Chapter 9
"Maxxi hindi ko sukat akalain na kaya mong gawin iyon. Ako itong dapat magtanggol sa iyo pero ako 'tong walang nagawa. Salamat, salamat," maluha luhang pasasalamat ni Fernan .
Hindi maipinta ang mukha ni Maxxine sa kirot na kanyang
naramdaman sa braso. Nag-umpisa na naman itong dumugo."Kailangan mahanapan natin ng paunang lunas yan. Kahit dahon dahon ng halaman lang. Magdamag ka ng nilagnat dahil dyan."
Mabilis na nakalayo si Fernan naghahanap siya kahit dahon ng ligaw na bayabas. Pwede na ang katas ng mga usbong nito gawing panglinis sa kanyang sugat.
Ang alam niya, galit siya kay Fernan. Nais ng kanyang puso ang maghiganti. Pero bakit nga ba nagawa niya pang íligtas ito. Naiinis na si Maxxine sa kanyan sarili. Marami siyang dapat itanong sa binata ngunit bakit ba parang ang hirap simulan kung kaharap na niya si Fernan.
"Maxxine huwag ka ng hangal. Wala na si Maxxi na nagmahal kay Fernan. Alalahanin mo ang ginawa nila sa'yo." Mga bulong na namumuo sa kanyang isipan. Pinipilit ni Maxxine na isantabi ang dating pag-ibig niya sa binata.
"Huh! Aray napakasakit! kagat-labi tiniis ni Maxxine ang kirot. Nilanggas ito ni Fernan sa pinagkuluang dahon ng bayabas. Gusto pa sanang tanungin ni Maxxine si Fernan kung paano siya nakagawa ng apoy. Ayaw niyang magbibigay daan sa kanila ang isang simpleng tanong para mag-usap pa.
"Kanina ka pang walang imik. Ayaw mo na ba akong kausapin. Mabuti pa noong mga nakatali tayo kinakausap mo pa ako. Ngayong okay na ang lahat ilang oras na lang may susundo na sa atin para makaalis dito," may tampong ang tono ni Fernan.
Nag-uumpisang sumikip ang dibdib ni Maxxine. Bumalik sa alaala ang mga hindi makain ng asong mga salita ng ina ni Fernan. "Ang kasalanan ng ina a hindi kasalanan ng anak Maxxi," bulong ng kanyang konsiyensya.
"Gusto kong malaman mo na walang nagbago sa akin. Ikaw pa rin ang nandito," ani ni Fernan. Itinuro sa dalaga ang nasa kanyang dibdib. Hindi kita nakalimutan kailanman. Kung kaya ko lang sanang ibalik ang kahapon ginawa ko na. Hindi kita nagawang ipaglaban noon. Kaya nakakahiya man pero umaasa ako na sanay may isang pagkakataon pa para sa atin." Nakayukong hawak-hawak ni Fernan ang kamay ng dalaga. Isinubsob pa niya ang mukha niya sa mainit na palad ni Maxxine.
Lumaya ang mga luha ng dalaga. Ayaw niyang makita ni Fernan ang pagbagsak ng kanyang luha pero parang manipis na papayang nasugat ang kanyang mga mata.
"Napakasakit ang ating mga kahapon Fernan, ayaw ko ng balikan." Hindi na naitago ni Maxxine ang nararamdaman.
"Ang lahat naman ay pwedeng baguhin. Ang nangyari noon ay hinding-hindi na mauulit. Natuto ng mangako si Fernan.
Baka nga iba siya noon at iba na siya sa kasalukuyan. "Ay naku Maxxi, magaling silang mangako," bulong ng kanyang isip. "Hay naku Maxxi magpakatotoo ka at ng lumaya ako sa poot mo," sabi ng kanya puso. Nahirapan si Maxxine sa bulong ng puso at ng kanyang isip. Para tuloy bukal ang kanyang mga mata. Kusang umaahon ang mga luha niya.
"May nais akong itanong sa iyo. Sana lang sagutin mo ako ng tapat," garalgal na boses ni Maxxi.
"Nahuhulaan ko na ang nais mong itanong pero gusto ko pa ring marinig at nang maipaliwanag ko sa iyo ng tama." Malinaw na sagot sa kanya ni Fernan.
"Naroon ka ba noong araw na nanganak ako?" Hindi na sigurado si Maxxine kung tama ang paraan ng kanyang pagtanong. Bahala na ang importante maitanong niya ito sa binata.
"May anak tayo, hindi na ako magpaligoy ligoy pa.
Parang bombang sumabog sa kanyang tainga ang kanyang narinig. Ngunit pinag-iisipan niya muna ang susunod na sasabihin. Lalong naging bukal ang mga mata ni Maxxine. Para itong hindi natutuyuan ng tubig.
"Tama na sa iyong pag-iyak. Hindi ko hangad na mailihim sa iyo sana ang bata. Ngunit huli ko na itong nalaman. Naroon nga ako pero hindi ko kinuha ang bata. Tutol ako sa balak ng aking ina.
"Pero kasabwat ka, bakit hindi mo man lang nasabi. Bakit? Kung hindi ko pa natanong sa iyo. Hindi mo pa sasabihin? Patuloy ang paghikbi ni Maxxine.
"Naunahan mo lang ako ng tanong, Maxxi. Sasabihin ko na dapat pero dahil narito tayo sa ganitong sitwasyon kaya nawalan ako ng pagkakataon. Iyon sana ang dahilan kung bakit nagsadya akong puntahan ka sa kastilyo. Patuloy na paliwanag ni Fernan.
"Ang haba ng panahong nawala sa amin ng anak ko, Fernan. Paano mo maibalik ang mga panahon na iyon. Na dapat sana ay magkasama kanming mag-ina."
"Marami akong dapat ipaliwanag sa iyo. Sanay huwag mong isarado ang puso't isip mo. Para madali mong maunawaan ang lahat." Nag-umpisang mangamba ang puso ni Fernan.
"Anong klaseng paliwanag pa ba. Malinaw na kinuha niyo ang anak ko. Ipinagkait niyo sa akin na maging ina. Akin lang ang anak ko Fernan. Akin siya," humagulgol na turan ni Maxxine.
"Anak natin Maxxi." Itinuwid ni Fernan ang mga salita ni Maxxine.
Ramdam ni Fernan ang sakit na nadarama ni Maxxine. Ngunit hindi na nga niya kayang ibalik ang kahapon. Sana lang mapatawad siya ng babaeng mahal niya pa.
"Nasaan siya? Nais kung makita ang anak ko Fernan." Matigas na tonong sabi ni Maxxine.
Pinahid niya na ang mga luha sa kanyang mga mata. Naisip niya kahit papano ipagpasalamat pa din niya ang katotohanang inamin ni Fernan.
"Men hold your fire," mga boses ng mga Naval Infantry. Dumating na ang search ang rescue para sa kanila. Huli na nga ng dumating ang mga ito. Nakatakas ang ibang Somalian na kasabwat. Naiwan ang mga bangkay na nakakalat sa paligid. Isa isa itong dinampot ng mga awtoridad.
Binuhat ng medics si Maxxine. Naghihina na rin ito sa sugat na nasa kanyang braso. Ipinaliwanag na ni Fernan ang nangyari.
"Tahan na pag-usapan pa natin ang maraming bagay. Sa ngayon sarili mo muna ang intindihin mo. Maayos natin ito. Makikita mo din ang anak mo," bulong ni Fernan sa tainga ni Maxxine. Nakatulong na ito pagkatapos ng first aid at gamot pampatulog. Hindi na mapigil ni Fernan ang tumulo na ang kanyang mga luha habang tinitigan si Maxxine.
"Sanay mapatawad mo ako," bulong nito sa isip.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Infinity (COMPLETED)
RomanceAyan kasi nagmamaganda kung hindi naman siya nalahian, eh di kamukha din siya ng nanay niyang bilugan ang mata." "Siya yong dating maganda na kasalukuyang nagnaknak na sa kagandahan." "Kadiri yong nasa kanyang mukha no!" "Ay naku basta mukha ko maki...