Chapter 11
Pagkatapos ng maraming taon naging katotohanan para kay Maxxine ang kanyang kutob. Buhay nga ang kanyang anak. Maari na niya itong yakapin. Iyon nga lang ay kung ang isang Alexandra del Carmen Palma ay gugustuhin pa ang yakap ng isang matagal ng nawalay na ina.
Pinakamasakit na nararanasan ng isang inang ang hindi kinikilala ng anak. Dahil nalason ni Senyora Amelia ang isip ni Xandra malabong kilalanin nito si Maxxine bilang kanyang ina.Kahit walang kasalanan si Fernan sa nangyari naroon pa rin ng galit ni Maxxine. Ganun pa man nagawa pa rin naman ni Maxxine ang magpasalamat kay Fernan.
"Wala na si mommy. Naihatid na namin sa huling hantungan kahapon. Iyon na ang pinaka malungkot na sandali para kay Xandra. Humiling pa si mommy ng huling kahilingan ang makausap ka. Nais niyang ihingi ng tawad lahat ng mga nagawa niya sa iyo. Pero nahuli na ang lahat pumanaw na siya. Hindi ko alam kung paano makakabawi sa mga kasalanang nagawa sa iyo ng aking ina." Halatang malungkot din si Fernan habang nagkukwento.
Nagulat si Maxxine sa kanyang narinig. Hindi man lang nabanggit ni Fernan ang pagkakasakit ni Senyora Amelia. Alam niyang masakit ito para sa anak na si Xandra. Patay na si Senyora Amelia ang babaeng dumurog sa kanya ng husto. Ang babaeng naglayo ng kanyang anak. Walang salitang nais lumabas sa kanyang bibig. Dahil wala na siyang dapat sabihin tungkol sa ina ni Fernan. Maging masaya na lang siya dahil na sa kanya na si Alexandra o Xandra kung tawagin.
"I will only stay here in one conditon," matigas na tonong sabi ni Xandra.
Bigla itong sumabat sa usapan. Papalapit pa lang ito sa kanila, ang angas na ng aura. Ayaw nitong tumira sa bahay na kasama ang ina. Halatang mahihirapan si Maxxine sa pagkuha ng kalooban ng anak.
"Alexandra! You will stay here without any condition," mariing banggit ni Fernan. Dahil siya ang iyong ina," dagdag pa nitong sabi sa anak.
"Yes, dad but you will stay here too. I can't live here without you, that is my only condition. Whether you like it or not." Nakairap pa itong tumalikod sa kanila.
Ale....xandra!" pahabol pa itong tinawag ni Fernan. Ngunit hindi na siya pinakinggan.
"Hayaan mo muna, Fernan", saway ni Maxxine. Nakita niyang na stress na ito sa pagka spoiled brat ng kanilang anak.
"Hindi mo na kailangan sundin ang condition ni Xandra. Hayaan mo, pa sasaan ba at masasanay din yan," ani ni Fernan.
"Mahirap talaga siguro para kay Xandra ang mag-adjust. Pwede bang tumira ka rin muna dito para kay Xandra," nakikiusap na sabi ni Maxxine.
Gustong isipin ni Fernan na ang pagtira niya sa kastilyo ay paraang makakabawi kay Maxxine. Ang tulungan niya itong mapalapit ang loob ni Alexandra. Ngunit paano nga pala ang puso niyang mahal pa si Maxxi. Alam niyang ang layo na ni Maxxine sa dating si Maxxi.
"Pwede ko naman siyang madalas puntahan dito, Maxxi."
"I insist, Fernan. Sanay mapagbigyan mo ako."
Ibig mang tumanggi ni Fernan pero wala na siyang magawa. Pagbigyan niya si Maxxine sa pakiusap nito. May katigasan talaga rin ang ulo ni Alexandra ugaling laos dahil sa kanyang lola.
"Sanay hindi ka nagkakamali sa iyong naging desisyon anak. Sana lang makakatulong ang pagtira ni Fernan dito para mapalapit ang loob mo sa iyong anak. Baka naman kasi hnagga't nandito ang kanyang ama hindi mo makuha ang kanyang atensyon," mahabang turan ni Aling Letty.
"Gusto ko lang mapalapit kaagad ang loob niya sa akin," sagot ni Maxxine sa ina.
Masinsinan ang pag-uusap ng mag-ina sa veranda. Ang mag-amang Alexandra at Fernan ang kanilang pinag-uusapan. Walang tutol sa desisyon ng anak si Aling Letty. Ayaw lang niyang ulit makita ang mga pagluha noon ni Maxxine.
May humintong sasakyan sa harap ng tarangkahan. Nakita nilang tumatakbo si Xandra papunta roon. Nagkatinginan silang ang mag-ina.
"Malamang ang ama niya na ang dumating," hulang sabi ni Aling Letty.
Mula sa araw din na yon doon na titira si Fernan. Sumalubong na rin si Maxxine sa tarangkahan. Si Aling Letty naman ay nagpuntang kusina.
"Thank you dad." Yumakap sa ama si Xandra.
"You should say thanks to your mom too," ani ni Fernan.
Lumingon lang si Xandra at tumitig kay Maxxine. Mabuti na lang at hindi na ito nakairap pa. Malaking dahilan na sa puso ni Maxxine para sumaya. Alam niya makukuha din niya ang loob ng anak.
Pilit pigilin ni Fernan ang sarili. Nais niya ng hawakan ang kamay ni Maxxine. Pero ayaw niyang isipin na sinasamantala niya ang pagkakataong naroon siya nakatira.
Mabilis natapos ang maghapon. Naroon lang si Maxxine sa isang gilid masayang pinanood ang mag-ama habang naglaro sa hardin. Magkaharap uli sila sa hapunan magkatabi pa din sa hapag kainan ang mag-ama. Bumibigat ang kalooban ni Maxxine pero hindi siya susuko handa siyang maghintay.
"Pwede ba akong matulog kasama mo dito sa iyong kuwarto anak," tanong ni Maxxine kay Xandra.
Tango lang ang isinagot ni Xandra. Pinatuloy naman siya sa loob ngunit lumabas din ito. Pagbalik nito kasama na ang kanyang daddy.
"O your mom is here, may katabi ka naman na pala sa pagtulog." Umaatras na si Fernan.
Wala na itong balak tabihan sa pagtulog ang anak. Nakita na siya ni Fernan na nakapwesto na sa kama. Nais din talaga ni Fernan na magkatabi silang mag-ina.
"No dad sleep her with us please," nakiusap na sabi ni Xandra.
Lumingon pa ito sa ina na tila ba humihingi pa ng pahintulot. Ayaw din ni Maxxine na magmukhang kontrabida. Simpleng ngiti at tango ang iginawad ni Maxxine.
"Okay baby pero ako ang magsasabi ng tamang pwesto natin sa higaan," sagot ni Fernan sa anak.
Nasa gitna na nila ang anak. Ilang minuto lang nakatulog na kaagad si Xandra. Nakapikit na rin si Maxxine na kunyaring tulog. Habang pasimpleng hinawakan ni Fernan ang kanyang kamay. Wala ng magawa si Maxxine kundi ang ipagpatuloy ang pagkukunyaring tulog. Tuluyan ng hindi mapigil ni Fernan ang pagkakataong hipuin pa ang pisngi ni Maxxine. Nahirapan siya sa kanyang pagpanggap. Kaya naidilat na niya ang kanyang mga mata.
"Sorry, sorry," taos sa pusong sambit ni Fernan.
"Kung kaya ko lang sanang magpanggap eh. Sana nagtulog tulugan na lang ako," mga salitang hindi masabi ni Maxxine.
Wala ng reaksyon na ginawa si Maxxine. Sa halip pumikit na ito. Ayaw niyang magbigyan ng kahit na ano mang senyales na magbibigay kahulugan na nagustuhan niya ang ginawa ni Fernan.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Infinity (COMPLETED)
RomanceAyan kasi nagmamaganda kung hindi naman siya nalahian, eh di kamukha din siya ng nanay niyang bilugan ang mata." "Siya yong dating maganda na kasalukuyang nagnaknak na sa kagandahan." "Kadiri yong nasa kanyang mukha no!" "Ay naku basta mukha ko maki...