Chapter 19
"Napakalamig naman."
Tumayo na si Fernan. Hininaan niya ang aircon na naroon sa kanyang uluhan. Lumaking siyang marangya kaya ang matulog na may umaandar na aircon ang hindi niya kayang tanggalin sa kanyang lifestyle. Ang matulog na malamig ay hinahanap hanap ng kanyang katawan. Hindi pa naman siya naghihirap pero hindi na siya ganoon kayaman katulad ng dati. Ang kayamanan meron sila noon ay nalagpasan pa ni Maxxine. Ari-arian, mga negosyo at salapi sa bangko ay tiyak niyang marami si Maxxine. Napalingon si Fernan sa malaking orasan naroon sa dingding ng kanyang silid. Mag ala sais na pala ng umaga. Nag-uumpisa ng mag bukang liwayway. Gusto pa sana niyang matulog uli pero uunahan na niya ang pagsikat ng araw. Madami siyang aasikasuhin sa bahay dahil naiwan niya itong makalat at magulo. May kalakihan nga rin ang bahay kailangan agahan niya ang mag-umpisa sa paglinis.
"Tooot! Tooot! Tooot! mahaba at malakas ang tunog ng buzzer sa labas. Ibig sabihin sadyang diniinan ito sa pagpindot.
"Ay ano ba? Bakit parang gigil na gigil naman 'yong nasa gate," nagsasalitang walang kausap si Fernan.
Kahit na medyo basa ang kanyang short napilitan siyang magmadaling pumunta sa gate. Nagma mop siya ng sahig at nagpupunas sa mga muweblessa salas. Hindi na katulad noon na may katulong sila. Kanya na rin ang trabahong bahay. May katulong sila bago namatay si Senyora Amelia ngunit pinauwi niya na ito noong nagdesisyon siyang tumira muna kila Maxxine.
Bahagya yumuko muna si Fernan at tiningnan ang kanyang maduming hitsura bago pinihit ang lock ng gate.
"Hmm bahala ka na kung sino ka man." Hindi niya na iniintindi na maging kaaya aya pa ang hitsura. Importanteng malaman niya kung sino ang nag buzzer na tila ba nagmamadali.
" Maxxi...ne! Hindi malaman ni Fernan kung paano na bangitin ang pangalan ni Maxxine. Nagulat lang talaga siya kung bakit sinadya siya ng ganoon kaaga. Alam niyang madilim pa ito umalis ng La Isla Trinidad.
"O bakit? May problema ba? tanong kaagad ni Fernan. Nakita niya sa hitsura nito na magdamag hindi nakatulog.
"Si Xandra naglayas!"
Nabuwal si Maxxine sa kanyang kinatatayuan. Mabuti na lang nasalo kaagad niya ito.
"Maxxi!" Nataranta na siya at hindi na alam kung ano ang unang gagawin.
Binuha niya ito papasok ng bahay. Mabuti na lang pansin niyang unti unti ding nawala ang pamumutla ni Maxxine. Dadalhin na sana niya itong ospital nang ito ay napapaungol pa. Nahihilo pa ito pero pinilit ng magsalita."Please be calm. Paano natin hahanapin ang ating anak kung ikaw ay hinang hina." nakikiusap at pabulong na sabi ni Fernan.
Pinunasan niya ito. Inihiga niya sa kanyang kama. Naalala niya ang panaginip. Malayo sa agresibong si Maxxi na kanyang napaginipan. Parang gusto niya ng maniwala na baligtad nga talaga siguro ang panaginip. Tinitigan niya si Maxxine habang nakatulog ng mahimbing. Nang may nag buzzer na naman sa gate. Lumingon muna siya kay Maxxine bago tuluyang lumabas ng pinto. Kailangan niyang makabalik kaagad. Bumungad sa kanya sa gate ang mga pulis.
"Kayo po ba si Fernan del Carmen Palma," tanong ng isang pulis.
"Oho," mabilis na sagot ni Fernan.
"Pwede ka ho naming mahingian ng patunay na ikaw nga," singit ng isa pang pulis.
Naintindihan kaagad ni Fernan ang gustong hingin sa kanya ng kanyang mga kaharap.
"Teka sir kukuha lang ako sa loob." Nagmadaling pumasok si Fernan. At dala dala niya na ang kanyang mga pagkakakilanlang mga I.D. Nakita niya na rin ang isang pulis na binabasa ang nakasulat sa gilid ng kanilang harapang pader. Ang malalaking letra na nakalagay "del Carmen Palma Residence."
"Kilala mo ba ang batang ito." tanong sa kanya. Kasunod na ibinaba si Xandra sa kanilang sasakyan.
"Daddyyy!" isang malakas na hiyaw ni Xandra.
"Maraming salamat sir sa inyo," taos sa pusong sambit ni Fernan.
Nakita namin siyang pagala gala at umiiyak sa downtown area kaya aming tinanong. Mabuti na lang at may isip na itong anak niyo. Natandaan niya ang buong address ng lugar niyo.
"Maraming salamat sir!" Hindi kayang ubusin ni Fernan ang salitang pasasalamat. Para lang maipahatid sa mga pulis ang kanyang taos sa pusomg kagalakan na nakauwing ligtas si Xandra. Kinawayan pa nito ng todo ang mga pulis hangga't sa nakalayo ito sa kanilang bahay.
"Xandra bakit ka ba umalis doon sa kastilyo." nag-umpisang mahtanong si Fernan sa anak.
"I told you not to leave but you did." Matalim at matigas nitong sagot.
Tumahimik na si Fernan dahil lumabas pa rin na siya ang may kasalanan.
"Iba na nga talaga ang mga kabataan ngayon,"bulong niya sa isip.
Ayaw ng mag sermon ni Fernan.Sapat na sa kanyang ligtas ang anak.Dapat na siyang magpasalamat sa Kahitaasan kaysa magalit pa siya.
"Go to shower Xandra. Clean yourself," utos nito sa anak.
"Okay dad," mabilis nitong sagot.
Pagkatapos ni Fernan nailagay sa sofa ang mga damit pamalit ni Xandra magtungo na siyang kusina upang magluto. Tiyak niyamg gutom ang anak at lalo din si Maxxine na natutulog la sa kuwarto.
" I already dried up my hair dad. I made it as quickly before you are going to tell me that I have to make my hair dry because I'm sleepy." Kabisado na ni Xandra amg mga litanya ng ama.
"Bawal maligo kung konti lang ang tulog. O kaya kung makaligo man kailangang magpatuyo muna ng buhok bago gumawa ng mahimbing na tulog," Inulit na naman itong sabihin sa anak habang sinabayan pa siya ni Xandra.
Nagkatawanan ang mag-ama. Niyakap ni Fernan ang anak sa labis na kasiyahan na nakauwing ligtas si Xandra.
"Your mom is sleeping She's at my room, exhausted and feeling so worried about you."
"Oh, sorry dad."
"You have to eat your breakfast and go to your room," utos niya sa anak.
Sinilip muna ni Fernan si Maxxine na mahimbing pa ring natutulog. Awang awa siya sa hitsura. Bakas pa din ang pag-aalala nito sa anak kahit nasa kasarapan ng kanyang mahimbing na tulog. Itutuloy muna niya ang paglilinis ng bahay. At ang paghahanda ng makakain sa kusina bago pa man magising si Maxxine sa gutom. Isa itong napakasarap na araw para kay Fernan ang makapiling ang kanyang mag-ina.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Infinity (COMPLETED)
RomanceAyan kasi nagmamaganda kung hindi naman siya nalahian, eh di kamukha din siya ng nanay niyang bilugan ang mata." "Siya yong dating maganda na kasalukuyang nagnaknak na sa kagandahan." "Kadiri yong nasa kanyang mukha no!" "Ay naku basta mukha ko maki...