Kabanata 15:
Fear
I have no idea where we are heading. Kanina pa siya tawag ng tawag. Matapos ang isa na sandaling kinakausap ay may susunod na namang tatawagan.
"You're weird," puna ko. Galit siya ngunit hindi maitago ang naglalarong ngiti sa labi.
Hindi siya sumagot sa akin. He choose to keep his stance. Well, he is a man of pride. Bakit siya tutungo sa isang bagay na pwede naman niyang tapakan. Gaya ng nalaman ko, surely, he won't admit it.
Pinipisil ko ang daliri hanggang sa marating ang palasingsingan. Napahawak ako ng mahigpit doon. Without even blinking, I slid the ring out. Palihim ko iyong tinanggal at nilagay sa bag. Unang beses ko itong tatanggalin sa daliri mula ng ibinigay niya. I regret none of it. Why would I settle to someone uncertain like how Rovhic said. Gaya niya, ayaw ko rin namang mapunta sa taong hindi sigurado, sa taong sa huli ko lang matatanto na hindi na pala ako masaya sa kaniya. Siguro, kung pinili mo man iyon ay nasanay ka na sa ideyang mahal mo siya at mahal ka rin niya. I suddenly remember what a friend of mine told me, that when you keep on saying things, you forget the meaning of it. I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, until love turned only into words.
Huminga ako ng malalim at itinuon ang atensyon sa daan.
Tumigil kami sa car park. My brows furrowed. Galing na kami sa mall kanina, bakit pa lumipat kung pareho lang din naman?
Dumiretso kami sa second floor. Tinanong niya kung saan ko gustong kumain ngunit tinanggihan ko. Nagreklamo pa siya dahil lagi raw na ganito tuwing lumalabas kami. Hindi ko siya sinagot. At saka wala pa siyang sinasabi sa akin kung bakit kami nandito.
"Si Sinye?" I asked.
"Iniwan ko sa condo."
"Huh? Sinong kasama niya roon?"
"Basta," sagot niya na parang wala lang. Hindi ko na lang inisip. Alam ko namang hindi niya iiwan doon magisa ang bata. Baka may katulong siya.
"May bibilhin lang sana ako," turo niya sa Handyman. "Can you wait here before heading to that store?" May isa pa siyang tinuro na hindi ko na nasundan.
Maraming tao sa loob kaya siguro ayaw na niyang pumasok ako at karamihan din ay mga lalaki ang bumibili.
Sumangayon ako sa kaniya. "Sa washroom lang din ako."
Kahit hindi naman ako naiihi ay nagtungo pa rin ako sa C.R. Naghugas lang ako ng kamay bago buksan ang bag at maglagay ng powder sa mukha.
I was about to check my phone when I felt someone came on my left side. Tinignan ko lang siya gilid ng aking mga mata at sa pangalawang tingin ay hindi ko na napigilang ibaling sa kaniya ang atensyon. Napatigil siya sa paglalagay ng lip matte.
"Yes, Miss?" tanong niya.
The girl is tall. Her body fits for a male magazine. I've seen her, many times.
"What are you doing here?" I asked rudely.
Inayos niya muna ang kolorete bago ako sagutin. "What? I am not alllowed to enter the girl's room?"
Hindi ko siya sinagot. I know where this might end.
"Do you have any problem, Sabienna?" mapanuya niyang tanong. "Oh, please. Don't include again here your personal life."
"It's something personal, Jye!"
Binuksan niyang muli ang hawak at naglagay sa labi.
"We're not friends." She honestly said without looking at me.
"We've never been," I added.
"Okay," she answered calmly. "So, there is no issue then between me and Claude."
Sandali akong pumikit at huminga ng malalim. Ever since, she's nothing but a bitch.
"You..."
"What?" hamon niya. Hindi ko naman maituloy ang sasabihin dahil napipigilan ko pa ang sarili ko. At baka rin magkagulo pa dahil siguradong may bodyguard siyang naghihintay sa labas.
"Stop chasing Claude. He was after me. Sabi mo hindi mo na siya mahal 'di ba? I've told him that and we're good." Seryoso niyang amin sa akin. Itinaas niya pa ang kamay upang ipakita sa akin ang patunay.
Umiling ako ngunit nagpakita lang siya ng pagkaawa sa akin.
"You should move on and stop bothering us, dearest bestfriend." Tinapik niya ang pisngi ko bago lumabas.
Nanghina ang mga tuhod ko at kinailangan pang humawak ako sa lababo upang mapanatili ang aking balanse. Nanatili akong nakayuko ng ilang minuto hanggang sa umiiyak na pala ako.
I kept on asking when this pain will end. Lagi na lang kasi. Mawawala, makakalimutan tapos isang alaala lang sa nakaraan babalik na naman.
Ako lang din pala ang pumapatay sa sarili ko. Ngunit sa tuwing babanggitin ko kasi ang salitang paalam, sa tuwing hindi na siya gagawin kong inspirasyon, mas lalo lang na nauubusan ako ng hangin.
I take a deep breath but just after I opened my eyes, the lights inside blinked until it turned off. I heard siren and scream of people.
Nanlamig ako at hindi alam ang gagawin hanggang sa nanginginig na pala ako. Sa isa pang malakas na pagsabog at hiyawan ay naupo ako sa sahig, mariing nakapikit ang mga mata at nakatakip ang dalawang kamay sa tainga. I prayed hard he will call me, that he'll come and save me now. Because this fear, he caused it.
Takot na takot ako noon. Malakas ang buhos ng ulan at sunod-sunod na pagkulog ang nangyari habang pinagmamasdan ko ang pagagos ng dugo sa aking binti.
I was screaming for help but no one came.
Sa gabing iyon, pinilit kong itatak sa sarili na wala na ang bata. Buo na ang loob kong aalis na talaga ako kinaumagahan.
But I saw a miracle the next day. I woke up with white sheets and white walls. He was there beside the hospital bed where I was lying. He asked me what I needed, he was very catious of his actions but I gave him no answer. I know deep in my mind that it was him.
"Anong nangyari?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko pa nakakausap ang doktor," sagot niya.
Maayos na ako, iyon lang ang alam niya. Subalit matapos ang dalawang linggo, nang nasa ika-pitong buwan na ako sa pagbubuntis kay Sinye, inatake na naman ako ng aking trauma.
The doctor advised I should be far from people who can remind me of it. Kaya ng naospital akong muli, nagpatulong ako sa kaibigan ng pamilya namin na doktor. Pinalabas niyang nalaglag ang bata kahit na naka-incubator. We transfered to another hospital. I payed all the bills with the help of Ara and Rovhic.
Tumunog ang cellphone ko ngunit wala akong lakas upang kunin sa bag. Hindi iyon tumigil hanggang sa bumukas ang pintuan.
"Sabienna!" someone exclaimed. Naabutan niya akong takot na takot at nanginginig. Agad siyang dumalo. Sa dampi pa lamang ng kaniyang braso sa akin ay kilala ko na.
"Ang bata..." Mahina kong bulong. "Ang bata po..."
"Ano?" si Claude.
"Ang anak ko..."
"He's okay, nasa bahay siya. Calm down, I'm here," pang-aalo niya. He has no idea why I am acting like this.
Hinahagod-hagod ng kamay niya ng likod ko. "Are you okay now? Can you walk?"
Unti-unti rin niyang tinanggal ang magkabilang kamay ko sa pagkakatakip sa mukha.
"Please, let's go home," I pleaded. "Ayaw ko na dito, Claude."
Pikit pa rin ang mga mata ko kaya hindi ko siya makita. Inayos niya ang mga takas kong buhok bago hinagkan sa noo.
"Uuwi na tayo, but I will have you checked," he assured.
BINABASA MO ANG
Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)
RomanceSabienna Estelle Menchavez is a typical teenage girl. Bahay, eskwelahan at barkada. Doon umiikot ang buhay niya. Her life might not be that perfect but it's always been okay to her. If things doesn't turn the way she wants it to be, so be it. Ayaw n...