Ayan kasi nagmamaganda kung hindi naman siya nalahian, eh di kamukha din siya ng nanay niyang bilugan ang mata." "Siya yong dating maganda na kasalukuyang nagnaknak na sa kagandahan." "Kadiri yong nasa kanyang mukha no!" "Ay naku basta mukha ko makinis hindi tulad ng kanya may malaking tagihawat na may nana pa." "Dating maganda na ngayon ay nagmamaganda pa rin kahit na nagnanaknak na sa kagandahan." Iilan lang yan sa kanyang mga narinig na lait ng kanyang mga kaklase. May kasunod pa na halakhak sa tuwing siya ay pinag-uusapan. Itataon pa na siya ay dadaan upang sadya niyang marinig. Nasa pangatlong taon na noon siya sa mataas na paaralang sekundarya ng La Isla Trinidad. Siya si Maxinne Xandra Santiago anak ng utusan na si Aling Letty. Isang dalagang ina na naanakan ng isang canadian national. Ang magandang mukha ni Maxinne ay nakuha niya amang dugong white caucasian. Mga mata niya na kulay asul at ang kanyang tindig na halatang anak ng dayuhang puti. Ang kutis niyang porselana sa kaputian. Sino nga ba ang mag- aakalang siya ay papangit. At dahil siya ay dating maganda naging tampulan siya ng tukso. Sundan niyo si Maxinne sa kwentong ito at tunghayan kung paano siya lumaban sa mga mapanghusgang mata ng tao sa kanyang paligid. At ang dalisay na pagmamahalan nila ni Fernan. 
26 parts