Simula

321 60 34
                                    

Simula

“I heard you just passed the Uniform CPA Examination,” ani Mr. Macoco, “International Accountant ka na.”

Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay bilang pagbati. Nginitian ko rin ang ibang naroon sa grupo na bumati sa akin. Noong nakaraang linggo, natanggap ko ang imbitasyon sa Retirement Program ni Sir Macoco, ang prinsipal ng eskwelahan na pinasukan ko noong hayskul. Nagaalinlangan pa ako kung dadalo ako o hindi na, sa ibang rason ay napilit ako na pumunta.

“Success really comes from hardwork, right Sab?” sabat ng kaibigan kong si Keiteu na nasa aking gilid.

“You would be in demand now, even into boys,” tawa ni Mr. Macoco na inilingan ko.

“Or maybe you already have one?” dugtong naman ni Konic sabay pasada sa mga taong nakikinig. Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Mr. Sumer. He looks annoyed.

Tumawa muli si Mr. Macoco kasama ang ilang guro. “Ofcourse, of girl someone like her,” aniya.

“Wala po. Hindi ko muna priority iyan. Last time I fell in love, things messed up,” patuya kong sinabi ng hindi tinitingnan ang lalaking nasa harap ko. Nagpatuloy ang kwentuhan hanggang sa nabaling na sa ibang bagay ang usapan.

Ilang sandali ang lumipas ay tumunog ang aking cellphone. It’s a call from the firm. Nagpaalam ako sa kanila upang sagutin ang tawag, iyon na rin ang pagkakataon ko upang makaalis na, tapos na rin ang program at wala na akong ibang gagawin pa roon.

Lumabas ako at tumigil sa veranda nang makitang walang tao, mukhang nagkakasiyahan lahat sila sa loob.

“Ma’am, pinapatanong po ni Mrs. Magnayon kung kailan kayo babalik,” bungad ng nasa kabilang linya pagkasagot pa lamang ng tawag. “End of the month na kasi kaya kailangan ng ipasa ang mga statements.”

Napahilot ako ng sentido sa naghihintay na naman sa aking trabaho.

“Okay, that would be the first thing I’ll do once I’m in Manila.”

Binaba ko ang tawag matapos iyon. Hindi pa ako nakakahakbang paalis mula sa kinatatayuan nang makita ko ang isang taong nakatayo sa pintuan.

I can only see his silhouette because of the light inside. Hindi klaro ang bawat detalye ng kaniyang mukha subalit sa tikas pa lang ng katawan ay kilala ko na.

“Sumer…” I whispered.

Ilang hakbang ang ginawa niya upang makalapit sa akin. Ngayon ay kitang-kita ko na ang galit sa kaniyang mga mata. For years, he’d change a lot. From that normal male body into a musculine one. His hair is not messy anymore, instead, it is in an army cut, showing the nature of his work.

He seemed like he can hurt me now if he wants to. Fear enveloped my senses at that thought, but my anger is more powerful to seize that feeling.

“Things messed up, huh?” He’s smirking but there were no traces of humor in it. “Are you sure of that?”

Tiningala ko siya kahit na nangangatog na ang mga binti ko. Masyado siyang matangkad para sa akin. Halos ka-lebel ko lang ang kaniyang balikat. His voice was so deep making me tremble. I made a few steps for him to realize that I’m leaving, but this man seems to be oblivious.

“Mauna na ako, bumalik ka na roon,” sabi ko nang hindi na pinapansin ang gusto kong iparating sa kaniya.

Nalagpasan ko na siya sa aking huling salita ngunit agaran niyang hinawakan ang aking braso upang mapaharap sa kaniya.

“Mag-usap tayo,” mariin niyang sabi. Hindi iyon pakiusap dahil ginamitan niya ng awtoridad.

“Wala tayong dapat pag-usapan. If you’re thinking about closure, I think we both don’t need that anymore.” Ngumiti ako bilang paninigurado bago siya tinalikuran ulit at naglakad paalis.

“Sabienna Estelle!” banta niya sa akin na hinayaan ko lang. “Talk to me or else…”

Umirap ako sa kawalan sa pagpuputol niya ng sasabihin.

“Fine! What do you want to talk about!?” I exhaled all my frustrations in him. “Kung ang tungkol
sa atin, we’re done, years ago.”

Umamba siya ng paglapit sa akin kaya mas pinalayo ko ang distansya naming dalawa. I can’t have my breakdown again here.

"I didn't mean it all. Hell! I won't do anything that may hurt you," paliwanag niya, "Even the part of me... leaving," he said so frustrated, "Kinailangan lang kasi. I didn't mean it Sab."

“Hindi mo ako ginustong iniwan, e ‘di sige. Hindi ako ang dahilan kung bakit ka umalis, pero hindi mo rin naman ako piniling balikan. Anong pinagkaiba ‘non!?”

“It’s because when I came back, you left!” sumbat niya sa akin.

Umiling-iling ako habang inaalala ang pangyayaring iyon. Mukhang may gusto pa siyang idugtong ngunit tinikom niya ang bibig upang pigilan ang sarili.

It feels good to be back here, everything I encounter this day seems to remind me of the things in the past, but I’m not here to reminisce those sweet little hurtful memories of my childhood. I came here for other reason.

“Oh! Bastard. Go back and never come near me again,” bulong ko bago sumakay. I did not let him hear the first two words.

"Tala!" pahabol niyang sigaw kahit nasa loob na ako ng sasakyan.

Tala, huh? Nobody calls me that anymore. She doesn't exist now. It's forgotten, so we have to move on, too.

Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon