Kabanata 20

102 19 2
                                    

Kabanata 20:

Laban

It was an 11-hour bus ride to our town. Kapag naman sa syudad ng Cagayan ay mahigit walong oras lang. Mag-aalas otso nang tumulak ang bus, idagdag mo pa na traffic palabas ng Maynila kaya madilim na talaga ang paligid habang nasa byahe. Saka lang unti-unting nagliwanag nang nasa Isabela na kami, ang probinsya bago sa amin.

Tumigil ang bus sa terminal sa syudad upang magbaba ng mga pasahero. Gumagala ang mga mata ko sa paligid kahit na hindi naman ako nakakarating dito noong nag-aaral ako sa kolehiyo. It's just too nostalgic.

Bumaba rin ang ilan kahit na hindi naman dito ang destinasyon upang bumili ng pang-agahan kahit madaling araw pa lamang kaya ganu'n na rin ang ginawa namin ng anak ko. Mag-aalas sinco pa lang at baka mahigit dalawang oras pa bago kami makakarating sa Gonzaga. Pinakargahan ko ng mainit na tubig ang bote ng gatas ni Sinye para timplahan iyon. Siopao, some kind of bread and cup noodles and then we're good. Mabuti na lang at hindi siya mapili ng pagkain ngayon. Karamihan sa mga pasahero ay ganoon ang nasa lamesa.

I informed my parents about our arrival. Mamaya na rin daw ang flight ng mga kapatid ko kaya medyo kabado ako. Mas mauna lang siguro kaming makakarating doon ng ilang oras.

Gulantang ang kapitbahay na ang ilan ay kamag-anak pa pagkababa pa lang namin sa bus. Nagtatanong ang kanilang mga reaksiyon ngunit walang nangahas na magtanong. Bumati lang sila pagkatapos ay hinayaan na kaming pumasok sa loob ng bahay.

"Mga tsismoso..." bulong-bulong ko na narinig pala ni Mama kaya sinuway niya ako. Totoo naman kasi! Hindi na ako magtataka kung makarating pa sa ibang barangay ang kwento ko.

Sa dati kong kwarto kami tumuloy. Nang iginala ko ang mga mata ay napansing walang pagbabago. Naroon ang kama, lamesa na ginagamit ko tuwing nagaaral, aparador at iba pang luma ng kagamitan. Hindi naman kami mayaman kaya iyon lang ang laman ng kwarto ko.

Binihisan ko muna si Sinye ng pambahay bago ako nagbihis at nagmeryenda sa inihanda ni Mama. Pagkatapos ay pumunta na kami sa lamay ng tiyuhin ko. Isang bahay ang pagitan bago sa kanila.

"Kailan ka pa dumating, Sabienna?" tanong ni Aunty Remi, "Mabuti at umuwi ka rito. Matagal na rin ng huli kitang nakita!"

"Kanina lang po. Uh... abala po kasi ako sa trabaho," iyon lang ang tanging isinagot ko sa kaniya bago lumapit ang isa ko pang tiyahin.

"Ang gwapong bata!" my aunt exclaimed. Tipid lang na ngumiti si Sinye sa kaniya, may bahid ng takot dahil hindi niya sila kilala. Yumuko ako at binulungan ko siyang magmano, sinunod naman niya kaya malaki pa rin ang ngisi ni Aunty Lorie.

"Lola?" alanganin ang boses niya ng ipakilala ko sila isa-isa. Tumango naman ang dalawa kong tiyahin. Si Mama ay nasa tabi ko at hawak ang isang kamay ni Sinye.

Nagpaalam na kami sa kanila at ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ay may sumalubong na naman muli sa amin. Bumati ulit kami, nagusap ng ilang sandali bago tuluyang makapasok sa loob ng bahay.

Namumuo ang mga luha ko habang tinitingnan ko si Tito Chino na nakaratay sa loob ng kabaong. May tumabi sa akin at nang balingan ko ay ang kaniyang asawa pala.

"Bakit kasi hindi ka na bumalik dito..." aniya na naiiyak ngunit pilit na pinasasaya ang boses, "Tuloy ganito ng madadatnan mo siya."

Umiling ako. "Siguro kailangan na po talagang magpahinga ni Tito. He'd done enough... pati nga po sa 'kin," sabi ko nang maalala ang kabaitan niya. Pinatitira niya ako noon sa kanila at binibigyan ng pera.

Nang pakiramdam kong medyo maayos na ay pumunta na ako kina Mama at Sinye. May nagsabi rin kasi sa labas na dumating na ang mga kapatid ko. Si Papa ang sumalubong sa kanila. He was hugging his engineer son and architect daughter. Ako lang yata ang naiiba ang kursong natapos, pero iyon naman ang gusto nilang kunin ko noon. Sinunod ko lang.

Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon