Chapter 4
Wala na ang kanyang bagong silang na sanggol nang siya ay nagising. Labis na kalungkutan naramdaman ni Maxxi. Hindi siya makapaniwalang wala na ito. Wala na daw itong buhay noong kanyang nailuwal.
"Tahan na anak," pag-aamong sabi ni Aling Letty sa anak.
"Hindi Nay! buhay ang aking anak. Narinig ko pa siyang umiyak." Nagpupumilit niyang sabi sa ina.
Ang huling naalala ni Maxxi. Hindi niya maigalaw ang katawan. Gusto nang gumising ng kanyang diwa ngunit hindi niya magawang dumilat. Dinig niya ang ingay ng paligid. Ngunit parang pilit siyang ididiin uli para makatulog.
"Tama inay, boses ni Senyora Amelia ang aking narinig. At pati boses ni Fernan din ay narinig ko." humihikbing nagsasalita si Maxxi. Walang makapagpatunay sa mga sinasabi niya. Hindi niya alam ano ang nangyari nang siya ay nakatulog na
Paano nga ba ipaliwanag ni Aling Letty sa anak na wala roon ang mag-inang Amelia at Fernan. Isang traysikel driver umano ang nagdala sa kanya sa ospital ayon sa kwento ng nasa emergency. Nagpumilit pa kasi noon na pumuntang palengke si Maxxi.
"Hindi pwedeng mag-isa ka lang anak," saway na sabi ni Aling Letty.
"Inay! mas maganda pa yong palakad lakad ako para matagtag ako at ng sa ganun ay manganak na rin ako. At hindi pa naman ako siguro manganganak, nay" nangangatwirang sabi ni Maxxi.
"Sige tumawag ka ha pagka iba na maramdaman mo. Diyan lang naman yang ospital malapit na rin sa palengke," bilin nito sa anak.
Iyon ang paalala ni Aling Letty sa kanya noong araw na naisugod siyang manganak sa ospital. Hangga't sa paglabas niya sa ospital hilam ang mga mata ni Maxxi sa kaiiyak. Ayaw niya tanggapin na namatay ang kanyang anak. Hindi ito totoo ayon sa kanya paniniwala. Alam niyang gising siya at hindi nanaginip lang. Gusto niyang may magpaliwanag pero haindi niya alam kung sino ang tatanungin.
"Maxxi ayusin tulungan mo ang ixong sarili. Tutulungan kita sa panibagong buhay na sisimulan mo. Hindi mo maayos ang ibang bagay na nais mong buguhin kung hindi magmula sa sarili mo." Mariing payo ni madam Riza kay Maxxi.
Pagluha na lang ang tanging nagawa ni Maxxi. Kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang maging matapang.
"Lintik na lang ang walang ganti. Hintayin mo Senyora Amelia ang tamang panahon," tiim bagang bulong ni Maxxi sa sarili.
"Madam Maxxine malamig na po ang pinatimpla niyong kape," bati ni Ayang sa amo.
Hindi namalayan ni Maxxine ang paglapit ng kasambahay. Napansin niya ito nang hinatid ang kape na mainit pa. Dahil mainit pa itong umuusok pa sa tasa naglakbay muna ang isip ni Maxxine. Kaya pati ang pagbubuntis niya noon ay bumalik sa alaala. Labis ang pagkasuklam niya kay Fernan dahil hindi siya naipaglaban. Para itong walang bayag na sumunod lang sa mga magulang.
Nakumpirma niya ng may anak si Fernan. Ayon ito private detective na nakuha. At hindi ito anak ni Fernan sa kanyang naging ka live in dahil hindi maaring magkaanak ang babaeng iyon. Nag-iisa na lang sa buhay dahil iniwanan din ito ng asawang wala ding pagmamahal.sa kanya. Dahil ipinagkasundo lang sa isa't isa hindi nagtagal ang kanilang pagsasama.
"Ayang tara sumama ka. Gusto kong pumuntang dalampasigan," yaya niya sa kasambahay.
"Ngunit madam marami pa po akong gagawin," umaayaw nitong sagot.
"Hayaan mo na muna ang mga yon. Hindi naman minamadali ang mga trabaho na yan. Saka pwede bang Maxxine na lang itawag mo sa akin, wag na 'yong madam.
"Pero ..." May sasabihin pa sana si Ayang.
"Wala ng pero..pero basta sundin mo na lang ako.
Konti na lang ang mga bangkang nakadaong. Nawalan na ng sigla ang dating daungan nilang dinadayo pa ng karatig isla upang sumalubong sa mga mga bangkang pumalaot. Sa kanilang isla noon dumadaong ang malaking sasakyang pandagat ng mga mangingisda. Sa kanilang lugar ang pamilihan ng mga sariwang isda. Pagmamay-ari ng mga del Carmen Palma. Unti unti ng natigil ang ganoon mula ng namatay ang Don At Donya.
Ang dating malinis na dalampasigan ay marumi na. May mga nagkalat ma basura pati sa mababaw na tubig may iilan ilan na basurang lumulutang. Naalala niya pa noon ang nagpupulot sila ng basura sa tabing dagat mga gawaing inaatas sa mga boy scout at girls scout.
"Maxxine Xandra Santiago!" bati ng isang babae dumaan. " Aba' y bumalik ang datigi mong mukha, gumanda ka na uli," dugtong pa na sabi.
Masakit sa pandinig niya ang nasabi na babaeng bumati sa kanya. Pero mabuti na lang papuri hindi na panlalait. Isa sa mga dati nilang kalaro. Gusto niyang ipagtanong si Fernan ngunit naunahan siya ng hiya.
Bumalik na nga sa dati ang kagandahan ni Maxxine. Gumaling naman siya sa mga ine resita ng dermatologist pero mas napabilis ang pagaling niya sa payong sinunod niya mula kay madam Riza.
"Maxxi sa palagay ko lang iyang tumutubo sa mukha mo ay hindi na yan basta tagihawat lang. Mula ngayon subukan mong umiwas sa pagkaing malansa tulad ng manok at itlog. At sa mga pagkaing galing sa dagat wag ka na munang kumain para ikaw ay gumaling. Pati sa gulay na tulad ng monggo at talong."
Unti unting nabawasan ang nasa kanyang mukha. Mahigit dalawang taon niyang pinagtiisang sundin ang payo ng ni madam Riza hangga't sa tulayang wala ng tumubo sa kanyang mukha. Sa tulong ng mga ekspertong derma nawala din pati ang mga bakas sa kanyang mukha. Kuminis at bumalik din sa dati.
Masyadong malikot ang mga mata ni Maxxine sa pagmamasid sa paligid ng Isla. Hangga't napadako ang kanyang paningin sa bandang kinaroroonan ng kubo noon.
"Fernan." bulong niya sa sarili.
"Maxxine!" sigaw ni Ayang na papalapit sa kanya.
"May lalaking nagtanong kung ikaw nga raw ba si Maxxine ang anak ni Aling Letty." habol ang hininga ng nagsasalitang si Ayang.
"Saan na ba siya? mabilis niyang tanong sa kasambahay.
"Wala na, ang bilis ding nawala nang ako ay lumingon dito sa kinaroroonan mo.
Aminado siya sa sarili na umasa ang kanyang puso na sana ay si Fernan ang lalaking iyon. Habang may galit sa kanyang isipan. "May dapat ka pang gawin sa lalaking tulad ni Fernan!"
Napahawak sa dibdib si Maxxine. Mahal pa nga niya si Fernan pero mananagot ito ng malaki sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Infinity (COMPLETED)
RomanceAyan kasi nagmamaganda kung hindi naman siya nalahian, eh di kamukha din siya ng nanay niyang bilugan ang mata." "Siya yong dating maganda na kasalukuyang nagnaknak na sa kagandahan." "Kadiri yong nasa kanyang mukha no!" "Ay naku basta mukha ko maki...