Kabanata 3:
Friend
Walang pumapasok sa utak ko sa araw na iyon. Paulit-ulit na naglalaro sa akin ang naalala kagabi. Saka lang ako natauhan nang hinampas ni Ara ang lamesa ko. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin sa ginawa.
"Lutang ka yata," puna niya.
Nag-isip ako ng maaaring isagot sa kaniya. She's my friends ever since time immemorial and knowing her, napakaraming sinasabi. "I think of buying a service for convenience."
Halata sa kaniyang hindi naniniwala sa sinabi ko. Half of it is true at ang iba ay sa iba na napapadpad ang isipan ko. Pero naalala kong kailangan ko na talagang bumili ng sariling sasakyan para madali lang makaalis kapag ayaw ko na sa mga nangyayari.
Ganoon naman kung minsan hindi ba, tinatakbuhan natin at saka lang hinaharap kapag ramdam na nating kaya na. It is an epitome of cowardness but some use it as a resort.
"Samahan mo ako sa Linggo."
Pinagmasdan niya ako ng mariin, naniningkit ang mga mata na para bang binabasa ang kung ano man ang nasa isip. "Oo nga!" pangungumbinsi ko sa kaniya kahit mukhang hindi siya kumbinsido.
"May lakad ako sa Linggo, ikaw na lang, total magaling ka rin namang pumili!" natatawa siyang lumayo sa akin. Natatakot na baka kung ano ang mapulot ko dito sa lamesa at maihampas sa kaniya. Kahit kailan yata ay hindi ko siya nakausap ng matino.
I know what she meant by my choice.
"Wala kang naitutulong!" naaasar at natatawang bulyaw ko sa kaniya.
Lumabas siya ng opisina matapos ako buwisitin. Nag-ikot kasi ang manager at natatakot na pagtata-talakan na naman siya sa pakikipag-tsismis sa katrabaho gaya noong nakaraan. Maliit pa man ang litid ng kaniyang pasensya at baka masisante kapag sinagot-sagot niya ito.
Tuwing umuuwi ako ng hapon ay nakahanda na rin si Ate Lana na makauwi sa kanila. Ngunit isang hapon ay hindi ko siya nadatnan na naghihintay. Sa pagkabigla at agarang takot ay mabilis akong pumasok. Naguguluhan tumingin sa akin ang dalawa na naglalaro lang pala sa aming sala.
Tumayo si Rovhic kasama si Sinye, "May problema ba?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Maski si Sinye ay mukhang natakot din sa reaksiyon ko. Ganoon na lang ba ang takot ko at sila ay naapektuhan? Ngunit saan ako matatakot?
Iwinaksi ko ang isipang iyon.
Inangat ko ang bata at kinarga. "Hindi kasi si Ate Lana ang nadatnan ko."
Unti-unti ring nawala ang bakas ng takot sa kaniya. "Pinauwi ko na kaninang dumating ako," paliwanag ni Rovhic. "Kumain na tayo, may dala ako."
Si Rovhic ang nag-asikaso kay Sinye sa hapag na ayaw na ayaw ng anak ko dahil kaya na raw niya. He's almost three and he thinks he can do things by his own. Natutuwa ako dahil hindi siya nakadepende sa iba, ngunit paano kung masanay na siyang ganoon? Paano kung hindi na niya ako kailanganin? O ang iba?
"Dali lang yan, Tito!" reklamo nito sa kaniya nang lagyan niya ng kanin ang pinggan.
Sinaway ko pa siya nang nagsalin muli ng tubig sa kaniyang baso, halatang naaasar na si Sinye sa pinaggaga-gawa niya ngunit natatawa lang siya. "Hayaan mo na kasi Rob."
"Wala kang trabaho ngayon?" pag-iiba ko sa usapan habang abala sa pagkain.
"Katatapos lang iyong project namin sa Ilocos, break muna bago iyong sunod na deal," siya.
Tumango-tango ako. "E 'di wala kang gagawin bukas?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin, "Bibisita lang siguro ako sa opisina bukas, bakit?"
"I'm planning to buy a service, can you help me?"
"Sige, samahan kita bukas. May kilala ako."
Matapos kumain ay nagpaalam na rin si Rovhic dahil may pupuntahan daw sila ng mga kasamahan sa trabaho. I wonder of it is really a night out. Pakiramdam ko may tinatago ang lalaking iyon sa akin, though it's not something that may harm us. May iba lang akong kutob. I hope now it is something that my friend deserves.
"Ma, C.R," si Sinye nang matapos kaming kumain sa isang grill. Gustong-gusto niya ang mga inihaw na pagkain, na ipinagtataka ko. Kadalasan kasi sa mga kaedad niya ay pasta o 'di kaya ay chicken joy ang gusto.
Sinamahan namin siya sa male's room, dahil hindi ako pwede sa loob ay hinintay ko na lang sila ni Rovhic sa labas.
Mula sa pagkakahalukipkip ay kumawala ang mga braso ko nang may lumabas doon, hindi si Sinye o si Rovhic. Nagulat din siya pero unang nakabawi.
"Anong ginagawa mo dito, Sabienna?" Lumingon rin siya sa pintuan kung saan ako nag-aabang at saan siya nanggaling. Nagtatanong ang kaniyang mga mata kung bakit ako naroon.
Agaran ang pag-ahon ng kaba sa aking dibdib. Hindi alam kung dahil baka labas doon si Sinye at makita siya o may iba pang manggagaling doon na hindi ko inaasahan.
"May..." hindi ako makahanap ng magandang rason na isasagot sa kaniya nang putulin ni Sinye ang sasabihin ko.
"Ma, tara na."
Bumaba ang tingin ni Garie doon. Hindi ko sinanay sa baby talk si Sinye kaya matatas na siya magsalita kahit hindi masyadong nabibigkas ng maayos ang ibang salita.
Kumunot ang noo niya, "May anak ka na?"
Nilingon ko si Sinye na nakatingin na rin sa akin. Tinanguan ko si Garie.
"Kailan pa... I mean sinong ama?" si Garie.
Naghihintay siya ng sagot nang lumabas si Rovhic. Sinenyasan ko siya at nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.
"Excuse me, pare. Aalis na kami," matapang niyang sinabi kay Garie at iginiya na kami sa palabas ng restaurant. It's rude, I know but I had no choice. Tahimik na lang akong nagpaalam sa kaniya.
Umambang magsasalita pa sana ito ngunit tinalikuran na namin siya.
"Sino 'yon?" si Rovhic habang papunta sa parking lot.
"Kaibigan ni Claude," sa maikling sagot ko ay natigil na siya sa pagtatanong. Bagay na gusto ko sa kaniya, napakadali siyang makaintindi ng sitwasyon at alam na agad ang gagawin.
"Ito na?" paninigurado ni Rovhic sa napili kong sasakyan.
"Oo." I was torn between the Civic or City, pero sa huli ay iyong kulay charcoal gray na Honda Civic ang pinili ko. Besides, kanina pa iyon itinuturo ni Sinye at tuwang-tuwa nang inilapit ko siya roon.
Si Rovhic na ang nag-fill up sa forms na kailangan. Nagtatanong lang siya kapag hindi alam ang isusulat bago hiningi ang pirma ko.
"Ano ang-" Natigil siya sa kalagitnaan ng pagtatanong sa akin. Umikot ako upang makita ang likuran kung saan napako ang kaniyang tingin.
Plain white shirt, denim jacket and pants with a dog tag hanging in his neck, Garie looks intently on us. Na para bang mahirap iproseso sa utak na nakita na naman kami at wala pang isang araw ang lumilipas.
Bumalik si Rovhic sa ginagawa at nang matapos na ang kailangang gawin ay nagpaalam na sa kaniyang kaibigang may ari nitong car dealer bago umuwi na.
I think staying outside now won't bring us any good. What if it's not a friend we'll be going to meet today.
BINABASA MO ANG
Warrior's Downfall (Menchavez Series #1)(COMPLETED)
RomanceSabienna Estelle Menchavez is a typical teenage girl. Bahay, eskwelahan at barkada. Doon umiikot ang buhay niya. Her life might not be that perfect but it's always been okay to her. If things doesn't turn the way she wants it to be, so be it. Ayaw n...