Chapter 18 Panaginip

121 6 0
                                    

Chapter 18

Bawat umaga ay isang araw na kay saya para kay Fernan. Ang gumising na sa pagdilat ng kanyang mga mata nakabungad na ang kanyang mag-ina.
Nagbago ito noong dumating ang ama ni Maxxine. Hindi na pwede na magkasama sa iisang kuwarto. Ilang gabi na ring hiwalay na siyang natutulog. At ilang araw na niyang nakíkita ang masyado pagdidikit ni Harris kay Maxxine. Para bang nanadya pa itong pagselosin siya. Hindi na nga siguro siya makatagal sa ganoong kalagayan. Ang magmukhang bisita na lang sa kastilyo. Malinaw pa sa kanyang alaala ang mga malagkit din na titig ni Harris sa babaeng mahal niya. Napakasakit para sa kanya na parang wala namang ginawa si Maxxine upang huwag siyang masaktan.

Lumingon pa siya ng huling lingon sa sulat na kanyang ibinaba sa gilid ng lamp shade. Pumasok siya sa kuwarto kung saan naroon ang kanyang mag-ina parehas na mahimbing pang natutulog. Palipat lipat niya itong tinitigan. Buo na ang kanyang desisyon aalis na siyang hindi magpaalam kay Maxxine dahil tiyak niyang hindi ito papayag. Malamang mahirapan siyang umalis kung magising pa si Xandra.

"Alam kong sa gagawin kong pag-alis ay masasaktan ka. Aalis lang ako ng kastilyo pero hindi sa puso mo Maxxi. Mahal na mahal kita, siguro nga kailangan ko lang bumalik sa totoong buhay. At maintindihan na hindi ka pa lubusang akin. Hindi ko pa pwedeng sabihin na ikaw ay akin na dahil pwede pang mag-iiba ang iyong buhay. Basta iyo lang tatandaaan na ikaw pa rin si Maxxi na minahal ko noon at si Maxxine sa mamahalin ko pa bukas.

                                                    Fernan

Lalaki man ay may kahinaan din. Babae ang higit na kahinaan ng isang lalaki buong pusong nagmamahal. Medyo malayo na ang itinakbo ng sasakyan ni Fernan. Mahigit isang oras na siyang nagmamaneho mula sa daungan ng barge. Galing ng La Isla Trinidad isinakay pa sa barge ang bawat sasakyan para maitawid sa dagat.  Tumatakbo ang sasakayan habang nakikipag karera din sa tulin kanyang pagmamaneho ang paglipad ng kanyang isip. Gusto gusto niyang tawagan si Maxxine ngunit kailangan niyang panindigan ang pag-alis. Nagpaalam din naman siya kay Aling Letty at sa ama nitong si William na naroon sa sala ng siya ay paalis na.

"Alam ba ni Maxxine o kaya ni Xandra amg desisyon mo na iyan, Fernan." Naniniguro lang si Aling Letty sa kanyang tanong.

"Oho alam niya po Aling Letty," magalang niyang sagot.

Kampante si Aling Letty. Ang alam niya ay napag-usapan na ni Maxxine at Fernan ang pag-alis nito sa kastilyo. Nagsinungaling lang si Fernan para mapabilis ang pagsagot niya sa ina ni Maxxine. Baka kasi maabutan siya sa pagkagising ni Xandra at Maxxine. Napahinto si Fernan sa isang tabi at isinubsob ang mukha sa manibela. Naalala niya pa ang mukha ni Aling Letty na nag-alala na baka walang alam si Maxxine sa kanyang pag-alis. Ang alam niya tama ang kanyang ginawa. Sana nga lang maintidihan ito ni Maxxine. Uuwi sa kanyang bahay si Fernan sa siyudad. Mag-iisa siya roon dahil wala na si Senyora Amelia. Pati ang kanyang ama ay matagal na ring namayapa. Muli pa rin naman.

"Hello Xandra 'wag ka ng umiyak. Tahan na anak, bibisitahin naman kita dyan," pangakong sabi ni Fernan sa anak.

"Da..d!  bumalik ka dito."  Kasabay ang pang-atungal nito ng iyak.

Naghestirya na si Xandra buhat ng nagising at nabasa ang sulat ng ama. Ayaw na ayaw nitong hindi siya kasama.

"Hindi mo man lang naitanong sa akin ang desisyon mong pag-alis. Para namang balewala sa iyo ang tungkol sa atin. At saka hindi mo man lang inaalala si Xandra.  Tiyak mo namang hindi pa niya maintindihan kung bakit kailangan mong umalis."  Sa text messages na lang niya nabasa ang mga nais  iparating sa kanya ni Maxxine.  

Gusto ni Fernan pagalitan  ang sarili. Alam niyang sama ng loob na naman ang naidulot niya sa puso ni Maxxine. Ngunit paano mga ba naman siya makatagal na panoorin din si Harris na parating dumidikit sa babaeng minamahal niya.

Matamlay na pumasok sa kanyang silid si Fernan. Walang makausap, buhay na  nag-iisa siya. Kailangan na niyang masanay. Napagod siya sa halos  maghapong biyahe. Pagod na ang katawang lupa pagod din pati ang kanyang puso. Kaagad siyang humiga  na sa kama upang makapagpahinga ng maaga.

"Toot! Toot! Toot! Tunog ng buzzer sa labas ng gate. May kalakihan din ang bahay kaya kailangan pang may busser sa labas upang malaman na may tao sa gate. Dali-daling tumayo si Fernan sa pagkakahiga. "Sino naman kaya ang andyan sa gate?" nagsasalitang siyang mag-isa. Ganun pa man nagtungo pa rin siya sa gate kahit wala naman talaga siyang inaasahang bisita. Nagulat siya sa kanyang nakita. "Maxxi! Paano kang nakarating dito?" nagtatakang niyang tanong.  "Siyempre, nagtanong tanong ako,"  mabilis nitong sagot sa kanya.  "Pwede mo ba akong patuluyin muna," dugtong na sabi pa ni Maxxine. "Ah oo naman," sagot ni Fernan. Kahit siya makapaniwala wala na siyang kundi ang maniwala na lang dahil naroon nga sa kanyang harapan ang babaeng kanyang inasam ng makasama hanggang sa dulo ng kanyang buhay. Dire-diretso pa ito sa kanyang silid na para bang hindi nag-alinlangan man lang. Nagkamot ng ng batok si Fernan. Nagtataka sa asal na nakikita kay Maxxine. Ngunit wala siyang magawa, si Maxxine mismo ang kusang naghatid sa kanyang sarili kung saan pwede sila parehong matukso. Nakasandal lang muna siya sa pintuan ng kanyang silid. Lumapit pa ito sa kanya. Isinara ang pinto at inakay siyang papuntang kama. Hindi na niya nakuhang magtanong pa. Palay na ba ang lumalapit aa bigas. Ayaw niyang isipin ang ganoon. Mahal niya si Maxxine hindi katulad sa mga babaeng nagdaan din sa buhay niya. Para sa kanya sila 'yong mga babaeng pag magdamagan lang hindi ang katulad ni Maxxine. Iginagalang niya ito ng buong puso. Kahit ihain pa nito ang sarili sa kanya. Hindi pa rin maging dahilan sa pagbaba ng kanyang pagtingin sa pagkababae nito. "Maxxine," mahinang sambit ni Fernan.  Mahigpit niyang  niyapos ang unan at unti-unting idinilat ang kanyang mga mata. Isang masarap panaginip lang pala na ayaw sana niyang maputol.








 

Love Beyond Infinity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon