Chapter 23
"Is this all I got after two years." mga salitang gustong kumawala sa isip ni Maxxine.
Hindi niya kayang bilangin ang mga alon sa dagat. Hindi niya na rin namalayan na may isang daang beses na halos niyang inuulit ulit sulatin sa buhangin ang pangalan ni Fernan. Paulit ulit din itong binubura ng mga alon na unt-unti ring lumulapit sa dalampasigan.
"Heart, come here!"
Tinatawag niya ang dalawang taong gulang na batang lalaking makulit. Ayaw nitong paawat kahit na nabubuwal sa hampas ng alon. Tuwang tuwa pa niya itong sinasalubong.
"Come here son!" We are going home."
"No, mom I'm not yet done." Tinutukoy ni Heart ang pakikipagbuno sa mga alon sa dalampasigan.
Napangiti na lang si Maxxine sa anak. Para itong si Fernan na pinaliit lang. Matatas ng magsalita si Heart. Para itong abogado kung mangatwiran. Tatlong taong gulang na ito. Panay na mga ang tanong sa kanyang ama.
Sinunod niya ang gusto ng ama sa kahilingan nito. Maayos naman silang nag-usap ni Fernan. Ngunit bakit parang lumabas na mali siya sa desisyong ginawa. Pumayag itong sumama at susunod sila ni Xandra. Naiba ang plano ni Fernan. Pakiramdam niya inilayo sa kanya si Maxxine. Hindi na nga siya kinamusta noong nanganak siya kay Heart. Wala siyang ideya kung saan hanapin ang kanyang mag-ama. Sandali lang silang manatili ng pinas. Bakasyon lang ang kanilang pag-uwi. Tuwang-tuwa siya dahil naisingit nila ang bakasyon kahit napakaraming inaasikaso sa negosyo ng kanyang ama. Hindi rin sila pwede talagang magtagal dahil maysakit na ang ama ni Maxxine. Bilang na lang ang araw nito. Kaya napalitang sumama si Maxxine noon dahil may karamdaman ng dala sa katawan si William Davis. Kailangan niya matutunan pamamalakad ng negosyo ng ama.
"Ay anak gabi na saan ba kayo galing ng anak mo," tanong ni Aling Letty.
"Doon lang inay sa aplaya. Sabik lang akong umupo sa dalampasigan." matamlay niyang sagot.
"Inay may bisita bang darating?" nagtatakang tanong nito sa ina.
Napansin niya kasing may lulutuing hinahanda sa kusina. Dalawa lang silang mag-ina at saka ang mag-lolo na Mang Tonio at Randy. Sobra pa rin para sa kanilang apat lang.
"Ilalagay ko lang yan sa ref. anak."
"Ah ganun ba inay."
Hindi na siya nagtanong uli. Baka nga naman mas gusto na ng ina ang mag-iimbak na lang ng ilalaman sa ref.
Papasok na sana kuwarto niya si Maxxine. Wala na siyang alam gawin upang maalis ang laman ng kanyang isip. Kahit saan siya lumingon ang pagnanais niyang makita ang kanyang mag-ama ang laman ng kanyang isip.
"Nay, bakit nakasarado ang aking silid. Iniwan ko 'yang bukas kanina kasi hindi ko alam kung nasaan ang susi. May duplicate ka po ba niyan?"
"Teka, mabilis na sumaglit si Aling Letty sa kanyang kuwarto upang kunin ang isa pang susi.
Napagod na siya sa maghapon sa aplaya. Kailangan niya ng maghinga saglit bago kumain ng hapunan. Aasikasuhin niya pang linisin si Heart dahil may mga buhangin ito sa ulo.
"Anak, ako ng bahala dyan sa apo ko, paliguan ko 'yan. Pumasok ka na lang kung gusto mo ng magpahinga."
Madilim na sa kanyang kuwarto kaya kinapa niya ang switch ng ilaw. Naroon si Fernan patagilid na nakahiga. Hindi niya alam kung tulog o kaya nag tulug-tulugan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Gusto niya na itong yakapin at hagkan. Gusto niyang sumigaw sa sobrang sayaw. Isa lang ang nais na hiling ni Maxxine, ang maayos nila ang lahat alang-alang sa mga bata. Handa niyang isantabi ang halos dalawamg taon na hindi man lang sila kinamusta ni Heart.
"Mom, mom."
"Knock! Knock! Knock! Knock!
Malakas na sunod sunod na katok sa pintuan. Napalingon si Maxxine. Naalimpungatan din si Fernan.
"Dad, are you inside?"
"Sin--o?" boses ni Maxxine na naudlot lang magsalita.
Tinakpan kasi ni Fernan ng kanyang palad ang bibig niya. Alam ni Maxxine na si Xandra ang naroon sa labas ng pinto.
"Pssst!!...
Nakaramdam ng pagkakainis si Maxxine. Gustong-gustong Maxxine na siya ay yakapin ni Fernan, ngunit naia muna niyang ng paliwanag.
Naalala niya ang halos dalawang taong pinahirapan siya ni Fernan. Ang para siya bulag na nangangapa sa katotohanan kung ano ba talaga ang dahilan. Hindi sinasadyang naitulak niya si Fernan. Nagulata din si Maxxine sa bilis ng kanyang kamay pero hindi niya maibalik ang sandali. Napaupo su Fernan sa kama."Marami kang dapat maintindihan. Alamin mo muna sana bago mo ako sumbatan." nag-uumpisa ng magsalita si Fernan.
"Mommy!" sigaw ni Heart
"Mom!" mahinang boses ni Xandra.Kitang-kita ni Maxxine na nasasabik na rin ang anak niyang si Xandra na makita at mayakap siya. Kung noon wala sa kanya ang atensyon ng anak kundi kay Fernan. Maaring hinahanap na rin siya ng anak.
"Maxxine!"
"Fernan,mamaya na ihahatid ko muna kay inay ang mga bata."
Naiwang walang nasabi si Fernan.
Akay akay ni Maxxine si Xandra at Heart. Doon sa kuwarto ng ina muna dalhin ang dalawa nilang anak para mag-usap sila ng maayos."Mom, dad's wedding will be tomorrow."
Napahinto si Maxxine sa narinig. Alam niyang hindi naman siguro siya binibiro ni Xandra.
"Whose wedding?"
"Dad?"
Napayuko at humarap si Maxxine kay Xandra. Lilinawin niya lang ang nais ikuwento ng anak.
"He will be getting married tomorrow. That's why we are here too in the Philipines. His Tuxedo's is ready and my gown too.
Para itong bomba sa tainga ni Maxxine. Ang buong akala niya'y may pag-uusapan pa sila ni Fernan ngunit wala na pala.
"Nay, ang mga bata dyan muna sa iyo."
Gusto niyang balikan si Fernan sa kanyang kuwarto. Ngunit gumulo ang kanyang isip. Natutuliro si Maxxine. Para bang bumalik lahat ng mga pasakit na pinagdaanan niya. Gusto niyang magwala sa sobrang galit. Kung pwede lang gumuho na ang kanyang buong daigdig. Ayaw niyang humarap ng ganun kay Fernan. Alam niya sa sarili kung paano siya magalit. Kailangan niyang magpalipas ng galit saka niya na harapin si Fernan.
Diretsong lumabas ng kastilyo si Maxxine. Nagtatakang pinagbuksan ito ni Mang Tonio ng gate. Humarurot itong nagmaneho palabas ng kastilyo.
"Nay, saan pupunta si Maxxine. Ano bang nangyayari?
"Hindi ko alam?" Wala ring maisagot si Aling Letty.
Nataranta sila sa nangyayari. Alam nila na sa pagmamanehong ginawa ni Maxxine malamang maaksidente ito. Nagmadali na ring pumasok si Fernan sa loob at hinahanap ang kanyang susi. Hahanapin niya si Maxxine. Kung kailangang galugarin niya ang buong isla, gagawin niya ito.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Infinity (COMPLETED)
عاطفيةAyan kasi nagmamaganda kung hindi naman siya nalahian, eh di kamukha din siya ng nanay niyang bilugan ang mata." "Siya yong dating maganda na kasalukuyang nagnaknak na sa kagandahan." "Kadiri yong nasa kanyang mukha no!" "Ay naku basta mukha ko maki...