Chapter 13 Bitin

145 2 0
                                    

Chapter 13

Mahimbing na nakatulog din si Maxxine. Nakangiti na tinitingnan ito ni Fernan. Sa totoo lang malapit na siyang sumuko. Gusto niya ng sabihin sa sarili na wag na siyang umasa. Mahirap masaktan sa dulo ng pag-asa kasing nipis ng sinulid. Malayo na si Maxxine sa dating si Maxxi. Hindi niya na makuhang muli ang pag-ibig nito. Pero napangiti siya na inisip na maari pa pala. May isa pang pagkakataon upang madugtungan ang kanilang kahapon. Ang suyuin pa ito at huwag tumigil at maalala nito ang dati nilang pag-ibig. Naramdaman ito sa buong gabi nasa loob sila ng isang kuwarto kasama ang anak.

Maliwanag na sa labas nang napasilip si Fernan sa bintana. Hindi na siya muling nakatulog. Naging mailap na sa kanya ang antok. Dilat ang kanyang mga mata na para bang araw sa tanghaling tapat. Napuno ng pagbabalik tanaw sa kahapon ang kanyang isipan. Naging abala itong balikan ang magagandang alaala nila nila ni Maxxi.

"Good morning dad," bati ng kagigising na si Xandra.

"Good morning too. Pssst!" Sinenyasan ang anak. Don't talk, she's still sleeping," dugtong pa ni Fernan.

Niyakap at hinahalikan sa noo si Xandra. Damang dama pa rin niya ang mga yakap ni Maxxine.

"You smile sweet dad. I guess you had a nice dream," nakangiting hirit din ni Xandra. Pabulong nitong binibiro ang ama.

"Yes a very sweet one, baby. I need to bring you to the kitchen. So you can eat breakfast early.

Salitang english na ang nakasanayan ni Xandra dahil sa ibang bansa na ito lumaki. Pero nakakapgsalita na rin ito ng matatas at nakakaintindi ng salitang tagalog. Dahil naka isang taon itong umuwi dito sa bansa kasama ang kanyang mommy Amelia na may taning ang buhay hangga't sa ito ay pumanaw na.

Nalimpungatan si Maxxine ng gising. Inaabot na kasi siya ng talim ng sinag na araw galing sa nakaawang na kurtina sa bintana. Napatingin siya sa pinto kung saan nakatayo si Fernan na ilang minuto na pala siyang tinitingnan. Nakalihis at tanggal na ang butones ng kanyang blousang pang itaas na pantulog. Pati na rin ang kumot na kabila na lamg ng kanyang hita ang natakpan. Nakalihis pa ang short short niyang manipis ka terno ng kanyang blousang pantulog.

"Kanina ka pa ba dyan?" tanong nito kay Fernan. Matapos niyang
magtakip uli sa sarili ng kumot.

"May ilang minuto na rin. Pinigil ko na ang sarili ko hanggang dito sa pinto dahil hindi ko na kayang lapitan ka dyan. Lalo lang akong maanod sa tukso." makahulugang sagot nito kay Maxxine.

Napahiya si Maxxine sa narinig. Itinago niya na pati ang kanyang mukha. Ayaw niyang makita ni Fernan na napangiti siya sa kanyang narinig.

"Nasaan na ba ang bata," tanong ni Maxxine.

Tinutukoy ni Maxxine ang kanilang anak na si Xandra. Wala na rin kasi ito sa kanyang tabi.

"Nasa kusina kumakain na. Bumalik ako rito dahil pinasasabi ni inay....ng nanay mo na mag almusal ka na rin kasabay namin." Halatang naliligaw na ang pagtatawag ni Fernan ng inay sa nanay ni Maxxine.

Lalong napapangiti si Maxxine sa ilalim ng kumot. Masaya ang kanyang gising para bang isa itong panaginip lang sa buhay niya.

"Tumayo ka na dyan para sumabay sa amin ng almusal. Dahil kung hindi ka pa tatayo isasara ko na itong pinto at tatabihan na kita dyan sa higaan," birong sabi ni Fernan.

Ang bilis ni Maxxine na nakatayo mula sa kama dahil sa sinabi ni Fernan. Gusto pa sana niyang mag-unat ng katawan sa higaan.

"Susunod na ako, sige mauna ka na," sagot ni Maxxine.

"Sabay na tayo, gusto kong kasama ka doon sa kusina." Halata sa boses ni Fernan ang pagkakailang kay Aling Letty sa hapag kainan.

"Okay sige pero lumabas ka na muna. Doon mo na ako hintayin sa labas." Tumalikod si Maxxine para iaayos ang sarili. Ibig nitong ikabit ang hook na kanyang bra na tinanggal niya bago natulog.

Hindi niya na napansing nasa likod niya na si Fernan. Naisara na nito ang pinto ng wala man lang nalikhang ingay. Nababasa na niya ang mga nangngusap na titig nito. Nang-aakit at tukso talaga ang hatid sa kanya. Para itong kusang dinadala ng kanyang mga paa papalapit sa kanya.

Tamang lingon ni Maxxine paharap sa pinto upang lumabas na nang madikit sa mukha niya ang mukha ni Fernan.

"Maxxi..!

Isang malagkit na titig mula kay Fernan. Hindi makaiwas si Maxxine sa mga titig nito. Parang siyang yelo unti-unting matutunaw.

"Tara na! nagyayang sabi ni Maxxine. Ibig na niya itong yayaing lumabas at sumabay kumain ng almusal. Tiyak kasi niyang naghihintay ang kanyang inay Letty.

Naroon na naman ang tukso sa paligid ng dalawang pusong mahal pa ang isa't isa. Naramdaman na ito ni Maxxine habang papalapit pa ng hakbang sa kanya. Sa kanyang palagay ilang hakbang lang niya paatras nasa kama na siya.

"Fernan!" mahina niyang sambit.

Hindi na naawat ni Maxxine ang nag-aalab na halik ni Fernan. Sa halip mainit niya pa itong tinugunan. Basta ang ligaya niyang naramdaman ay kakaiba. Nabura ang lahat na nasa kanyang mga alaala. Pumalit ang alaala noong unang magkasama sila noon sa dampa malapit sa dalampasigan. Wala na iyong mga luhang madalas na kasunod na umaagos noon sa tuwing naalala niya ang pag-ibig kay Fernan. Malayang nakalakbay sa kanyang dibdib ang kabilang kamay ng binata. Banayad na pisil at himas ang ginawa nito. Hindi na rin ito nasusupil ni Maxxine dahil gusto niya ang ginagawa ni Fernan. Inihiga na siyang pabalik ni Fernan sa kama nang may ingay mula sa pinto.

"Knock Knock Knock
"Dad....why are you still inside? Granny says let's all have our breakfast together," boses ni Xandra sa labas ng kuwarto.

"Yes baby, we are going out." Mabilis na pumuntang pinto si Fernan.

Mabilis namang naiayos ni Maxxine ang sarili na parang wala.
Napangiti na lang siya sa mga nangyayari. Hindi naman siguro pa tamang pagkakataon para sa mga bagay na hindi pa talaga dapat mangyari. Inilihis na ni Maxxine ang kanyang tingin. Ayaw niyang magkasalubong pa sila ni Fernan. Naasiwa at tila nakakatunaw pa ang mga titig nito.




















Love Beyond Infinity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon