Kabanata 14

108 27 3
                                    

Kabanata 14:

Hurt

Sa paglubog ng araw, nagtatapos rin ang isang masayang karanasan.

Siguro, sa buong buhay natin, darating 'yung puntong magmamahal tayo ng sobra. Iyong hindi natin lubos na makalimutan ang taong minahal natin. Iyong hindi natin kayang isuko. Iyong pinaninindigan natin, pero sa huli, hindi rin pinaglalaban.

"Tapos na kayo?" Pumasok si Claude sa loob. Hindi kami natulog na iisang kwarto. Nagtatanong pa si Sinye kung bakit pero natigil din kalaunan.

Siya na ang kumuha sa bag namin dahil inaayos ko pa ang sintas ng sapatos ng anak ko. Kung sa araw na hindi siya nagtatampo, siya na ang gagawa nito para sa sarili niya, at ngayong hindi napagbigyan ang gusto ay nakabusangot siya. Gusto niya kasing mamasyal daw muna kami at umuwi na lang pagkaraan ng ilang araw, bagay na hindi naman kasi pwede dahil pareho kaming may trabaho ni Claude, at biglaan pa ang pagpunta namin dito. I promised to bring him back this summer.

Pagbalik ko ng firm, parang walang nangyari bago ako umalis, parang isang normal na araw lang ngunit ramdam kong may iba dahil wala raw ang manager. Hindi na lang ako nagusisa pa dahil baka magkagulo lang ulit.

Nang tawagan ko si Claude sa break time namin, aniya ay pinaayos niya raw ito sa iba habang umuwi kami sa amin. Posible iyon, bakit pa ako magtataka pagdating sa kaniya. Nasa bahay niya ngayon si Sinye. Sinundo niya ang bata at hinatid din ako sa opisina.

Kung paano ako nanahimik ay siyang kakulit ni Ara. Hindi siya umalis sa aking harapan hangga't hindi ko siya sinasagot.

Nagsimula akong magkwento sa kaniya habang papunta kami sa cafeteria ng building.

"Oh my gosh!" Natawa ako sa reaksiyon niya. Dilat na dilat ang mga mata at sinasampal-sampal pa ang sarili upang paniwalain ang sarili na tama ang pagkakarinig niya sa sinabi ko. "Patingin!"

Sa lahat ng ini-kwento ko sa kaniya, hindi niya pinagtuunan ng pansin ang insidente kung saan niya kami nakitang dalawa ng anak niya kung hindi ay sa huling parte ng istorya ko. Itinaas ko sa ere ang kamay ko upang makita niya ng mas maayos ang singsing.

"I can't believe it. You're getting married!" galak na galak niyang usal. Halos magtatalon pa siya sa hagdanan na ikinatatakot ko dahil baka sa sobrang tuwa niya ay mahulog siya sa hagdan. Ang mga nakakasalubong naming lalaki ay napapatingin pa sa amin dahil sa ingay ng kaibigan ko. Umiling na lang ako.

"Ako na ang mag-oorder, ilibre mo ako," aniya. Hindi pa ako sumasangayon ay nagtungo na siya sa counter. Humanap naman ako ng mauupuan namin. 

Sa pwesto ay kitang-kita ko si Ara, asar na asar siya dahil may mga magugulong empleyado na nakapila, nagtutulukan sila at nadadamay ang kaibigan ko.

Bubulong-bulong siya nang makarating sa nahanap kong upuan.

Humupa naman agad ang inis niya nang simulan ko ulit ang pagpapaliwanag sa kaniya. May mga pulis daw sa lobby noong araw na nawala na ako at may iniimbestigahan. Noon din daw ay nawala na si Mrs. Magnayon.

"Huwag na nga nating pagusapan yan, iba na lang." Iniba namin ang paksa sa usapan gaya ng gusto ni Ara.

Maya-maya ay biglang tumahimik ang lahat ng nasa loob ng cafeteria kaya pati kami ay napatingin na rin sa pinapanood ng mga kumakain sa T.V na nasa pwesto ng cashier. Isa itong news break.

Star Magic model Jye, photos uploaded with her rumored boyfriend goes viral. That was the headline. But what caught me was the person with that model on the photo. I guess they were in an event held at a resort. The girl is in her sundress while her partner is wearing a white polo and board shorts. Hindi lang iisa iyon. Marami. Sa tingin ko ay mula sa pagkain, pagsasayaw, paguusap hanggang sa paguwi.

Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon