Chapter 8
Nagising si Fernan na nakayakap sa dalaga dahil nag-aapoy ito sa lagnat kinagabihan. Maaga na, mainit pa rin si Maxxine. Hindi nga naman pa nabigyan ng paunang lunas ang braso nitong may daplis ng bala. Ipinangako niya sa sarili na makakaalis sila sa islang kanilang kinaroroon na buhay.
Hindi maialis ni Fernan ang pagkakatitig kay Maxxine habang nasa mahimbing na tulog pa ito. Ang dating Maxxi na kanyang minahal. Bumalik na nga sa dati ang mukha ng dalaga. Ang mukha nitong naging pangit lang ay bumalik na sa dati. Natutukso na siyang halikan ito pero alam niyang wala siyang karapatang gawin iyon. Isang mabuting pagkakataon nga kaya para sa kanya ang makuha sila ng mga pirata. May kakaibang saya na gumuhit sa puso ni Fernan. Sa kabila ng kanilang kalagayan ramdam niya ang kakaibang kilig. Sumariwa sa kanyang alaala noon ang isang beses nilang gabi sa dampa. Hindi niya nakakalimutan ang bawat segundo sa pangyayari. Alaalang masaya niyang itinago sa isip at puso. Ayaw niya itong makalimutan.
Alon lang sa dagat ang tanging naririnig. Kasunod ang halinghing na likha ni Maxxi. Mainit at mapusok ang gabi. "I love you Fernan!" Matamis at malambing na wika kasabay ng ungol ni Maxxi. "I love you so much, Maxxi," tugon din ni Fernan. Nakalimutan nilang may limitasyon dapat ang pagmamahalan nila dahil sila ay kapwa mga bata pa. Lumagpas sila sa hangganan pero ramdam ni Fernan na hindi ito pinagsisihan ni Maxxi. Hindi sila naghiwalay ng pormal ngunit alam niyang nasaktan niya na ng husto ang puso ni Maxxi. Sa lahat ng ginawa ng kanyang inang si Amelia malabong maibaon lang ni Maxxi ang lahat sa limot. Kung sana naging matapang at matatag lang siya naipaglaban man lang niya si Maxxi, pero wala siyang nagawa.
" Marahil hindi na siya ang Maxxi na minahal ko noon," bulong niya sa isip.
Hindi pa rin nagsasawa si Fernan na tinitigan ang dalaga habang tulog. Sinasamantala niya ang pagkakataon. Kahit sa mga tingin mapagsawa niya man lang ang sarili. Napagtanto niya sa sarili na kagaya ng dati walang ipinagbag.
"Uuggh! ungol ni Maxxine na unti unti ng nagigising. "Masakit," dugtong pa nito. Nakahawak ito sa braso kahit nakapikit pa.
"Kailangan na nating makaalis dito para magamot iyang sugat mo," nag- alalang sabi ni Fernan.
"Paano ba tayo makatakas sa mga iyan." Nangingilid sa pisngi ni Maxxine ang luha. Bakas sa mukha nito ang hirap, takot at kawalan ng pag-asa.
Nasasaktan si Fernan sa pagluha ni Maxxi. Maliit lang na daplis ang meron sa braso ni Maxxine ngunit kailangan pa rin nitong malunasan. Pakiramdam tuloy ni Fernan na para siyang isang inutil na hindi mailigtas ang babaeng minamahal at ang kanyang sarili sa mga pirata. Dalawang armadong lalaki ang bantay sa kanila sa labas ng dampa.
Dumating ang grupo ng mga pirata. Naririnig ni Fernan na para itong mga nagtatalo talo pa. Unang nakatingin sa kanya ang mga ito nang pumasok sa loob ng dampa.
"Get him! Let us make him as a sample," utos nito sa pinoy niyang kasama.
"Fernan!" napasigaw siya sa takot.
Kinaladkad si Fernan palabas. Isang masakit na sitwasyong pinapanood ni Maxxine. Napapaiyak at nanginginig siya sa nakikita. Ngunit wala siyang magawa. Hindi na nga naman na siya nakatali pero sugatan ang kanyang kabilang braso.
"Baka patayin na siya," hulang nasa isip ni Maxxi.
Lalo siyang kinilabutan sa kanyang mga naiisip. At nanghihina sa kawalan ng pag-asang makatakas pa.
"Aaaah! aaah!" boses ni Fernan sa labas na halatang pinahihirapan.
"Maxxine hindi pwedeng wala kang gagawin. Dapat meron Maxxine. Meron kang dapat gawin," mga salitang kusang lumabas sa kanyang bibig.
Nagsasalita siyang mag-isa pilit na binubuhay ang pag-asang hindi sila mamatay ni Fernan. Nakita niya ang lubid na ginamit panali sa kanilang dalawa. Nasa lapag ito nakahalang. Malaking pakinabang ito ayon sa mga paraang naiisip ni Maxxine.
"Aaah!" mahina at putol na ungol ng mga bantay.
Sabay na naipasok sa lubid ang ulo ng dalawang armadong bantay. Tagumpay itong naitali ni Maxxine sa loob ng segundo. Magkadikit pa kasi itong nagtawanan habang pinapanood si Fernan na pinahihirapan. Nagliliyab sa galit ang puso ni Maxxine dahil mga pinoy din sila kung tutuusin. Kapwa pinoy ang walang awang nakikiayon sa mga gawain ng ibang lahing mga pirata. Dahil makapal ang lubid parehas ding nangisay at tuluyan nalagutan ng hiningan ang dalawang armadong bantay. Hindi man lang ito nakalikha ng ingay. dalawang armas ang mabilis na dinampot ni Maxxine. May magagamit siya kaya iyon ang unang pumasok sa kanyang isipan. Bawat hakbang ng kanyang paa ay inihingi niy ang basbs sa Kahitaasan. Na sanay walang siyang kahit isang mali sa kanyang mga kilos.
"This is now or never Maxxine. Kailangan mong kalabitin ang gatilyo para mabuhay. Kailangan mong makakitil ng buhay para makaligtas at mailigtas ang taong mahal mo." Mga bulong ng kanyang isip. Dalawang maingat na hakbang pa ang kanyang ginawa. Kahit konting kaluskos kailangan hindi siya makalikha ng kahit konting kaluskos. Mula sa kanyang ligtas na pinagkukublian maari niya ng gawin ang mga balak. Nakita niyang maraming bala ang kanyang kailangang paulanin upang siguradong tamaan ang anim na taong hindi nagkakalayo sa isa't isa. Wala siyang alam sa pamamaril pero sigurado siya na mula sa kanyang kinaroroonan tatamaan ang mga walang hiya nakapanakit sa kanila.
"Fernan dapaaaa!" Isang malakas at ma-awtoridad niyang sigaw.
Mabuti na lang mabilis ang pagsunod ni Fernan sa kanyang utos.
Napakaraming pinaulan na bala si Maxxine upang makasiguro lang na tamaan ang lahat ng nakatayo. Hindi siya nagkamali sa kanyang ginawa. Sunod sunod silang bumulagta at hindi nakaganti ng putok ayon sa nakita ni Maxxine. Sa pagkakataong iyon wala siyang naramdamang kirot sa braso. Ang mahalaga ligtas na si Fernan.
"Fernaaan!" sigaw uli ni Maxxine.
Nakita niyang mabilis na tumayo at nakalayo si Fernan. Palinga linga itong hinahanap ang kanyang kinaroroonan. Sa isang malaking ugat ng punongkahoy siya ligtas na nakakubli. Mataas na bahagyang bahagi ng lupa ang kinaroonan ng puno. May mayabong na dahon pa ang mga katabing panahon kaya doon siya pumwesto. Sa likod lang ito ng dampa.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Infinity (COMPLETED)
RomanceAyan kasi nagmamaganda kung hindi naman siya nalahian, eh di kamukha din siya ng nanay niyang bilugan ang mata." "Siya yong dating maganda na kasalukuyang nagnaknak na sa kagandahan." "Kadiri yong nasa kanyang mukha no!" "Ay naku basta mukha ko maki...