis si Maxxine dahil parang naipagpalit sila ni Xandra sa buhay na naghihintay para sa

Nasa kastilyo na silang mag-anak. Masinsinan silang nag-uusap sa hardin. Natapos na ang maghapong swimming at pamamasyal nila sa isla. Isang umagang kay ganda na naman para sa kanila.

Wala ng gustong sabihin si Fernan. Ayaw niya rin na magiging kontrabida sa mga plano ni Mr.William Davis. Gusto niyang hindi aalis si Maxxine dahil pinili sila ni Xandra. Niyakap niya na lang si Maxxine. Kinulong niya ito sa kanyang mga bisig. Wala na siyang pakialam kung may makakita.

"Natatakot akong mawala ka sa amin ni Xandra. Sanay nauunawaan mo ako. Ikaw pa rin ang masunod pagdating sa desisyon na 'yan. Mahal na mahal kita Maxxi," kasabay ang humigpit pang mga yakap ni Fernan.

"Gagawa ako ng paraan na mabilis kayong makasunod sa akin doon. Okay ba 'yon sa'yo?" pangakong sabi ni Maxxine.

Buntong hininga ang isinagot ni Fernan. Wala na nga siguro siyang magawa kundi ang manalig sa pangako ng babaeng kanyang minamahal at mamahalin pa.

Ayaw rin ni Fernan iwanan ang kamymag simpleng buhawly. Maari man siguro.siya sumunod doon pero hindi sa kanyang permament visa kundi ang isang tourist visit lang.

"Mom, I wanna have more days with you. But you are leaving soon." Malungkot ang mga mata ni Xandra.

Isa ito sa kahinaan ni Maxxine. Nag-umpisa pa lang ang paglapit ng loob ni Xandra sa kanya saka naman siya lalayo. Nalungkot siyang bigla.

"Of course baby, we can still have more days of fun together." sagot niya sa anak.

Napatingin si Maxxine at Fernan sa anak. Nakapag-isip isip si Maxxine kung paano nga pala niya ipaliwanag sa anak na maiwan muna sila ng kanyang ama.

Nakasakay na ang mag-ama. Susulong na sila sa biyahe papuntang siyudad.Mabigat sa kanyang pakiramdam ang aalis na naman sa kastilyo. Tahimik na sumakay sa likod ng driver's seat si Xandra. Pinapaandar na rin ni Fernan ang makina hinahanda sa malayuang biyahe.

Kumatok pa sa bintana si Maxxine. May nais pang sabihin sa kanila. Kaagad itong pinagbuksan ni Fernan dahil alam niyang importante ang sasabihin.

"Pwede pa bang magpahintay sandali?"

"Are you going with us mom." Halos hindi makapaniwalang turan ni Xandra.

"Kahit matagal hihintayin kita." Nabuhayan ng loob si Fernan sa narinig. Napangiti siyang mag-isa. Sasama sa kanila si Maxxine.Inihatid nila itong kastilyo ngunit sasama na namna uli sa kanila.Hindi niya alam kung ilang araw itong magtagal na kasama sila. Napag-isip-isip ni Maxxine na ilang araw na lang din aalos na siyang pinas. Magbibilang pa ng maraming araw bago pa niya makasama uli.

Sanay naman si Maxxine sa malayuang biyahe pero bakit sa daan sobrang nahilo siya. Nakadalawang hinto pa sila para lang bumaba siya at sumuka. Kaya pagdating kaagad sa bahay ni Fernan sa kuwarto kaagad ang diretso niya upang magpahinga.

"How about warm water?" Nagpumilit si Fernan na lagyan kahit ano muna ang kanyang tiyan. Nag-alala sa kanya na ayaw man lang kumain kahit bago matulog.

"Okay sige warm water iinom ako," nanghihinang sagot ni Maxxine.

"Natutuwang pinagmamasdan ni Fernan si Maxxine habang natutulog sa kama. Nakangiti pa kasi ito habang nasa kanyang kasarapan ng tulog.

"Sana nga buntis ka na lang at nang hindi mo na magawang lumayo pa sa akin," nagsasalita siyang mag-isa.

Maingat niyang inilapag sa lamesita ang dala-dalang pagkain at tubig. Gigisingin niya ito dahil alas diyes na ng gabi hindi pa nakakain. Isang maalab at matamis na halik ang iginawad niya sa labi ng natutulog niyang mahal.

"Gising ka muna kain ka kahit konti. Di ba sabi mo kanina iidlip ka lang. Ngayon na lang kita ginising pinatulog ko muna si Xandra," bulong niya sa tainga ni Maxxine.

"Huu uuh!" Unang reaksyon Maxxine habang bahagyang inuunat ang katawan.

"Baka sumakit naman ang tiyan mo sa gutom. Nagsusuka ka na nga kanina, hindi ka pa nakapag hapunan," nag-alalang turan ni Fernan.

"Sige babangon ako," sagot nito sa kanya.

Nakakain naman si Maxxine ng konti. Nawala na rin 'yong pag-aalala ni Fernan. Isa isang inililigpit nito ang mga pinagkainang nasa lamesita.

"Ang ganda ng ngiti mo kanina habang natutulog. Maganda siguro ang iyong pananginip," masayang sabi n Fernan.

"Oo nga nanaginip pala ako. Nasa tabing-dagat ako nakapatong sa malaking bato at may biglang itim na isdang malaki na tumalon sa akin. Hindi ko akalain na masalo ang isda. Sobra ang tuwa ko na hindi man lang ito naglilikot habang nakalagay sa damit ko. Sa laylayan ng aking damit ako nakahawak haba ng tinititigan ko sa mata ang isda, nakatingin din sa akin ito. May ibig sabihin kaya iyon," biglang napatanong si Maxxine.

"Ang kuwento ng kaibigan kong chinese fish is fortune and goodluck. At dahil maitim na isda it also mean you are going to give birth a son," Napahagalpak sa tawa sa sarili si Fernan.

"Huh! iniinis mo naman ako. Seryoso akong nagtatanong," nagtatampong sabi ni Maxxine.

"Iyan nga ang kasabihan ng mga intsik. O di ba buntis ka kaya magkakalaki na rin ako," patuloy pang natawa si Fernan sa sobrang saya.

"May maging dahilan na upang hindi mo ako lalayuan," bigla itong napasok sa isip niya.

Samantalang natawa na rin si Maxxine sa kasiyahang nakita niya kay Fernan.





Love Beyond Infinity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon