Chapter 3 Kakampi

201 7 0
                                    

Chapter 3

Ilang buwan ng nakalipat sa siyudad noon ang mag-inang Aling Letty at Maxxi. Namasukan din silang mag ina na kasambahay. Mabuti sinuswerte pa rin na nagkaroon ito ng mabait na amo. Kaya nag-aral sa gabi at naninilbihan sa araw si Maxxi. Kinaya nito ang lahat dahil sa pangarap. Ngunit isang katatagan pa sa buhay ang kailangan lagpasan ni Maxxi ang nabuntis.

"Anak magpakatatag ka," payo ng isang ina na si Aling Letty.

"Hayaan mo Maxxi tutulungan kita dyan sa magiging anak mo."

Mga pampalakas loob sa kanya ni Madam Riza ang amo niyang babae na isang professor sa malaki at kilalang universidad sa siyudad.

"Hindi isang disgrasya ka sa akin anak kundi grasya."

Sinabi ni Maxxi sa sarili habang hinihimas ang tiyan. Nagbunga ang isang gabi nila ni Fernan. Kaya ang isang tulad ni Maxxi ay magiging dalagang ina. Mararanasan din niya ang naranasan ng ina. Inihanda na niya ang sarili para sa anumang sitwasyon na kakaharapin niya.

"Hindi ko na kailangang sabihin sa kanya ito. Ayos lang ako nay," tutol na sabi ni Maxxi.

"Bakit naman anak? Gusto mo ba na maging katulad mo din ang bata. Madami ring pagdadaanan. Babansagan din siyang putok sa buho," madamdaming wika ni Aling Letty.

"Hindi inay, maiiba ang buhay ng anak ko," mariing sagot ni Maxxi.

"Ikaw bahala anak, sa akin lang naman pwede mo namang sabihin yan kay Fernan. Pero dahil ayaw mo, sige ikaw na ang masusunod.

"Para saan inay? Para hamakin na naman ni Senyora Amelia ang aking pagkatao. Baka sabihin niya pa na hindi ito anak ni Fernan. Kaya wag na inay tapos ang usapan."

Ayaw niyang magkaroon ng koneksiyon pa sa mga Palma. Wala siyang galit kay Fernan kahit hindi naman talaga siya naipaglaban. Pero naiintindihan niya na wala pa itong magawa para sa kanya. Sa kanilang murang edad mahirap pa gumawa ng desisyon na hindi kaagapay ang magulang. Kaya ano pa ang saysay kung sabihin niya kay Fernan. Labing pitong taong gulang pa lang si Maxxi. Ganun din si Fernan mga menor de edad kung tawagin. Pero kahit ganun manindigan si Maxxi. Bahala na ang panahong lumipas para sa kanila ng kanyang magiging anak.

"Hala buntis yang babae na yan? Sino naman kaya nakabuntis sa ganyang klaseng mukha."

"Paano kaya siya nabuntis?"

"Anong paano nabuntis? Eh di siyempre may umaano? Ang tanong kung paano siya pinatulan?

Mahilig sa ganyang pagmumukha ang lalaki. Kung sino man siya, yak! siya."

"Hoy magtigil kayo, tsimay yan ni Professor Riza. Ang Dean ng Accounting Dept.

Tumulo na ang luha ni Maxxi sa mga narinig. Naroon siya sa isang gilid na mesa sa loob ng library. Siya na naman ang pinag-uusapan ng nasa kabilang mesa. Sinasadya pa ngang marinig dahil parang wala mga pakialam sa kanilang boses. Nasa library nga sila pero parang hindi sila kayang sawayin ng librarian. Kundi pa dumating si Professor Riza malamang napako na siya sa kinauupuan. Nahihiya na siyang tumayo.

"Maxxi!" habang papalapit ito sa
kanya.

"Yes madam." mabilis niyang sagot sa amo.

"Wala ka namang pasok na di ba? Sumabay ka na sa akin pag-uwi."

Patapos na ang klase ng taon. Kabuwanan na din halos ng tiyan ni Maxxi. Pinipilit pa din niya na matapos ang buong unang taon niya sa kolehiyo. Mabuti na lang mabait ang kanyang amo. Wala itong katulad sa pag-alala para kay Maxxi. Sabik na magkaanak dahil hindi nabiyayaan na magkaroon kahit isa. Maagang nawalan ng asawa ang Professor dahil sa aksodente. Maliit lang ang pagbubuntis ni Maxxi. Hindi siya halata mula isang buwan hanggang pito. Naitago pa ito ni Maxxi sa pagsusuot ng maluluwag na damit. Mabuti na lang walang uniforme ang school. Bahala ang mga estudyante sa kani kanilang pormahan na pumasok. Sumunod lang sa ipinagbabawal. Palibhasa mga mayayaman ang mga estudyante. Napilitan ng mag maternity siya noong nasa malapit na siya sa kabuwanan. Aya na kasi ni Professor Riza na itago ang kanyang tiyan. Pangit daw kasi ang batang itinatago sa lahat para siyang hindi welcome sa mundong ibabaw. Kaya sinunod ni Maxxi ang payong magsuot na siya ng maternity total ilang linggo na lang matatapos na ang pasukan.

Ang plano para sa kanya ng amo niya ay magtapos siya sa pag-aaral. Ikukuha pa ng yaya ang kanyang magiging anak. Kaya wala na ngang dahilan si Maxxi na maghangad pa ng tulong mula sa angkan ni Fernan. Parang isang malaking bato lang na ipupukol sa ulo ang tulad ni Senyora Amelia.

"Naglalako lang din naman noon ng isda yan si Amelia," panimulang kwento ni Aling Letty.

Nasa hapag kainan sila na kumakain ng hapunan. Kaharap din nila sa mesa ang kanilang among si madam Riza. Ganun kalapit ang loob sa kanila ng amo. Naitanong kasi ng kanilang madam Riza ang family bacground ng mga Palma. At ang unang pumasok sa pinag-uusapan ay ang matapobreng si Amelia. Naikwento na ni Aling Letty sa amo ang buhay din na pinagmulan ni Amelia. Ang pagiging oportunista nito na parang linta din noon kung makakapit kay Fernan Sr. Babaeng manghuhukay din ng ginto ika nga Gokd digger.

"Kaya pala ganun kasama ang ugali dahil galing din sa pusali." natatawang sabi ni madam Riza.

Nakayuko lang si Maxxi kasi nakahanap nga naman silang mag ina noon pa ng kakampi.

"Hayaan mo Maxxi hangga't nandito kayo sa poder ko tutulungan ko kayo. At hindi na sila muling makalapit na sa inyo upang manlait pa," seryosong sabi ni madam Riza.

"Nay!" Nag-iiba ang aura ni Maxxi. Halatang may masakit na sa kanya.

"O bakit Maxxi?" nag-alalang tanong ni madam Riza.

" Anak sumasakit na ba tiyan mo?" nag-alala na rin si Aling Letty.

Tumango si Maxxi dahil ramdam na niya ang unti unting paghilab ng tiyan. Dali daling dinala sa emergency si Maxxi. Kabilang sa teenage pregnancy ang pagdadalantao ni Maxxi na kailangan pang subaybayan para hindi magkaroon ng problema sa panganganak. Pero inuwi din nila itp dahil ang saad ng Ob-gyne hindi panito manganganak. Maglalakad lakad na ito upang matagtag ng sa ganun hinfi siya mag labor ng matagal.

Love Beyond Infinity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon