Chapter 1 Dalampasigan

364 3 0
                                    

Chapter 1

Sana wala na lang siyang mukha. Dahil napuno ito ng malalaking tagihawat. At hindi basta tagihawat lang. Malalaki at siksik liglig itong tumubo sa kanyang buong mukha. Sayang nga dahil nagkaganun ang dating makinis at maganda niyang hitsura. Mula ng siya ay nagdalaga nagkaroon ng buwanang dalaw tumubo noong una ng paunti unti. Hangga't sa nagsulputan ito na parang mga kabute. Labing tatlong taon siya noon ito ay nag-umpisang tumubo pero hindi pa gaanong marami. Labing limang taong gulang siya noong ito ay parang mga nagsisiksikang komunidad sa maliit na espasyo na kanyang mukha.

May kakaibang ganda noon si Maxxine na kung tawagin ay Maxxi. Siya ay may dugong ibang lahi. Pinay na mixed with canadian breed. Dahil purong white causcasian ang kanyang ama. Taglay niya ang kakaibang ganda noong siya ay ipinanganak. Naalala niya pa nga na kinukuha siya noon na modelo sana ng branded na toothpaste. Bagay na bagay sa kanyang labi kung ngumiti ang kanyang maputi at pantay na mga ngipin. Hindi nga lang talaga sinuwerte dahil nabasa sa tubig dagat ang calling card ng taong nagbigay noon sa kanila. Limang taon pa lang noon si Maxxi ayon kay Aling Letty.

Isang dalagang ina si Aling Letty matapos nabigo sa relasyon ng isang canadian national na dayuhang torista sa kanilang isla. Nagmahal nagtiwala hanggang sa ipinagbuntis si Maxxi. Nagpabalik balik naman sana dito sa pinas noon ang kanyang canadian na kasintahan. Ngunit huling punta rito sa pinas ng canadian ay isa't kalahating taon pa lamang si Maxxi . Pagkatapos noon ay wala ng balita si Aling Letty sa kanya. Kaya lumaki si Maxxi na walang amang kinagisnan.

Masayahing batang naglalaro ng madalas sa dalampasigan noon si Maxxi. Nagbago lang ito noong siya ay nagdalaga. Dahil sa itsura niyang malaki din ang ipinagbago. Naging tampulan siya ng tukso sa mga taong mga mapanghusga.

"Ayan kasi nagmamaganda kung hindi naman siya nalahian , eh di sana kamukha din siya ng nanay niyang bilugan ang mata."

"Siya yong dating maganda na kasalukuyang nagnaknak na sa kagandahan.

"Kadiri yong nasa kanyang mukha no!

"Ay naku basta mukha ko makinis hindi tulad ng kanya may malaking tagihawat na may nana pa."

"Dating maganda na ngayon ay nagmamaganda pa rin kahit na nagnanaknak na sa kagandahan."
6
Iilan lang yan sa kanyang mga narinig na lait ng kanyang mga kaklase. May kasunod pang halakhak sa tuwing siya ay pinag-uusapan. Itataon pa na siya ay dadaan upang sadya niyang marinig. Nasa pangatlong taon na noon si Maxxi sa paaralang sekundarya ng La Isla Trinidad. Hinangaan ang kanyang katangi tanging ganda noong siya ay nasa unang taon pa lang. Matangkad si Maxxi minana sa ama. May magandang hugis puso na mukha at asul na mata mana sa kanyang ama. Ang dating niyang hinahangaang mukha at nilalait na. At hindi basta namunula lang kundi isa isa pa itong may nana. Kung kaya parang ayaw na niyang makihalubilo sa mga kaklase. Yong mga dating kaklaseng naiinggit sa kanya at sila din yong lumait at nagpababa sa tiwala ni Maxxi sa sarili.

Kung doon lang din sana nag-aral si Fernan tiyak na may tagapagtanggol siya. Pero nasa siyudad na ito dahil sadyang inilayo sa kanya ng matapobreng ina na si Amelia. Nagbakasyon lang ang mga magulang ni Fernan noon sa Kastilyo del Carmen Palma. Ayaw ni Amelia na nakipagkaibigan si Fernan kay Maxxi dahil anak lang ng utusan. Kaya pilit itong sa siyudad na pinag high school kahit meron naman sa kanilang lugar. Minsan na lang sa isang linggo nakakauwi sa Isla si Fernan. O kaya dalawang beses sa isang buwan.

Huli niyang nakasama noon si Fernan noong pilit nilang itinakas si Speed. Ang paboritong nitong kabayo. Konti na lang maabutan na sila ni Mang Tonio.

"Senyorito Fernan bumalik kayo rito!" Pahabol na sigaw ng katiwala ng kuwadra. Matuling nakalayo si Fernan na nakasakay kay Speed at nakaangkas pa sa likod si Maxxi.

"Haah! Hinigpitan ni Fernan ang hawak sa renda ng makita ang sasakyang Durango na papasok. Sasakyan ng kanyang lolo at lola.

"Apo magdahan dahan dyan kay Speed baka ihulog kayo niyan. Kasama mo pa yan si Maxxi anong malay niyan sa pangangabayo." Saway sa kanila ni Donya Isabel. Napahinto ito nang makita si Fernan na nakasakay sa kabayong si Speed kasama si Maxxi.

"Opo lola," napayukong sagot ni Fernan.

"Sige, sige basta mag-ingat kayong dalawa," mabait na bilin sa kanila.

Itinaas uli ang tinted na salamin ng kanilang sasakyan at umaandar na papalayo. Mabait ang matatandang Don at Donya. Na kahit sa pakikipagkaibigan ng kanilang apo sa anak ni Aling Letty na tagaluto ay hindi nila pinakikialaman.

"Ikaw kasi ayan napagsabihan ka tuloy," sabi ni Maxxi.

"Wala yon, kilala mo naman ang lolo at lola. Mababait sila di ba," bahagyang lumingon si Fernan kay Maxxi habang nagsasalita. Mabagal na naglalakad na lang si Speed ang paboritong kabayo ni Fernan. Madalas nilang sinasakyan ito papuntang dalampasigan. Pumapasyal sila doon paminsan minsan. Itinataon nila sa hapon upang makikipaglaro sa ibang mga bata ng tago taguan sa tubig dagat. Sa mga bangkang de sagwan at mga bangkang de motor na nakadaong sa dalampasigan. Doon sila madalas na nagkakatuwaan ng habulan at taguan.

"Pagbilang ko ng sampu magtago na kayo...isa ...dalawa...tatlo...apat...lima ..anim...pito..walo...siyam ..sampu.." Handa ng maghanap sa kanila si Fernan.

Magaling at matuling lumangoy ni Maxxi. Hindi nito namalayan na nasa ilalim na pala siya ng malaking barge fishing boat na pagmamay-ari rin nila ng mga lolo at lola ni Fernan.

"Teka si Maxxi, bakit wala pa?" nagtatakang tanong ni Fernan.

Nataranta na ang lahat ng wala pang Maxxi na lumitaw. Kaya nag kanya kanya silang balik sa tubig.

Samantalang si Maxxi naman ay halos mauubusan na siya ng lakas sa kakahanap ng isang gilid upang makaahon. Nasa kalagitnaan siya ng ilalim ng barge. Malapad ang barge na kanyang napagtaguan. Ginagamit na ito ng mga grupo ng mangingisda na kung pumapalaot ay buwanang nagtatagal sa dagat. Masikip na nag dibdib ni Maxxi nang naiahon niya ng bahagya ang kanyang ulo para makahinga sa ibabaw ng tubig. Bigla pang nanigas ang kanyang binti kung kaya nahirap na siyang lumangoy.

"Ayon! ayon siya!" ani ng isa.

Sabay nilang nilangoy ang kinaroroon ni Maxxi upang ito ay kanilang mailigtas. Wala na itong malay ng naiahon nila sa tubig. Walang may alam sa kanila kung paano ang gagawin. Basta ayon sa napapanood ni Fernan sa mga pelikula ay sinipsip ang bibig ng mga nalulunod. Hindi siya nag dalawang isip na ginawa ito sa kaibigan. Sa kabutihang palad naman nagtagumpay siya. Mabuti na lang at hindi pa gaanong pumailalim si Maxxi sa tubig noong kanilang naiahon. Kaya hindi pa gaanong marami ang nainom.

"Uuuh! Uuuh!" Naisuka ni Maxxi ang tubig na nainom. Nanghihina itong tiningnan ang mga kalaro sa kanyang paligid. Napayakap ito kay Fernan sa takot.

"Saan ka ba nagtago? kinabahang tanong ni Fernan.

Marami pa sanang sunod sunod na itatanong si Fernan. Ngunit nakita niyang naghihina pa si Maxxi kaya pinili niyang himasin muna likod ng kaibigan. Pareho silang nasa labing dalawang taong gulang noon. Maraming pang masayang alaalang naglalaro sa dalampasigan.
Pero isa ito sa mga hindi makalimutan ni Maxxi. Bahagi sa mga alaala ng kanilang pagiging magkaibigan. Lalo pa at sa hindi sinasadyang pagkakataon nahalikan siya ni Fernan.

Love Beyond Infinity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon