Chapter 15
Gusto ng hinaan ni Maxxine ang aircon ng kanyang sasakyan. Amoy na amoy kasi niya ang alak galing sa hininga ng lasing. May kalakihan ang Mercedes- Benz Van ni Maxxine. Sa bandang likod ng sasakyan pwedeng ipuwesto ng maayos na higa si Fernan. Nakapikit si Fenan habang inaayos niya ito sa pagkakahiga. Pinasadahan niya pa ito ng tingin bago siya tumalikod. Ngunit hindi pa man din siya nakababa hinila siya nito pabalik.
"O! lasing nga ba ito, o naglalasing lasingan lang," bulong niya sa sarili.
"Baka umiyak si Xandra, nag-iisa kong iniwan 'yon sa kanyang kuwarto. Hindi ko naibilin kay inay."
Kinakausap ni Maxxine ito kahit nakapikit. Palagay niya hindi naman gaanong banginge sa alak dahil nagawa pa siya nitong hilain ayon lang sa kanyang hula.
"Dito ka muna," sabi ni Fernan.
"Si Xandra nag-iisa lang sa kuwarto. Baka umiyak 'yon sa takot," inulit pa itong banggitin ni Maxxine.
Bago pa niya masabi ang kasunod pa sanang sabihin tinabig na siya ni Fernan. Mahigpit na pagkakayakap ang ginawa nito sa kanya. Dumampi sa kanyang labi ang mariin at maalab na halik. Lumingon pa sa bintana si Maxxine. Madilim sa labas tiyak niyang hindi naman sila makikita sa loob dahil tinted ang salamin. Dahil nag-uumapaw na saya ang kanyang naramdaman naanod na nga siya sa tukso. Kakaibang sensasyon ang dahilan upang hayaan si Fernan sa kanyang ginagawa. Parang kuryenteng dumaloy sa kanyang buong sistema. Hangga't sa narinig na lang niya ang sariling kusang napapaungol. Mainit ang mga palad ni Fernan na pumaloob sa kanyang pinaka iingatang hiyas. Nakapailalaim na siya at handang isuko ang sarili kasama ang kanyang buong puso. Dahil nakapantulog lang si Maxxine mabilis ang mga nangyari. Naganap ang gusto ni Fernan.
"Uugh! uugh!
"Uugh! uugh!Dalawang pusong nagmamahalan ang nag- uunahan sa paghalinghing kasabay ang tunog ng mga kuliglig sa isang tahimik na gabi. Kapwa pawisan ang silang dalawa sa loob ng sasakyan kahit na may aircon naman.
"Maxxi..." isang malulam na sulyap ang huling titig ni Fernan bago pa ito napikit. Nakatulog na ito, hindi man lang na siya nakausap pa.
May nais pa sanang sabihin si Maxxine ngunit tinulugan na siya. Nakaramdam siya ng tampo sa nangyari. Wala man lang nasabi si Fernan bago pumikit.
"Ay, Maxxine mabilis ka rin namang bumigay. Baka bukas lang hindi pa maalala niyan ang nangyari sa inyo." panunuyang sabi ng kanyang isip.
Masama ang loob ni Maxxine na nagmamaneho pauwi. Inis na inis siya sa sarili. Parang gusto niyang pagsisihan ang mga sandaling naging masaya siya. Napansin niyang nasa gate na siya ng kastilyo. Ang kanyang ina pa ang nagbukas at kasama si Xandra....
"Nay, bakit nagising si Xandra?" nagtatakang tanong niya sa ina.
"Nagising lang ako, nagpunta akong kusina. Narinig ko siyang umiiyak kaya pinuntahan ko. Saan ka ba galing ng ganitong oras?" buweltang nitong tanong sa kanya.
"Si Fernan nasa likuran ng sasakyan inay," tipid nitong sagot.
Mabilis itong naintindihan ni Aling Letty. May kargang lasing ang kanyang anak. Binuksan ni Maxxine ang likod para makita ni Xandra ang kanyang ama. Hinayaan niyang umaandar ang sasakyan upang maiwang nakabukas din ang aircon. Iiwan niya si Fernan na tulog sa loob.
"Let's go to your room Xandra," diretsong nakatingin Maxxine sa anak habang nagsasalita.
Naintindihan ni Xandra na doon na matulog sa sasakyan ang ama. Sumunod na lang ito ng walang angal. Hanggang sa kanyang kuwarto nakasunod lang si Xandra.
"Dito ako uli sa kuwarto mo ha. Sasamahan uli kita matulog. Tabi tayo. Okay lang?" paniniguradong tanong ni Maxxine sa anak.
Tumango si Xandra tanda ng pagsang-ayon. Sumaya ang puso ni Maxxine. Pakiramdam niya unti-unti na siyang napapalapit sa anak. Nakapuwesto na sila ng higa sa kama. Nakayakap si Maxxine sa anak habang nakatingin sa kisame. Tulog na ang anak kaya hindi na siya naglikot. Bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila ni Fernan. Gusto niyang pagalitan ang sarili. Naalala niya noon si Xandra ay sa dampang hindi kalayuan sa dalampasigan nila nabuo. Doon unang may nangyari sa kanila ni Fernan. Tapos kasunod ay ang sa kotse.
"Ano ba yan Mxxine? Hindi ba pwedeng sa susunod sa kama naman. Yay! kakaiba ang mga lugar na gusto mo." Naiinis siyang lalo sa sarili sa mga alaalang nagbabalik sa kanyang isipan.
Hindi nga siya sigurado kung matandaan pa ni Fernan ang nangyari sa kotse. Nakuhang muli ng lalaking mahal niya ang kanyang pagkababae habang mataas ang tama sa alak. Gusto niya itong iyakan dahil sa sobrang inis. Sa sobrang stress kakaisip nakatulog ngang nangingilid muna sa pisngi ang kanyang mga luha. Nakatulog si Maxxine na bakas ang luha. Madaling araw na ng nakagawa siya ng tulog.
Nagising si Fernan sa sobrang lamig. Nahimasmasan na ito sa kalasingan. Bumaba na ang tama ng alak. Paminsan minsan lang si Fernan napapainom. Talagang siya ang nagyayang uminom kasama ang kaibigan. Dalawang beses na kasing nabitin siya sa kama. Naiinis siya sa sarili sa pagiging mapusok. Nahihirapan siya sa sitwasyong kasama si Maxxine sa iisang kuwarto lang. Pero kailangan nila itong gawin para sa kanilang anak. Ilang beses pa kaya siyang magtitiis lumaban sa tukso at labanan ang kapusukan.
Hindi na napansin ni Maxxine ang pagpihit niya ng pinto. Sobrang antok na ito kaya walang naramdaman. Naupo muna sa gilid ng kama si Fernan. Tinitigan ang babaeng pinakamamahal niya. Napansin niyang may bakas pa ito ng luha sa pisngi.
"Mahal na mahal kita. Sorry!" Pagpasensyahan mo ang aking kapusukan," mahinang bulong niya sa tainga ni Maxxine. Kasunod ang banayad na dampi ng halik sa labi ni Maxxine habang ito ay nasa kasarapan ng tulog.
Napadilat si Maxxine. Naalimpungatan sa halik ni Fernan. Napatingin sa paligid at nagtaka.
"Kanina ka pa ba riyan?" tanong nito kay Fernan.
"Ngayon lang, nagising ako sa lamig ng aircon," sagot nito kay Maxxine.
"Sorry," inulit pa nitong humingi ng pacensya.
" Sorry para saan?"
"Sa nangyari sa atin sa sasakyan. Alam kong iniyakan mo pa iyon." madamdaming sambit ni Fernan.
"Ang akala ko hindi mo 'yon maalala. Iyon ang dahilan ng aking pag-iyak. Para akong nahihiya sa aking sarili. Dahil ako itong nasa katinuan, ako rin itong hindi nakapagpigil. At naiinis ako sa sarili dahil sa loob lang ng sasakyan, pwede naman sa kama," mahinang sambit ni Maxxine.
"Hindi mo kailangang maramdaman 'yan. Nakainom man ako maalala ko iyon dahil sobra mo akong napasaya. Eh ano naman kung sa loob ng sasakyan," nakangising sagot ni Fernan.
"Huh! kainis." Nagtakip ng kumot sa mukha si Maxxine.
Nakaramdam siya ng hiya sa sarili. Ayaw niya itong naalala. Natawa si Fernan sa inasal ng babaeng mahal niya. Para itong batang nagtago sa ilalim ng kumot. Niyakap niya ito ng napakahigpit.
"Isa iyon sa mga pinakamasayang alaala sa buhay kaya please tanggalin mo na 'yang naramdaman mo," seryosong sabi ni Fernan.
Nagtanggal ng takip sa kumot si Maxxine. Diretsong nakatitig sa lalaking mula noon hindi nawala sa kanyang puso. May gusto pa rin itong sabihin.
"Alam kong may nais ka pang sabihin. Please sabihin mo na," hulang sabi ni Fernan.
"Ang isa ko pang kinaiinisan sa sarili ay iyong hindi mo man lang ako naligawan muli nakuha mo na kaagad ang gusto mo," natatawang sambit ni Maxxine.
"Ay iyon ba. Mahalaga pa ba ang ganun," napakamot sa batok na sabi ni Fernan.
"Oo naman."
"Ligaw lang pala eh. Gagawin ko 'yan. Kung sa ganyang paraan maramdaman mong espesyal ka pa rin sa akin."
Gagawin ni Fernan ang lahat na makapagpasaya sa babaeng mahal niya. Ang pagkakataong magkabalikan pa sila ni Maxxine ay hindi niya na inaasahan mangyari pa. Ang mga nagawa noon ng kanyang ina ay bayaran niya ng labis na pagmamahal. At ng sa ganun tuluyang makalimutan ni Maxxine ang mapapait na alaala.
Kinilig si Maxxine sa panliligaw na gagawin ni Fernan. Nakangiti siya habang nag-uumapaw sa saya ang kanyang puso.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Infinity (COMPLETED)
RomanceAyan kasi nagmamaganda kung hindi naman siya nalahian, eh di kamukha din siya ng nanay niyang bilugan ang mata." "Siya yong dating maganda na kasalukuyang nagnaknak na sa kagandahan." "Kadiri yong nasa kanyang mukha no!" "Ay naku basta mukha ko maki...