Chapter 17
Inikot ni Fernan ang paningin sa buong paligid. Marami din ng napaglagyan sa pebbles na kinuha nila ni Maxxine sa baybayin ng Isla Maria Clara. Babalik na lang uli sila roon upang manguha pa uli Hindi kasi pwede ang kumuha sa ng marami dahil mapapansin sila ng mga bantay karagatan na nag-iikot.
"Mang Tonio, si Maxxine nakita niyo po bang lumabas? Nagtanong na si Fernan kay Mang Tonio. Umikot siya sa buong bahay hindi pa niya napansin ito.
"Sa pagkakaalam ko nasa siyudad sila sa airport ang kanyang ang ama ni Maxxine. Magbabakasyon raw iyon dito. Kausap nila kanina bago ito nakasakay ng domestic flight," sagot ni Mang Tonio.
"Ah ganoon ba, hindi kasi nabanggit sa akin," nagtatakang sabi ni Fernan.
"Sinorpresa lang din silang mag-ina. Kaninang pagising nila nalaman na nagpapasundo na ito sa airport ng domestic," paliwanag uli na sabi ng matanda.
Si Mang Tonio ang nakakaalam dahil maaga pang umalis ang mag-inang Maxxine at Aling Letty. Hindi maintindihan ni Fernan sa sarili kung bakit ba tila ba siya ay may kakaibang pakiramdam sa pagdating ng ama ni Maxxine. Hindi pa niya ito nakikita. Tiyak niyang kikilatisin siya nito pag nalamang may relasyon sila ng anak niya.
"Good morning daddy!" bating sabi ni Xandra. Lumabas ito na nakapadyama lang.
"Good morning baby!"
"Okay baby let's go back in to the kitchen, so we can have our breakfast.
Kumain na silang mag-ama nang nakita nilang meron nang nakahanda sa mesa. Tinitingnan ni Fernan ang anak na masiglang kumakain.
"Nasabi na kaya niya sa kanyang ama ang tungkol kay Xandra," bulong niya sa isip.
Tiyak ni Fernan na magagalit sa kanya ang ama ni Maxxine. Sampung taong naitago si Xandra na hindi rin naman niya kagustuhan. Ganun pa man ang ina niya ang gumawa alam niyang sa mata ng iba may pananagutan siya kahit wala naman dapat.
"Dad, are you done eating? What are you worrying?" nag-aalalang tanong ni Xandra.
Nakikita ni Xandra na may malalim na iniisip ang kanyang ama. Unti-unti na ring napapalapit si Xandra sa kanyang ina. Kaya pinag-iisipan na rin ito ng mabuti ni Fernan na pwede na niyang iwan sa kastilyo ang anak.
"No, dad. I will tell you again not to leave me here. Because I may not like to stay here without you," hulang dabi ni Xandra.
Wala pa man ding binabanggit si Fernan pero nahuhulaan na ito ng anak. Hindi na ito pumapayag. Ngunit papayag man o hindi si Xandra kailangan niyang umalis. Nagkamabutihanan sila ni Maxxine nangangamba pa rin siya na maaring hindi ito magustuhan ng kanyang ama.
Mula sa malayo nakita ni Fernan ang pagbaba ni Aling Letty. Kasunod ang mga iba pang sakay. Kalahati ng aura ni Maxxine ay nakuha sa ama kaya nahulaan niya kaagad ang ama nito. May isang binatilyong bumaba rin. Sa hula niya nakakabatang kapatid ni Maxxine. May isang lalaking nakaakbay na kaagad ang kanang braso kay Maxxine at malambing na nakikipag -usap mula pa noong ito ay bumaba. Nagsimula ng bumigat ang dibdib ni Fernan. Pakiramdam umusbong na ang selos sa kanyang kahit na wala pa siyang basehan.
"Sino naman kaya 'yang lalaki na 'yan," tanong niya isip.
"Dad, who are they? Maybe they will also stay here with us," nagsasalita si Xandra habang nakakapit pa sa kanyang short.
"Yes baby, they will. Your moms father and her younger brother," sagot niya sa anak.
"How about the other one?" Tinutukoy ni Xandra ang lalaking nakaakbay kay Maxxine.
"I..I don't know baby," diretsong sagot ni Fernan sa anak.
Ang alam niya mahal siya ni Maxxine kaya hintayinh niya ang sasabihin nito sa kanya. Pilit niyang binabago ang nasa kanyang isip. At pilit na rin niyang inaalis ang selos sa kanyang puso.
"Hi Xandra," nakangiting bati ni Maxxine sa anak. Kasunod ang yakap at halik para sa kanyang unica hija.
"Oh I see you are my beautiful grand daughter." Yumakap at humalik sa apo si William Davis ang ama ni Maxxine.
Naikuwento na ni Maxxine sa ama ang tungkol kay Xandra. Ngunit hindi ang tungkol sa kanila ni Fernan. Nahirapan si Maxxine na isingit sa kanyang ang tungkol sa kanila ni Fernan. Dahil kasama si Harris ang anak anakan nitong matagal ng gusto ng kanyang ama para sa kanya. Anak si Harris ni Charry sa unang asawa. Si Charry na naging asawa naman ni William. Maagang naging biyudo si William hindi na nga naabutan ni Maxxine na may asawa ang kanyang ama noong siya ay tumirang Canada.
"Hi to you my beautiful niece," bati ni Wilson sa pamangkin. Binatilyo pa lang si Wilson ang kapatid ni Maxxine ngunit parang binata na rin kung tingnan dahil sa tangkad nitong taglay.
"Good day, sir." Alanganin man ang
mga ngiti ni Fernan ngunit pinilit niya maging okay sa paningin ni William."And who is this guy, Maxxine? tanong ng kanyang daddy William.
" He is Xandra's father, dad." Nagkatinginan sila Aling Letty at Maxxine. Hindi niya alam paano ipakilala si Fernan sa ama.
"Good day!" simpleng sagot kay Fernan.
Kagalang galang ang dating ni William. Hindi alam ni Fernan kung paano makipagsalamuha sa ama ni Maxxine. Nagsimula na siyang madismaya sa sarili. Pakiramdam niya kalabisan siya sa bahay. Kailangan niya ng umalis. At si Harris ang lalaking palagay niyang may gusto kay Maxxine ang gusto ng kanyang ama para sa kanya. Humanap na ng paraan si Fernan na makalayo sa lahat. Samantalahin niyang abala sa pagkukwentuahn para naman hindi siya mistulang bastos.
Nasa kusina ang lahat. Kumain ng salu-salo ng tanghalian. Naroon pa din si Fernan sa likod ng kastilyo. Nilibang ang sariling tingnan ang mga halamang namumulaklak roon. Kung marunong lang ang mga iyon magsalita malamang tinanong na nila kung ano ang problema ni Fernan.
"Sorry kung hindi pa kita naikuwento sa aking ama. Sana'y makakuha ako ng tamang pagkakataon na sabihin sa kanya ang tungkol sa atin." Nasa kanyang likod na pala si Maxxine. Nahanap din siya nito pagkatapos naituro ni Mang Tonio.
"Sino siya?" tipid na tanong niyang tanong.
"Si Harris." Mabilis na naunawaan ni Maxxine ang tanong ni Fernan. Sa tono pa lang alam na niya na maraming gustong marinig ito mula sa kanya.
"Siya nga. May dapat ba akong malaman" dugtong pang sabi ni Fernan.
"Hindi naging kami. Mahal kita iyan ang pakatandaan mo, Fernan. Hayaan mo lilinawin ko na kaagad kay dad ang tungkol sa atin. At sasabihin ko na rin kay Harris na wala siyang dapat aasahan sa akin.
Alanganing ngiti ang nasilayan ni Maxine sa pisngi ni Fernan. Alam niyang may gusto pang patunayan ito. Gusto nitong makita kung paano siya ipasok ni Maxxine sa buhay nilang mag-anak.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Infinity (COMPLETED)
RomanceAyan kasi nagmamaganda kung hindi naman siya nalahian, eh di kamukha din siya ng nanay niyang bilugan ang mata." "Siya yong dating maganda na kasalukuyang nagnaknak na sa kagandahan." "Kadiri yong nasa kanyang mukha no!" "Ay naku basta mukha ko maki...